Catorce

1.9K 97 110
                                    

#EEDNH14

Alas nueve ng umaga nang makarating kami ni Mateo sa pamilihan. Tirik ang araw at kitang-kita ang asul na kalangitan. Masigla ang kalakalan, kaliwa’t kanan ang mga nagbebenta ng samu’t saring produktong na nagmula pa sa Europa.

Halos pagtingingan din kaming dalawa ng mga taong nakakasalubong namin sa daan. May iilan sa kanilang bumati pa. Marahil ay alam na rin ng karamihan sa kanila ang nalalapit naming pag-iisang dibdib.

“Binibini may nais ka bang bilhin? Sagot ko na,” sambit na Mateo habang nakangiti. Nasa harap kami ngayon ng tindahan na nagtitinda ng iba’t ibang mga palamuti, alahas at mga kolorete.

“Huwag na Ginoo,” nahihiya kong saad. Hindi ako sanay na may ibang taong bumibili ng mga bagay na nais ko maliban kina ama’t ina.

“Sige na Binibini huwag ka ng mahiya. Hindi ba’t nais mo ang mga ganitong pang-ipit sa buhok?” Pamimilit niya at ipinakita sa’kin ang isang mamahaling pang-ipit na may desenyong tatlong kulay pulang bulaklak at may kumikinang na dyamante sa gitna ng mga ito.

“Paano mo nalaman?” Tanong ko sa kanya habang hindi inaalis ang tingin sa magandang pang-ipit na hawak-hawak ni Mateo.

Hindi ako mahilig sa mga materyal na bagay ngunit kahinaan ko ang mga pang-ipit na ito. Mayroon akong maliit na kahon kung saan iniipon ko lahat ng mga nakolekta kong pang-ipit sa buhok na bigay nila ama’t ina sa tuwing umaalis sila. Madalas ito ang pasalubong nila sa akin dahil alam nilang gusto ko ito.

“Akin lang napansin. Madalas kong makita na may nakaipit na iba’t ibang klaseng pang-ipit sa iyong buhok na itiniterno mo sa iyong kasuotan,” nakangiti niyang tugon. Hindi ko akalain na maging iyon ay mapapansin niya.

“Kukunin ko na po ito,” saad ni Mateo sa tindera sabay abot ng salapi at mabilis nitong kinuha at binalot ang pang-ipit.

“Natitiyak kong bagay na bagay ito sa Binibining pagbibigyan mo Ginoo,” nakangiting saad ng tindera habang inaabot ang nakabalot ng pang-ipit kay Mateo.

“Nasisiguro ko po iyan. Maraming salamat po,” magalang niyang wika. Ngumiti naman ang tindera sa kanya at bahagyang yumuko.

“Para sa iyo Binibini. Kapag natuloy ang aming pagpunta sa Europa sa susunod na buwan, bibilhan kita ng maraming pang-ipit doon,” aniya at inilagay ang pang-ipit sa aking kamay. Tulala pa rin akong nakatingin sa kanya, wala na akong ibang nagawa kung ‘di tanggapin ito.

“S-salamat ngunit huwag ka ng mag-abala Ginoo. Sapat na sa akin ‘to,” pagtanggi ko sa alok niya.

“Bilang iyong mapapangasawa nais kong ibigay ang lahat sa iyo Sabel, maging ang mga bituin ay handa kong sungkutin upang ialay sa iyo Binibini,” nakangiti siya habang sinasambit ang mga katagang ito dahilan para matigilan ako at tulalang napatitig sa kanya.

Ramdam ko ang sinsiridad sa boses niya. Naiinis ako sa aking sarili dahil hindi ko man lang magawang tugunan ang mga sinabi niya.

Marahil kung sa ibang babae niya sinabi ito, abot langit na ang tuwang nadarama nila sapagkat may isang lalaking handang ibigay ang lahat sa kanila ngunit bakit sa kaso ko, hindi ko magawa iyon?

“Ikaw ba’y nagugutom na? Nais mo bang kumain muna tayo?” pag-iiba niya ng usapan. Tatanggi pa sana ako ngunit biglang kumulo ang tiyan ko. Bigla akong nakaramdam ng gutom nang maalala kong hindi pa pala ako nakakagpag-agahan.

Nang tingnan ko siya nakita kong saglit na sumilay ang ngiti sa kanyang labi ngunit agad din itong nawala at napalitan ng seryosong mukha nang makitang lumingon ako. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Nakita kong tipid siyang napangiti dahil sa tugon ko.

El Epilogo De Nuestra Historia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon