Dos

4.8K 185 133
                                    

#EEDNH2

Huwag mong sasayangin ang pagkakataong muling ibinigay sa iyo. Huwag mo nang uulitin ang pagkakamaling nagawa mo. Huwag mong hayaang maging dahilan ka ulit ng kasawian ng marami. Baguhin mo! Baguhin mo!”

Pabalik-balik akong naglalakad sa aking silid habang kagat-kagat ang kuko sa hinlalaking daliri ko. Sa tuwing may malalim akong iniisip hindi ko namamalayan na ginagawa ko ito.

Isang linggo na rin ang nakalipas simula nang sinabi sa akin ng matandang pulubi ang mga katagang ito. Patuloy akong binabagabag ng kanyang mga sinabi. Gabi-gabi ko ring napapanaginip ang aksidenteng nangyari sa akin mula sa kakaibang panahon.

“May kinalaman ba ito sa babala niya at sa hindi ko maipaliwanag na nakakasilaw na liwanag na parehong naroroon sa simbahan at sa napapanaginipan kong aksidente?”

Kalauna’y tumalon ako sa aking malambot sa kama at pabagsak na humiga.

“Ano bang ibig mong ipahiwatig lola? Anong pagkakataon? Anong pagkakamali? Anong kasawian? Ano bang kailangan kong baguhin?” Naputol ang pagmumuni-muni ko dahil sa tatlong sunod-sunod na katok mula sa pinto.

“Binibini pinapatawag po kayo ng inyong ama sa kanyang opisina,” saad ni Elena. Napabuntong hininga ako at tumayo. Inaayos ko ang aking sarili saka lumabas sa aking silid.


Pagkalabas ko ay agad akong nagtungo sa opisina ni ama. Kumatok ako ng tatlong beses at saka binuksan ang pinto. May kalakihan ang opisinang ito, makikita rin dito ang iba’t ibang klase ng mga aklat na nagmula pa sa mga ninuno namin. Madalas dito si ama nagtutungo sa tuwing nais niyang mapag-isa o may gawain siyang kalailangan tapusin.Tiningnan ko si ama na abala pa rin siya sa pagbabasa ng mga dokumento.

“Ipinatawag niyo raw ho ako ama,” sambit ko at umupo sa bakanteng silya na nasa gilid ng kanyang mesa sa bandang harapan. Tumingin siya sa akin at isinantabi ang mga binabasa niya.

“Aking nabalitaan na nakauwi na ang iyong matalik na kaibigan na si Kristina mula sa Maynila. May pagdiriwang mamaya sa kanilang tahanan at inayayahan tayo ng kanilang pamilya,” nangiting wika ni ama sa akin.

Napangiti ako ng malaki sa tinuran ni ama. Hindi ko inaasahan ang pag-uwing ito ni Kristina. Matagal ko na rin siyang hindi nakikita at nasasabik na akong makitang muli ng aking kaibigan.

Matalik kong kaibigan si Ma. Kristina Serrano at halos sabay na rin kaming lumaki. Naging magkaibigan kami ng minsang magpunta ang kanyang ama na si Don Claudio Serrano sa aming tahanan kasama ang noo’y limang taong gulang pa lamang na si Katrina.

Mula sa baba ay natanaw niya ako mula sa aking silid na nakapangalumbaba sa may bintana. “Pssttt bata! Laro tayo,” paanyaya niya sa akin.

Tumingin sila ama at Don Claudio sa gawi ko, nakangiting tumango sa akin si ama upang ipahiwatig na pinapayagan niya ako. Pumasok na sila sa loob samantalang naiwan naman si Katrina sa labas habang hihintay ako.

Tuwang-tuwa akong lumabas sa aking silid at agad na nagtungo sa hardin. Ito ang unang beses na may nagyaya sa akin makipaglaro. Naglaro kami ng lutu-lutuan gamit ang iba’t ibang dahon at bulaklak na nakita namin sa hardin.

El Epilogo De Nuestra Historia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon