El Epilogo de Nuestra Historia

3.5K 155 126
                                    

(Wahhhh!!! Ito na! Nasa epilouge na tayo! Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang nakaabot din tayo rito makalipas ang anim na buwan. Sa lahat ng sumubaybay sa storya ni Paeng at Sabel, maraming-maraming salamat. Mahal ko kayo! Hindi ko man nais na tapusin at magpaalam sa storyang ito dahil napamahal na rin ito sa akin, ngunit lahat ng bagay may hangganan. Hanggang sa muli!)

#EPILOGO - The Epilouge of Our Story

Present 2021

Pinunasan ko ang mga luhang naglalandas sa aking pisngi. Nagising na naman akong umiiyak. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito sa tuwing nagigising ako.

Kasabay rin nito ang panaginip na hindi ko maipaliwanag. Alam kong iyon amg dahilan kung bakit ako umiiyak ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit wala akong maalala sa mga panaginip na iyon sa tuwing nagigising ako.

Araw-araw, tuwing umaga, nagigising akong naninikip ang aking dibdib at umiiyak sa hindi malamang dahilan.

Limang buwan na rin simula ng makalabas ako sa hospital. Halos isang taon ang inilagi ko roon ng ma-comatose ako matapos maaksidente ang minamaneho kong sasakyan.

Ang sabi ng mga doktor, isang malaking milagro na nagising pa ako matapos ang isang taon dahil hindi iilang beses na muntik rin akong bawian ng buhay habang comatose.

Habang comatose ako, ilang beses ng muntik bumigay ang aking katawan. Malapit na rin sanang tanggalin nila mama at life support ko dahil nawawalan na sila ng pag-asang magigising pa ako.

Tulala akong nakaupo sa aking kama. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. May lungkot akong nararamdaman na hindi ko mawari kung ano ba ang dahilan o kung sino ba ang dahilan.

I signed. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko'y may hinahanap-hanap ako pero hindi ko matukoy kung ano ang bagay na iyon. Pakiramdam ko'y may napakaimportanteng bagay na nawala sa sa akin.

Natigil ako sa pag-iisip ng malalim at napatingin sa pintuan ng may kumutok. Ilang saglit pa ay pumasok si mama.

"Kumusta ang tulog mo anak?" tanong ni mama ng makalapit siya sa akin.

"Okay naman po ma," sagot ko sa kaniya.

"Nakahanda na ba ang mga gamit mo?" muli niyang tanong at tumango lang ako bilang sagot at saka itunuro ang mga gamit ko na nasa gilid ng aking kama.

"Aalis na tayo maya-maya mag-ayos ka na anak," nakangiting sambit ni mama bago siya lumabas sa aking silid.

Napabuntong hininga ako bago tumayo. Pupunta nga pala kami ngayon sa probinsiya nila lola. Simula ng makalabas ako sa hospital ilang beses na kaming tinawagan ni lola upang magbakasyon roon para na rin daw makapag-unwind ako kahit papaano.

Matapos kong mag-ayos agad akong lumabas ng aking silid hili-hila ang isang maleta at isang sling bag. Simple lang ang suot ko, white t-shirt na may nakasulat na hope sa gitna, high-waist na pantalon, at puting rubber shoes. Inilugay ko lang ang buhok kong hanggang balikat ang haba.

Naabutan ko sa sala ang mga kapatid ko na nagkukulitan. Naroon rin ang mga maleta nila. Isang linggo rin kaming magtatagal sa San Isidro.

Tahimik at tulala akong napaupo sa sofa. Isa pa ito sa mga bagay na hindi ko maipaliwanag. Simula ng marinig ko ang lugar na iyon, mula noong isang linggo ng sabihin ni mama na uuwi kami ng San Isidro, hindi ko maiwasang malungkot.

Katulad na katulad ito ng lungkot na nararamdaman ko sa tuwing gigising ako sa umaga. Kung kaya't hindi rin ako nagdalawang-isip na sumama para malaman ko kung bakit ako nagkakaganito.

El Epilogo De Nuestra Historia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon