"NASAAN NA si Alcienigang!? Jusko kanina pa 'yun ah." inis na tanong ni Cholo sa tabi ko. Kanina pa kasi umalis si Alcy dahil bibili lang daw sila ng swimsuit. Isinama n'ya si Danger. Akala ko nga mas mapapabilis kapag kasama si Danger. Mas matagal pa pala.
Naiwan naman kaming apat dito nila Renz, Shine at Cholo sa tabi ng escalator.
Nasa ibang mall kami kaya nakakapanibago. Malapit na sa nasabing beach. Hinintuan lang namin. Hindi na naman bago kay Alcy ang pagiging makupad kaya hindi na ako nagtataka. Pero si Danger, laging maagap 'yan. Five minutes nalang yatang naliligo eh. Like Pucha. Pano 'yun!?
"Ang sabi kasi sa'kin bibili lang daw sila ng swimsuit eh. Kanina pa hindi bumabalik. Aabutin pa yata sila ng isang oras sa pagpili lang ng damit. Kinain na ata ng mga damit." biro pa ni Renz.
"Ambonak naman n'yan ni Alcy. Pota. Jusko Alcienigang talaga. 8 am ang alis natin. 6:40 na. Anong oras pa sila matatapos. Nakakaurat kayang maghintay dito. Garlic, tinawagan mo na ba?" tanong nito na ikina-iling ko.
"Tinawagan ko na kanina pero hindi naman sumasagot." tipid na sagot ko.
"Ang tagal naman nila. I can't wait anymore. Miss ko na si Mij, kailangan ko ng mwa mwa." daing ni Shine at ipinulupot pa ang braso n'ya sa braso ko.
"I can't wait, I can't wait, edi umalis ka. Hindi ka naman kawalan." dinig kong bulong ni Renz sa gilid. Tama lang para marinig namin.
"Epal ka!?" saad naman nitong isa. Nakakaamoy ako ng may mag-aaway. Hindi na rin bago. Lagi nalang silang ganyan kahit nasa trabaho.
"Gwapo ako. Hindi epal." hindi ko alam ga'no kakapal panga ni Renz para sabihin 'yun.
"Ehhhrr. Mas Gwapo naman si Garlic sa'yo noh."
Oh ba't naririnig ko pa yung cute kong pangalan.
"Oh Garlic, gwapo ka raw ayie." gatong naman ni Cholo na sinusundot pa tagiliran ko parang timang.
"If you can't wait anymore, the door is open. You can go freely." sarcastic na biro nitong si Renz na itinuturo pa yung entrance.
"Tigilan mo nga ako Renz."
"Aweet. HAHAHA. Tama na 'yan, mamaya magkainlove-an pa kayo d'yan." awat naman ni Cholo sa dalawa.
Magsasalita palang ako nang matanaw ko na sa 'di kalayuan si Alcy kasama si Danger. Marami yung dala ni Danger—na paniguradong kay Alcy lahat.
"Sorry guys, matagal ba kami? Hehe ang taray kasi nung saleslady eh. Kala mo naman maganda." tanong ni Alcy nang makalapit sa'kin.
"Sorry, muntik pa kaming mapaaway eh."
"At talagang nagtanong ka pa. Jusko ka. Tapos makikipag-away ka pa. Alam mo ba kung anong oras na!?" sarcastic na saad ni Cholo.
"Jusmiyo marimar. Sorry na agad. Tara na nga baka ma late pa tayo." sagot naman ni Alcy.
Nagsimula na kaming maglakad papalabas. Bumitaw na rin sa pagkaka-kapit si Shine nang maglakad kami sa paibabang hagdanan.
"Male-late talaga. Sobrang tagal mo jusko ka Alcy."
Mainit na naman sa balat ang araw. Buti nalang talaga at naisipan ko nang mag sunblock dahil magiging pritong hotdog na naman ako kung sakali. Kaya siguro hindi na tumuloy si Onion sa Pinas eh daig pa nito disyerto tuwing tanggali. Free trial sa impyerno.
BINABASA MO ANG
Where's Your Clove, Mr. Garlic?
HumorThe unfortunate life of a total klutz, jobless, single, and hopeless romantic young adult named Garlic has been conquered by mysterious dark forces and invaded by aliens...charot. Bukod sa maghanap ng trabaho, maging legitimate single na nasa tuyot...