DEAR DESTINY #26

46 16 1
                                    


Dear Destiny,

     Ito na ba yung sign na magkakaayos na muli kami ni Cholo? Ito na ba yung sign na magiging okay na kami ni Alcy? Ito na ba yung sign na babalik na ulit kami sa dati? Ang CholCyLic? Eme.

     Gusto kong malaman, Destiny. Sabihin mo. Kahit alam kong hindi ka magsasalita. Bigay ka na lang ng sign. Kung ayaw mo, e di 'wag.

     Akala ko kasi, si Mij yung dadating, Destiny. Bakit naman si Cholo? Gusto ko siyang kausapin pag-uwi namin. Kasi nahihiya ako. Ewan ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa kanila. Mas mabuti sigurong magkaayos na rin kami, di ba?

     Ang sakit ng ilong ko. Hindi ko talaga gusto ang amoy ng kotse sa loob. Iba kasi yung gamit ni Cholo sa kotse niya. Masyadong matapang. Nakakahilo. Hindi ko naman puwedeng ibaba yung bintana sa gilid dahil, pers op ol, hindi pa naman kami nagkakaayos. 'Kapal naman siguro ng panga ko kung gagawin ko 'yon, di ba?

     Lalabas yung aircon . . .

     Bukas na lang yata ulit kita masusulatan. Napaparami na ako ng sulat ngayong araw. Baka kasi hindi na rin ako makapagsulat mamayang gabi kasi tinatamaan na naman ako ng katamaran.

Masakit ang ilong,
Garlic.

Where's Your Clove, Mr. Garlic?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon