DEAR DESTINY #25

49 16 1
                                    

Dear Destiny,

     Hi, Destiny. Muntik pa kitang hindi masulatan kasi nga, naparami kain ko. Madami na sa 'kin 'yon kasi hindi naman ako malakas kumain.

     Bakit nga ba kita sinulatan ngayon? Kakasulat ko lang kanina, di ba? A, oo nga pala, Destiny. Gusto ko nga palang ipaalam sa 'yo lahat ng nangyayari sa buhay ko. Mga hinanakit—dejok. Mga saloobin ko. Diary na ba kita? Diary na ba ang tawag sa 'yo? Ayoko.

     Nami-miss ko na sina Alcy at Cholo. Alam mo, Destiny, yung feeling na sinasabi ng utak mo na 'wag mo na silang kausapin at kalimutan na ang lahat, pero deep inside, gusto mo pa silang kasama kasi naging parte sila ng buhay mo?

     Natatakot ako, Destiny, na mawala sila. Na magkalimutan na nga. Gusto ko silang kausapin kaso pinangungunahan ako ng isip ko. Help, Destiny. Natatakot din kasi ako na dumating yung time na bigla na lang silang walang paramdam. Na nangyayari na nga. Nami-miss ko sila.

     Pero if ever dumating nga yung time na friendship over na, hahayaan ko na lang, Destiny. Everything happens for a reason naman, di ba? People come and go. Kahit gaano ka-important sa 'yo, mas mahirap yung i-force mo silang mag-stay pero hindi naman na tama. 

Madrama,
Garlic.

Where's Your Clove, Mr. Garlic?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon