DEAR DESTINY #1

997 45 10
                                    


Dear Destiny,

     Kailan mo ba ako bibigyan ng makakasundutan ko? Jowang-jowa na po ako. Hindi ako naniniwala sa destiny, pero sabi ng kaibigan ko, umepekto raw sa kanya. Magsulat lang daw ako nang magsulat at ilagay sa garapon. Totoo ba 'yon?

     Hindi naman sa minamadali kita, Destiny. Pero pakshet! Wala pa ring nagkakagusto sa 'kin. Ano 'to? Sumpa? Ano pa ba'ng kailangan kong gawin?

     Pa-cute ako nang pa-cute sa mga chikababes kahit saan pero wala pa ring nakakapansin sa alindog ko. Ilang dating apps pa ba ang aking susubukin? Alam kong trying hard na ako pero hayaan mo na. Kailangan ko na bang maging macho dancer? Gigiling na ba ako sa Adonis Gay Bar?

     Nagki-cringe na ako sa pagsusulat dito, Destiny, pero desperado na talaga akong magka-jowa. Pero, at the same time, sana makahanap na ako ng trabaho. Ayoko namang maging pabigat 4ever. Kailangan ko lang maging independent. Eme.

     Pucha, Destiny, napakasama mo sa 'kin. Lagi na nga akong natatanggal sa trabaho tapos 'di mo pa ako bibigyan ng magandang dilag na makakalaro ko ng chinese garter sa kuwarto? Bad 'yon. Sige na, bukas na lang ulit ako magsusulat. May job interview pa ako mamaya. Hihi.

Tigang na tigang,
Garlic.

****

Where's Your Clove, Mr. Garlic?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon