GARLIC #32

45 15 2
                                    


      HINDI KO na napigilang sumigaw sa sobrang pagkabigla. Nakakabigla naman kasi. Kasabay nito ang pagtulak ko papalayo kay Danger pero ayaw pa rin n'ya talagang tumayo. Hindi naman sa natakot ako pero nakakabigla lang talaga yung mga ganoong pangyayari. Pucha naman oh!

     "Oh my gosh." narinig kong nagsalita si Shine—si SHINE!? 

     "Huwag n'yong sabihing dito n'yo pa talaga balak magmake out? Lumipat na kayo sa kama. Ahihi! Kinikilig ako!" abot taingang saad nito habang nakatakip pa ang kamay n'ya sa bibig.

     Mali ka po ng iniisip Shine! Hindi naman ho ako kagaya ng iniisip n'yo huhu. Pucha.

     Kusa na akong tumayo at napapahawak pa sa likod ng ulo ko dahil sa pagkakabagsak. Masakit pa rin kasi. Feeling ko na-gong utak ko. Good thing at hindi madumi ang sahig kundi nagdumi pa 'tong uniform ko. Magmumukha na naman akong basahan sa harap ng mga customers. Pano ako makakabingwit ng sirena kung dugyot ako? 

     "Gago Shine. Hindi gano'n 'yon."  paliwanag ko naman at napatingin kay Renz na nagpipigil ng tawa sa likod ni Shine.

     Hindi ko alam kung maiinis ba ako dahil pinagtatawanan ako ng lokong 'to o magiging masaya kasi hindi na ganon ka awkward ang nagiging atmosphere. Kailangan ko na bang magpasalamat kay Danger?  Salamat Doc? Salamat Shopee?

    "Naghahanap lang naman ako ng signal tapos nakisingit pa sa daan si Danger. Aksidente lang talag ang nangyari! Maniwala ka! Ayan, parehas kaming tumba." pagpapatuloy ko pa. Habang kinakapa kung nagkabukol ba ako or what.

      "Sus. Defensive. Kayo ha. May secret affair disaffair pala kayo ha. Ahihi. Pero kung magiging kayo man. Supporn—este support ako. Okay lang 'yan. Welcome to the club!" dagdag pa ni Shine na kilig na kilig pa ampucha.

     Hindi mangyayari 'yan Shine! Sugal ko pa yung buhay ko!

      "Si Shine maissue. Kaya hindi ka nagkakajowa eh." sambit naman ni Danger bago muling kunin yung mga kahon at naglakad na papuntang stock room.

    "Hoy! Ang saya kasi maging single. Kayo na ba ni Danger? Gosh! Ba't di mo sinabi agaad! Kaloka HAHAHAHA!"

     "Tch. Bahala ka kung ano iniisip mo." nakahawak pa ako sa likod ng ulo ko habang naglalakad pabalik sa counter. Feeling ko kasi talaga na jumble lahat ng organs ko sa ulo.

     Panay pa rin ang tawa ni Shine sa tabi ko't kung ano-ano pa ang pinagsasabi. Since wala naman akong pake sa kung anong nangyari kanina, hindi ako affected sa mga pinagsasabi n'ya.

     Kami raw ni Danger pero kahit crush nga wala. Isa pa, hindi pa rin ako nakakamove on kay ex crush. Crush ko pa rin talaga. Oo tama, si Lynx nga. Alam ko namang taken na yung tao at alam kong mali 'tong ginagawa kong pagkakagusto ko sa kanya pero hayaan mo na.

     Ang good thing lang na nangyari ngayong umaga ay nawala na yung awkwardness. Although hindi pa kami nakakapag-usap ni Renz talaga. Pero alam ko sa sarili ko na magiging okay agad kami. 

     Nagtama ang paningin namin ni Renz. Iiwas na sana ako ng tingin dahil medyo nagkaroon muli ng awkward atmosphere kaso bigla s'yang nag peace sign sa bandang cheeks n'ya na kala mo nag seselfie.

     Pucha ok na nga kami. Sabihin mo 'salamat Danger.'

     Hindi ko na rin napigilang hindi mapangiti. Mukha kasi s'yang abnoy.

     Sabay kaming napatawa. Takha naman kaming tinitigan ni Shine na walang alam sa nangyayari. Si Danger hindi ko makita. Baka nandoon sa japan, nagkakape.

    Mabilis lumipas ang oras. Lunch na naman. Bagsak ang balikat kong umalis sa counter. Dumiretso ako ng banyo. Mabilis na naghilamos at tinapik-tapik pa ang mukha. Iniisip ko pa rin kasi kung anong gagawin ko after work. Ayoko munang umuwi. Gusto kong magpahangin. Gusto kong magpakalasing kahit hindi naman ako umiinom. 

     Seryoso na talaga. Napalakas yata pagkakauntog ko kanina kaya feeling ko naikot paligid ko. Feeling ko binibiyak ang likod ng ulo ko. Gusto kong humiga pero ayoko munang makipag-usap kahit kanino. Gusto kong matulog at magsulat kay destiny. 

     Automatic na nabuhay lahat ng cells ko sa katawan nang marinig kong may kausap sa labas si Shine. "Uyy Lynx,a long time no see ah?"

     "I miss you, bakit ka pala nandito?" tanong naman ni Danger. 

     Mas lumakas ang ingay dahil halos sabay-sabay na silang nagsasalita. Napasampal muli ng mukha. Biglang nainitan kahit malamig naman. Nanlalaki ang matang sumilip sa pinto. Isang pigura ng babaeng nakatalikod na may suot na kulay kahel na dress ang nakita ko. Naka braid ang mahabang buhok at may dalang handbag. 

      HALA! ANG CELLPHONE!

     Halos liparin ko ang pagpunta sa counter upang balikan ang naiwan kong cellphone. Nakalimutan ko kasing lockscreen ko pala si Lynx. Nalintikan na!

     Agad kong hinalbot ang cellphone ko't mabilis na bumalik sa banyo. Mabilis ang tibok ng pusong inilock ang pintuan. Ni hindi ko nga sila nagawang sulyapan. Ang alam ko lang, parang may pista sa loob ng t'yan ko. 

     Napatitig ako sa salamin. Huminga nang malalim. Hindi ko mapigilang hindi mapakagat sa ilalim ng labi. Hindi ko alam kung bakit. Bakit ako nakangiti?

     Hindi naman siguro dahil narinig ko ang pangalan n'ya. Hindi... siguro...

     Nanginginig ang kamay kong lumabas ng banyo. Kinagat ko nang mariin ang labi kasi para akong tangang nakangiti. Nakasalubong ko si Danger na saktong papasok. Naamoy ko na naman yung pabango n'ya. Ang tapang pero mabango. Masarap singhutin. Pero hindi s'ya ang balak kong pansinin. 

     Muntik pa akong matisod sa sariling paa nang takbuhin ko ang papuntang counter kakamadali. Napatingin ako bigla sa kanila. Hindi nakapagbigay ng komento ang utak ko nang makita ko kung sino ang dumating. 

     Ibang Lynx pala ang tinutukoy nila!

     "Uy Garlic, si Lynx nga pala. Bestfriend ko nung college." pagpapakilala ni Shine do'n sa babae.

     Mahinang itinaas ko ang kamay para mag hi saka muling bumalik sa upuan ko. Nakngteteng...

     Kung alam ko lang na iba palang Lynx sinasabi nila edi sana hindi na ako nagmukhang tanga sa banyo.

     Nang sandaling mag vibrate ang phone sa kamay ko, agad akong napatingin sa screen kung sino ang nagchat. Si Renz. Nagsend ng smirk emoji. Napatingin ako sa kanya na kasalukuyang nagtitipa ng cellphone sa sulok. Hindi s'ya nakatingin sa'kin pero alam kong may panibagong kalokohan na naman ang loko. Baka nga mamaya magsend nalang s'ya ng porn link sa inbox ko.

     Hindi na ako nag-abala pang magreply. Panigurado namang puro katarantaduhan lang ang mapapala ko sa kanya. Matino lang naman 'yan kausap kapag nakadikit kay Shine. 

     Napasulyap muli ako sa labas. Ineexpect ko nang nandito na naman yung misteryosong lalaki pero mas natakot akong wala. Hindi ko alam pero mas kinabahan ako. May nararamdaman na naman akong hindi maganda. 

     Nagvibrate muli ang cellphone ko. Hindi ko na sana papansinin pero napansin kong nakatanggap ako ng text sa hindi kilalang number. Napakunot ang noo ko nang mabasa ang message. 

     Hindi ako makapaniwala....


****

Where's Your Clove, Mr. Garlic?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon