GARLIC #38

42 15 1
                                    


     HUMIGPIT ANG hawak ko sa handle ng backpack. Nanigas bigla. Natameme sa tanong ni Shine. Napaka out-of-nowhere kasi. Anong sasabihin ko naman? 

     "Ayaw mo nun? Ginger na love team name n'yo. Garlic at Dinjer HAHAHAHA." humagalpak s'ya ng tawa. 

     "Sa'n mo naman napulot 'yang tanong mo? Nagdu-drugs ka ba?" kunot-noong ibinalik sa kanya ang tanong. Wala talaga akong idea sang lupalop n'ya nakuha yung tanong na 'yon.

     "Weh? Really? Eh lagi nga kayong sabay? Sinusundo ka ba n'ya? Ayiee. Kayo ah. Masyado na kayong sweet. May secret relationship kayo ano?" sinusundot ang tagiliran ko ni Shine.

     "Hindi ako bakla." diretsong sambit ko. 

     "Sigurado ka ba talagang wala kang nararamdaman para kay Danger?" kumislap ang mga mata n'ya. Humina ang boses. 

     Hindi na ako umimik. Pucha! Paulit-ulit kasi. Bukod sa sama ng loob, wala naman akong kailangang ipaliwanag sa kanya. Wala rin naman akong mapapala. Magsasayang lang ako ng laway. 

     "Fast talk, Danger or ako?" 

     "Wala." mabilis na sagot ko para matahimik na s'ya. "Itigil mo na 'yang mga kababasa mo ng yaoi." napapailing akong naglakad papuntang banyo.

     Naririnig ko pang may pahabol pa s'yang tanong na hindi ko na pinansin. Baliw...

     Sakto namang kakalabas lang ni Danger sa banyo. Nginitian pa n'ya ako bago mabilis na umalis. Ending, nginitian ko yung pinto. Mukhang tanga si Garlic. Yey!

     Pumasok na ako sa loob diretso sa isang cubicle. Mas bright pa yung inidoro kaysa sa future ko. Nahihiya na rin siguro yung mga ipis manirahan dito sa sobrang linis.

     Sinimulan ko nang magpalit, bahala na kung pa'no isuot. Inuna ko yung pinakamadaling suotin. Sa labas na ako magsusuklay. Iba na yung feeling ko rito sa banyo. Feeling ko kasi may lalabas na multo sa salamin.

     Nando'n na si Renz nang makalabas ako. Nang mapansin kong may dala s'yang lalagyan ng sandwich, daig ko pa yung ostrich makakuha lang ng isa.

     "Sabihin mo muna salamat baby Renz."

     "Ayoko." sambit ko bago pumuntang counter dala-dala yung mabangong sandwich.

     *---*

     TIME FLIES at wala pa rin akong jowa. Palpak na naman ang planong makabingwit ng pag-ibig sa counter. Siguro kailangan ko na ring tanggapin ang malupit na pangyayaring pinaparanas sa'kin ng tadhana. 

     Hindi ako makanguya nang maayos dahil panay ang sulyap sa'kin ni Danger. Nagiging curious na ako kung crush na ba ako ng taong 'to o sadyang malakas ang trip. Sarap tusikin ng mata. 

     "Gosh, sawang-sawa na ako sa pagkain dito. Gusto ko ng sushi, samgyupsal, o kahit spicy ramen lang! Order nalang kaya tayo sa foodpanda?" suhestyon ni Shine na maganda ang pagkaka-sandal sa couch. Pinaglalaruan yung ibinilot na basurang papel. 

     "Gutom ka pa rin? Kakatapos mo lang kumain ah." pasingit ni Danger na pasimple na namang tumingin sa'kin. Sarap i-umpog ng loko sa pader. 

     Napunta ang tingin ko kay Renz na kasalukuyang nagtitipa sa cellphone. Nagseseryoso. Mukhang nagfofocus kasi nagsasalubong ang kilay. May ka-chat yata. 

     "Maliban sa 'don't give up', ano pang pwedeng sabihin pang cheer-up ng friend?" tanong ni Renz kaya napunta na rin ang atensyon sa kanya nung dalawa. 

Where's Your Clove, Mr. Garlic?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon