GARLIC 18

74 17 3
                                    


    "Thank you for your purchase, ma'am. Have a nice day ahead!" sambit ko matapos ibigay nung matandang customer yung bayad. Medyo marami kasi siyang binili kaya dapat maging magalang. Actually, dapat sa lahat naman. Kaso 'pag di ko trip bumati, hindi talaga.

     Well-mannered is better than educated naman daw . . . eme.

     Napapunta ang atensiyon ko sa dalawang kasama ko habang nag-aayos ng mga stock. Since wala pa namang pila sa counter, inililibot ko muna ang paningin ko. Ang boring. Wala pa kasi si Shine.

     Napansin ko yung basura malapit sa isang shelf. Chips 'yon na ubos na. Nakapagtataka lang. Bawal magkalat dito. Bawal kumain o uminom ng paninda. Unless yung dalawang tukmol na naman ang may pakana niyan.

     Mga gagu talaga. Sino bang matinong tao ang magtatapon ng basura sa ganitong kalinis na lugar?

     Nang mapansin kong walang customer, hinanap ko agad yung dalawa. Una kong nakita si Renz malapit sa bandang entrance. Nantsi-chicks.

     "Psst!" tawag ko sa kanya.

     "Ako?" painosenteng sambit niya at itinuturo pa yung sarili niya.

     "Hindi! Yung multo sa likod mo," sarkastikong sambit ko. Si timang, tumingin pa talaga sa likod habang sinisipat kung meron ba talagang multo.

     "Lumapit ka dito, bilis!" mariing sambit ko. Sa pagkakataong 'to, lumapit na siya. Himala 'ata.

     "Bakit ba kasi? May nililinis pa ako do'n. Mamaya na tayo magsundutan."

     Hoy! Linya ko 'yan!

     "Hindi ka naman naglilinis, e. Nanlalandi ka lang do'n. Kumain ka ng chips?"

     "Galing sa store?"

     "Oum."

     "Hindi, a! Hindi ako mahilig sa chips. Hindi nga ako bumibili, e. Hindi rin ako mahilig sa chocolate," umiiling pang sambit niya. "Bakit?"

     "Ang defensive, a—"

     "Mama mo defensive," nakasimangot na saad pa niya.

     "Tingnan n'yo yung balat ng chips do'n sa sahig, o. Sabi mo, naglilinis ka? Ba't hindi mo pulutin 'yan?" utos ko habang itinuturo pa yung basura.

     "Okay, okay. Sorna agad," sambit pa niya bago mawala sa paningin ko. Pinanood ko lang siyang pulutin 'yon. Diring-diri pa ang pucha.

     Umalis ako ng counter at balak sanang pumunta sa gawi ni Renz nang makabangga ako ng isang batang babae. Mga 4-6 years old. Napaupo ito sa sahig. Nalaglag din yung ice cream niya. Pucha naman.

     Luh, ice cream na naman?

     Ba't ang malas ko?! Naalala ko tuloy yung nangyari sa mall. Ganitong-ganito rin 'yon. Saka, di ba, bawal kumain dito?

     Inalalayan ko siyang tumayo. Umupo naman ako para magpantay kami ng tingin nung bata. Napansin kong wala siyang kasama. Ang cute niya. Missing my younger self.

     Hindi ako pedo!

     "Bata, okay ka lang?" tanong ko at hinawakan ko pa yung isang balikat niya gamit ang kaliwang kamay ko.

     Hindi siya sumagot kaya naman tiningnan ko siya. Napatigil ako kasabay ng bahagyang paglaki ng mata ko nang makita ko siyang lumuluha. Pinunasan niya 'yun at sinubukang umiwas ng tingin pero huli na. Mas lalo pang lumakas yung iyak niya dahilan para mapunta sa 'kin ang tingin nung ibang tao.

     Nataranta ako kaya agad kong kinuha yung panyo ko sa loob ng bulsa ng pants ko. Ibinigay ko sa kanya at tinanggap naman niya. Tiningnan niya lang 'yon.

     Ay, pucha! Bata 'yan, Garlic!

     Napapailing akong kinuha muli yung panyo at pinunasan yung luha nung bata. Mamaya, dumating pa ang nanay nito.

     "Okay ka lang, bebigurl? Asan nanay mo?" malambing na tono kong sambit.

     Hindi na naman siya sumagot. Patuloy lang siya sa hagulhol. Para bang sobrang sakit ng dinadala niya. Nang dahil sa ice cream na nalaglag, mukhang matatanggal pa 'ata ako sa trabaho. Mas lalo akong nataranta.

     "Ano'ng nangyayari dito?!" Napaangat naman ako ng tingin nang marinig ko ang boses ng nanay nung bata. At hindi nga ako nagkakamali, dahil sa pag-angat pa lang ng tingin ko, isang malaking babae ang bumulaga sa 'kin. May katandaan na.

     Tumayo na rin ako. O, di ba, mas matangkad pa ako? Matangkad talaga ako. Sabi ko sa inyo, e.

     "A . . . ma'am—"

     "ANO'NG GINAWA MO SA ANAK KO?!" medyo nabigla pa ako sa malakas na sigaw nito.

     "A . . . kasi, ma'am—"

     "ANONG A, KASI, KASI?! MAGPALIWANAG KA! ANO'NG GINAWA MO SA ANAK KO'T GANITONG IYAK NANG IYAK, HA?! GUSTO MO BANG TAWAGIN KO PA MANAGER N'YO?!"

     Napatakip pa ako ng tainga nang sigawan ako nung balyena—este ni Ante.

     "ANO?!"

     "Ma'am, please calm down. Do not make any scene here—"

     "Papaano ako kakalma, ha?! Tingnan mo'ng ginawa mo sa anak ko. TINGNAN MO!"

     "Ma'am, please calm down."

     "ABA! BASTOS KA PALA, HA?! HINDI KA MARUNONG GUMALANG SA NAKAKATANDA?! GANYAN BA KAYONG LAHAT DITO?!" Konti na lang 'ata, puputok na 'tong balyena na 'to. Salubong na ang kilay niya sa inis at parang umuusok ang ilong sa galit.

     "Ang gusto ko lang naman HO na sabihin sa inyo HO ay hayaan n'yo HO akong magpaliwanag. Kumalma lang HO kayo kasi babayaran ko naman HO ang pagkain na nasayang HO."

     "ABA! DAPAT LANG NA IKAW ANG MAGBAYAD! ASAN NA ANG MANAGER N'YO?! GUSTO KO SIYANG KAUSAPIN."

     Karen ng Pilipinas.

     "Para saan HO?"

     "ANONG PARA SA'N? SA TINGIN MO BA, HINDI KO NAKITANG SINADYA MONG BANGGAIN ANG ANAK KO?!"

     "Hindi ko naman ho sinasadya. Aksidente ho kasi talaga ang nangyari—"

     "ANONG AKSIDENTE?! E, NAKITA NGA NG DALAWANG MATA KO! GANITONG-GANITO KAYO! MGA WALANG KUWENTANG EMPLOYEE NA SAKIT SA LIPUNAN." Namimilog pa ang matang tingin niya sa 'kin.

     "Ma'am, ganito na lang. Kung gusto n'yo ho—"

     Hindi ko na natapos ang balak kong sabihin nang isang malakas na sampal ang natanggap ko.

     Katahimikan . . .

     Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa sahig, ibinaling ang atensiyon sa matandang balyena habang dinadala nina Renz at Danger papalabas. Hindi ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

     Bigla akong napako sa kinatatayuan. Hindi ko maihakbang ang mga paa. Hindi ko alam kung nasaktan lang ba talaga ako sa sampal niya o nasaktan ako dahil sa sinabi niya.


****

Where's Your Clove, Mr. Garlic?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon