Viente y seis

1.1K 50 3
                                    

#EEDNH26

"Anak! Anak! Gumising ka!" Yinuyugyog na ako ni mama para lang magising ako, saka ko lang nagalaw ang aking katawan at napabalikwas nang bangon ng marinig ko ang boses niya.

"Ayos ka lang ba anak? Binabangungot ka na naman," nag-aalalang tanong sa'kin ni mama, tumango lang ako sa kanya bilang sagot.

Napahawak ako sa pisngi kong basang-basa ng luha. Umiiyak na naman pala ako. Halos isang linggo na rin akong nagkakaganito at paulit-ulit na binabangunot ng kakaibang panaginip.

Sa panaginip ko ay nasa sinaunang panahon ako, umiiyak habang hawak-hawak ko sa bisig ang isang lalaki. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil malabo ito. At sa tuwing nagigising ko, nakikita ko na lang ang sarili kong umiiyak at naninikip din ang dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nagkakaganito.

"Ito inumin mo muna to," tinanggap ko ang isang basong tubig na iniabot ni mama sa akin.

"Salamat ma," umupo siya sa tabi ko at mahinang hinagod ang aking likod.

"Dapat siguro magleave ka muna sa trabaho mo, masyado ka ng stress dyan," napaisip naman ako sa sinabi ni mama marahil dala lang talaga ito ng matinding pagod at stress sa office.

"Sige po ma pag-iisipan ko yan," tumango lang sa akin si mama at saka tumayo.

"Siya matulog ka na," Saad niya.

Muli akong bumalik sa pagkakahiga at handa ng matulog. Lumapit si mama sa akin para ayusin ang kumot at saka ako hinalikan sa noo. Bago tuluyang lumabas binuksan niya muna ang ilaw ng lumpshade na nasa gilid ng aking kama at saka pinatay ang main switch.

Kinabukasan maaga akong nagising dahil kailangan kong pumasok sa opisina. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos bumaba na rin ako. Naabutan kong nagbabasa ng dyaryo si papa habang may isang tasa ng black coffee sa tabi niya samantalang busy naman si mama sa pagluluto ng agahan.



"Good morning," bati ko sa kanila, lumapit ako kay mama at papa para makipagbeso. Nakaugalian na namin tong gawin tuwing umaga.

"Kumusta ang pakiramdam mo anak?" Tanong ni mama.

"Ok na po ako ma, wag na po kayong mag-alala." Tugon ko sa kanya ng nakangiti para hindi na siya mag-alala pa at umupo sa tabi ni papa at nagtimpla ng kape.

"Masyado ka atang subsob sa trabaho anak, hinay-hinay lang nandito naman si papa para ibigay ang mga pangangailangan nyong magkakapatid," sambit ni papa habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa dyaryong binabasa niya.

"Pa 22 na ako, its time na ako naman ang bumawi sa lahat ng sacrifices nyo ni mama para sa amin ni Anne at Nickie. Don't worry magpafile ako ng 1 week leave sa trabaho para di na kayo mag-alala," binaba ni papa ang hawak niyang dyaryo at ngumiti sa akin.

"Napaka-independent talaga ng anak ko," saad nito at bahagyang ginulo ang buhok ko.

Para namang tinunaw ang puso ko sa sinabi ni papa kahit madalas niyang sabihin sa aking ang mga katagang yon natutuwa pa rin ako sa tuwing naririnig ko ang mga 'to mula sa kanila ni mama. Iba pa rin talaga kapag sa magulang mo nanggaling ang mga ganitong papuri.


El Epilogo De Nuestra Historia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon