PAGKATAPOS NG pagkikita namin ni Alcy sa harap ng bahay ni Alexiana, mabilis s'yang umiwas ng tingin at dire-diretsong naglakad. Hindi ko pa nga nasasagot yung tanong n'ya.
Akmang hahabulin ko na s'ya ngunit biglang pumasok sa isipan ko ang kalagayan naming dalawa. Ok ba kami? Hindi. Hindi pa. Kaya hanggang dito nalang muna siguro ako.
Agad akong pumunta ng bahay at ginawa na ang mga dapat kong gawin bago ko ihiga ang sarili ko sa kama. Nilinis ko muna ang lagayan ni destiny bago muli akong humiga. Mabilis rin naman akong nakatulog kahit nag half bath ako kanina. Malamig yung tubig kaya ang sarap matulog.
Kinabukasan, maaga akong nakarating sa convenient store. Buti nalang at medyo maluwag sa jeep kanina. Medyo napaaga ako kaya closed sign pa yung nakapaskil sa harap ng entrance. Himala ata. Feeling ko lalagnatin ako kasi napaaga ako ng pasok.
Nandoon na silang tatlo nang makapasok ako. Mas maaga pa rin talaga sila sa'kin kahit ganito. Unang hinanap ng mata ko si Renz na kasalukuyang nagce-cellphone sa sulok. Mukhang abala sa ginagawa n'ya kaya hindi ko na muna siguro s'ya aabalahin. Balak ko talagang mag explain sa kanya kaso hindi kaya maging awkward?
Gusto ko s'yang lapitan kaso nahihiya na ako. Hindi ko na rin alam kung paano s'ya ia-approach. Alam kong may something na sa kanya pamula pa kagabi. Galit na rin siguro 'to sa'kin. Pucha naman.
Mabilis akong nagpalit at pumunta na sa puwesto ko. Nasabi ko na ba sa inyo na masarap umupo rito sa upuan ng counter? Hindi pa? Edi wow.
Nasa tabi ko naman si Shine na kasalukuyang nagsusulat sa isang papel. Busy ata, may kinukwenta s'ya since may calculator sa tabi ng papel.
Ako naman, heto, nakatanga lang kung saan. Nabibingi sa katahimikan. Hinihintay matapos ang awkward na araw na ito. Taglamig na siguro. O baka uulan lang mamayang hapon o gabi. Makulimlim ang langit sa labas kaya posible nga na umulan. Good thing at wala akong madalang payong. Napaka maalalahanin mo Garlic. Pucha ka.
Dinukot ko sa bulsa yung phone ko. Narinig ko kasi na may nag chat. Yung bubble head agad ni Alexiana. Hindi kami ganoong nagchahat. Wala pa ngang laman ang convo namin. Kaya nakakapagtaka lang bakit n'ya ako icha-chat. Bahala na nga.
Alexiana
Are you free tonight?
Napatitig ako ng ilang segundo sa screen ng cellphone ko. Nalulutang ako sa nakikita ko. Baka namamalik-mata lang ako or what. Hindi naman ata!? Bakit ako ichachat nito? Wag mong sabihing—omaygash. Aamin na si Alexiana sa'kin na patay na patay talaga s'ya sa'kin since then? Crush n'ya rin ako? Omygash pucha naman oh. Sobrang cute ko ba? Na-inlove ba s'ya sa hotness ko?
Magt-type na sana ako nang marinig kong tinawag ni Shine ang pangalan ko.
"Garlic, nakita mo ba yung pouch ko? I thought naipatong ko lang 'yon dito or somewhere. Gosh 5k pa laman nun." tanong nito habang hinahalungkat yung pwesto nya.
"No." tipid na sagot ko at pinindot ang send button.
"Anubayan, tanong ko nalang kina Danger. Gosh, 'di ko talaga mahanap. Baka naiwan ko ata sa bahay."
Alexiana
Are you free tonight?
No.
Napasampal nalang ako sa noo nang mali pa ang nasagot ko. Napakabobo mong nilalang Garlic. Kyut ka sana kaso tanga ka. Pucha naman oh.
Alexiana
Yes
Yes
Oo
(message not sent.)BAKIT AYAW MAG SEND! PUCHA NAMAN OH!
Napatingin ako sa signal ng phone ko at charaaan! Walang signal! Kahit isang bar, wala. Napakasama naman. Pucha. Kung pwede ko lang i-mention yung network nagawa ko na eh. Pakyu Globe Telecom
Umalis ako ng counter since hindi pa naman kami nagbubukas. Medyo marami pang oras. Lumibot ako sa buong convenient store. Sa entrance, sa banyo, sa staff's room, sa puso mo(ayieee), sa shelves at wala pa rin talaga! Hindi naman ako pwedeng lumabas kasi baka may customer na sa labas. Sabihing hindi pagt-trabaho inaatupag ko. Pucha namam.
Inilibot ko ang paningin ko kung saan pa pwedeng maghanap ng signal. Wala na akong makita bukod doon sa pwesto malapit sa stock room. Lumakad ako hanggang sa mapapunta ako sa may liblib na bahagi ng convenient store. Do'n sa nga canned goods section. Maraming shelves pero sa pagitan ng mga ready to eat foods ako pumwesto.
Sakto naman at may monobloc chair akong nakita sa may sulok. Medyo sira na. Swerte nalang kung biglang masira 'to. Nakikita ko kasing nagkakaron na ng signal banda rito kaya pumunta ako 'don at tumungtong sa upuan. Itinaas ko yung kamay ko at yes! May signal dito sa taas! Mas mataas, mas masignal.
Alexiana
Are you sure? K fine.
Yes
Yes
Oo.PUCHA NAMAN OH! BAKIT NGAYON KALANG NAGSEND DEPUNGAL KA!
Babawiin ko na sana yung nasend pero biglang lumitaw si Danger sa gilid ko kaya napunta ang atensyon ko kanya. Ang bango nya. Naamoy ko hanggang dito yung pabango nya. Kaamoy n'ya yung beul beul namin. Gusto ko tuloy magkaron din no'n.
"Anong ginagawa mo d'yan?" malamig na tanong nito.
"N-naghahanap ng signal. Ang hina ng net sa pwesto ko" iniwas ko ulit yung paningin ko sa kanya.
Habang tumatagal kasi akala ko masasanay na ako sa kanya. Kaso pabaliktad ata ang nangyari. Habang tumatagal nagiging weird yung nararamdaman ko. Mas nagiging awkward kasi mas lalo kong naiisip yung ginawa ko at sinabi ko sa kanya. Tapos yung mga pagtrato nya sa'kin nitong mga nakaraang araw. Pucha naman.
"Excuse me." may dala s'yang mga kahon. Mga wala nang laman. Ilalagay na nya siguro sa stock room. Pinipilit n'yang dumaan sa makitid na daan papuntang stock room.
Bakit kasi sa dinami dami ng pwedeng daanan dito pa sisiksik 'yang Danger na 'yan. Kakainis naman oh. Bakit Danger ha!? Bakit!
"W-wait." saad ko. Nararadaman kong nagiging shaky masyado yung upuan kaya mabuti pa sigurong bumab—AAAGHH!
Bigla akong na out of balance. Humanap agad ako ng makakapitan. Buti nalang at nahawakan ko ang damit ni Danger bago ako bumagsak sa sahig. BUTI NALANG!?
Naramdaman ko nalang ang malakas na pagtunog ng ulo ko sa sahig kasabay ng paglapat ng labi ni Danger sa ilong ko.
****
BINABASA MO ANG
Where's Your Clove, Mr. Garlic?
הומורThe unfortunate life of a total klutz, jobless, single, and hopeless romantic young adult named Garlic has been conquered by mysterious dark forces and invaded by aliens...charot. Bukod sa maghanap ng trabaho, maging legitimate single na nasa tuyot...