Dear Destiny,
Mabilis nga talaga ang pagpatak ng oras. Parang kailan lang ako pumasok tapos mag-iisang linggo na pala. Isang linggo na rin ako halos walang contact kina Alcy at Cholo, Destiny. Pataasan siguro ng pride. Tuwing dadaan kasi ako sa bahay nila, tuwing nagkakasalubong kami, at tuwing nagtatama ang mga paningin namin, agad akong umiiwas. Walang salita. Hindi ko sila pinapansin. Siguro nga, mataas ang pride ko. Pero alam mo yung feeling na gusto mong makatanggap ng apology? Kahit isang sorry lang, okay na 'ko, kaso wala, e. Pucha.
Wala namang masyadong nangyari. Gano'n pa rin naman. Sa Lunes na babalik si Shine. Naka-recover na naman daw siya. Tapos babalik kami sa Sunday para kunin na suweldo namin.
Ano nga bang araw na ngayon? A, Sabado na ng gabi. Kakatapos lang ng araw, Destiny. Bukas na pala kami kukuha ng suweldo. A, sige, mamaya na ulit. Kakain na kami ni Naynay.
Susweldo na,
Garlic.
BINABASA MO ANG
Where's Your Clove, Mr. Garlic?
HumorThe unfortunate life of a total klutz, jobless, single, and hopeless romantic young adult named Garlic has been conquered by mysterious dark forces and invaded by aliens...charot. Bukod sa maghanap ng trabaho, maging legitimate single na nasa tuyot...