GARLIC #3

260 31 7
                                    


     Napabuntonghininga na lamang ako nang matapos ako sa pagsusulat. C-in-opy ko naman yung link na s-in-end sa 'kin ni Alcy na form para sa interview. Yung crush niya raw kasi nanghihingi. Nasagutan ko na naman 'yon. Copy ko raw, kasi magde-delete siya. Mahabang kuwento 'yan. Hayaan n'yo na.

     Muli akong nag-scroll sa FB para mangolekta ng memes. Tapos ise-share. Hobby ko. Pake mo. Puro shared post na naman ang timeline ko. Isa pa, wala rin naman akong ipo-post. Ito na ang epekto ng walang ka-chat. Ipinagpatuloy ko lang 'yon hanggang sa makakita ako ng isang post from Ma. Katy Pusiko.

     'Hi, nanalo ka ng brief/panty set! Mangyaring mag-send sa 'kin ng picture ng iyong othin/pechay para malaman ko ang saktong size na para sa 'yo.'

     Ibinulsa ko nang muli ang cellphone nang muling lumabas pamula sa nasabing pinto si Miss Yeshmin Hasistido. May dalang malinis na papel. Kinabahan ako bigla.

     "All the applicants here will be called one by one. And alam n'yo naman siguro ang mga katangiang hinahanap namin sa isang tao para sa marketing team, right? We need some employees who have excellent skills. So good luck to all of you," paliwanag nito. Napatango naman ako nang mahina. Kunyari, naintindihan ko na, pero ngayon pa lang nagsi-sink in sa utak ko.

     Tiningnan niya muna yung dala niyang papel bago ituong muli sa amin ang atensiyon. Hawig niya yung idol kong si Yasmin. Yung magaling kumanta at mag-whistle. Sa galing niya nga, puwede na siyang maging whistleblower.

     "Eric Ascea, mauna ka. Followed by Shine Sabillano, Alexiana Mesmesherep, Alcy Cimmeria, Cholo . . . ano'ng surname mo, Cholo?" kunot-noong tanong ni Miss Yeshmin.

     "Cicero po."

     "Oh okay . . . Cholo Cicero and si Garlic Giovanni. Masuwerte kayo at kayo lang anim ang naging applicants namin for today. Unfortunately, need lang namin ng apat na employees. For those who are lucky, you'll receive a text message from us saying that you're in. Again, good luck," paliwanag nito bago pumasok sa pinanggalingan niya kanina. Sumunod naman si Eric sa kanya.

     Time flies at hindi pa rin lumalabas yung lalaki kanina. Sa bagay, iilang minuto pa lang din naman ang lumilipas. Tiningnan kong muli ang cellphone ko at napansing hindi ko pa rin pala nao-off kaya ang init na. Nando'n pa rin yung post na meme tapos may inserted picture. Meme. Akala ko, si Jiafei.

     Hindi ko alam kung sa'n ako huhugot ng confidence para mamaya. Nakakapanghina talaga. Mas lalong lumalakas yung kaba ko. Mga thirty-four. Knowing na baka hindi ako matanggap. Kaya nga nag-iisip na rin ako ng iba pang trabaho, just in case na hindi ako matanggap.

     "K lang u, Bawang?" tanong sakin ni Alcy. Bakas sa mukha ang pag-aalala ket hindi masyadong halata. Nagkatitigan pa kami nang ilang segundo bago ako umiwas ng tingin. Ang awkward.

     "Medyo." Medyo nailang ako nang tinitigan niya ako nang gano'n. Siyempre, kahit magkaibigan kami, hindi pa rin maiiwasan yung awkward feeling kapag gano'n siya makatitig sa kaguwapuhan ko. Di ba? Alam mo 'yun? Yung kailangang hindi mo ine-expose masyado yung charms mo.

     Nakita ko pa siyang ngumiwi sa peripheral vision ko. Samantala, napunta ang atensiyon ko sa lalaking lumabas pamula sa pinto na malawak ang pagkakangiti. Feeling niya siguro, makakapasa siya. Eto yung Eric kanina.

     Sana ol.

     Ilang segundo lang nang mawala sa paningin ko yung lalaki. Yung Eric, basta. Sumunod naman agad si Shine sa kanya. Tapos sumunod pa yung isa pagkatapos. Nagtuloy-tuloy lamang iyon. Bawat patak ng minuto, mas lalong lumalakas ang kaba ko. Ewan ko kung bakit pero may kutob akong hindi ako matatanggap. Hindi naman mainit dito sa lugar pero pinagpapawisan ako. Pucha.

Where's Your Clove, Mr. Garlic?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon