GARLIC #42

34 10 1
                                    


     MGA PISTING animal talaga. Ibalibag ba naman ako sa backseat. Kung kaya ko lang manlaban, nasapak ko na tig-iisa 'tong mga 'to. Ayokong sumama! Sampung minuto palang yata ang nakakalipas pamula nung nagsimula ang byahe. Buti nalang at traffic. Mapaparami ako ng oras para makaisip ng paraan para makatakas.

     "Let me go." napapa-ingles pa ako sa mga 'to.

     "Shut it!" sigaw ung babaeng maigsi yung bangs. 

     "I have friends there. They will call the cops so just stop."

     "Friends? HAHAHAHHAHAHAHAAH." tumawa pa s'ya nang malakas. 

     Tumahimik ka dyan! Naiinis na ako sa'yo kanina pa pucha ka. *sinuntok yung pader.

     Kunot-noo ko s'yang tinignan hanggang sa matapos s'yang tumawa. 

     "Friends? Do you have one?" mapang-asar na sambit nito. Sa totoo lang, naiirita na ako sa mukha n'ya.

     Hindi ako sumagot. Wala naman akong pake kung anong sabihin n'ya. Ang epal epal naman buset. Gusto ko lang naman manood ng horror sa sinehan tapos ganito. Malapit na bang matapos ang aking storya at sinusubukan mo na akong patayin destiny?

     May inilabas s'yang phone. Iphone. May kung ano ano pa s'yang pinindot, inexit ang candy crush sa screen. Pinindot ang files at record section. Tinodo pa n'ya yung volume para dama


["Alam po ba 'to ni Garlic?"] dinig kong tanong ni Shine sa sound record.

["No, we're not telling him yet. He'll find out soon."]

["Oh... I see."]

["Is three-hundred thousand okay?"]

["Oh, that's too much ma'am."] dinig kong sambit naman ni Renz. Bakit pati ikaw?

["No it's okay, just keep it. This is all yours now."]

["Thank you so much, Ma'am."]

["Thank you too for your help. Have a nice night. Bye."


    Doon na naputol yung record. Mas lalong nanlambot yung katawan ko. Namumuo na rin ang luha sa mga mata ko pero pilit ko 'yong pinipigilan. Gusto kong takpan ang tainga. I don't want to cry. And also, I will not cry for them. I'll never cry for them!

     Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o malulungkot. Nararamdaman kong nanginginit yung kamay ko. Napupuno na rin ang utak ko. Hindi ako makapaniwalang magagawa nila sa'kin 'yon. Naiinis ako. Ang banas din sa kotse pucha.

     Napasilip ako sa labas. Magtatakip-silim na. Ang tagal na pala namin sa loob. Buti nalang at usad pagong 'tong natigilan namin. Kanina kasi okay naman yung takbo ng kotse. Medyo may kalayuan na rin kami sa mall. 

     Mabilis lumipas ang oras at sumapit na ang gabi. Mabagal pa rin ang usad. Nakatigil na ang kotse. Buti nalang talaga at traffic kundi baka deadbolz na ako ngayon. Napansin ko rin na naiirita na yung babaeng mukhang bunot dito sa tabi ko.

     Ilang sandali lang nang may maapakan akong panty. Pasimple ko itong pinulot at inamoy. Nahilo ako bigla. Buti nalang hindi na gano'n katapang. Ito yata yung ginamit sa'kin kanina. Iniisip ko palang, nasusuka na ako. 

     Kahit nanghihina, pinilit kong hinawakan sa leeg yung babae at pinaamoy sa kanya yung panty. Ilang segundo lang nang mapansin agad ako nung lalaki sa driver's seat kaya agad ko s'yang sinapak sa mata. Nabasag ko yung glasses n'ya. At alam kong mas masakit yung kamay ko ngayon. Bumalik ang atensyon sa babaeng naghahabol pa ng hininga. Wala na akong oras.

     Agad akong lumiban sa tabi ng driver's seat at doon dumaan. Hindi naman naka-lock yung pinto kaya mabilis akong nakalabas. Wala na akong enerhiya sa katawan pero pilit akong tumakbo at nanghingi ng tuloong. Pinilit kong sumigaw pero hindi na gano'n kalakas ang lumabas sa bibig ko.

     Bilang lang sa daliri ang mga nakikita kong tao. Nilalayuan nila ako at mukhang natatakot. Wala na akong oras makipagchikahan sa kanila para lang ipaintindi kung ano ang sitwasyon ko kaya lumiko ako sa isang eskenitang nakita ko.

     Patuloy lang ako sa lakad-takbong ginagawa hanggang sa makarating ako sa isa pang highway. Pinilit kong tumakbo para makatawid sa kabila pero huli na dahil biglang sumakit ang dibdib ko dahilan para mapaluhod ako. Nanlalabo ang paningin at kinakapos ng hininga. Hindi ko na rin maigalaw ang mga paa ko. Ni hindi ko na nga kayang tumayo.

     May naririnig ako. Tunog ng sasakyang papalapit. Mariin kong hinawakan ang dibdib dahil naninikip pa rin talaga.

     *PEEEEEEEEEEEP!*


*---*


    "AND THAT'S it. I'm sorry Garlic. Hindi ko nalaman nang mas maaga. Kung alam ko lang, sana hindi na tayo umalis ng bahay." sambit ni Danger bago ilapag sa maliit na lamesa sa harap namin yung isang baso ng gatas. Kape naman sa kanya. Ang lakas ng trip. Gabing gabi nagkakape.

     Nagising ako kanina na wala man lang ni isang benda sa katawan. Kinapa-kapa ko ang sarili. Wala namang masakit. Ni hindi nga ako nasugatan. Nag-aassume pa naman akong bali-bali na ang katawan ko at kritikal na lagay pero salamat at hindi naman.

     Nahuli na ng mga awtoridad yung dalawang sumusunod sa akin. Napag-alamang parehas silang tinanggal sa trabaho ng parents ko noon pang isang buwan. Balak nga yata talagang kidnappin ako. Tungkol naman sa sound record nung babaeng maigsi yung bangs, AI generated pala. Muntikan pa akong mahimatay sa nerbyos. 

     Umupo siya sa katapat kong upuan. Napangiti ako nang mapait nang marinig ang paliwanag n'ya. Naalala ko rin kasing this week na lilipat sa apartment si Danger. Buti naman!

     "I... have something more to do, Garlic. Magpahinga ka na pagkatapos mo." pinanood ko lang s'yang tumayo at pumuntang kuwarto n'ya.

     Mabilis kong inubos yung gatas. Pagkatapos, mabilis akong pumasok sa kuwarto at nagsimulang ilipat lahat ng mga naisulat ko sa phone sa sticky note. Nang matapos na ako sa pasusulat, napunta ang atensyon kay Drenty. Mukha s'yang malungkot.

     "Good evening Drenty, namiss mo ba ako?" bahagya kong ibinaba ang sarili para magpantay kami ng aquarium. "Ako kasi namiss kita Drenty. Akala ko hindi na tayo magkikita. Sino nalang ang mag-aalaga sa'yo kung mawala ako. Iniisip ko palang, naiiyak na ako."

     "Ahh Garlic, you left this—" agad napunta ang atensyon ko sa pintuan ng kuwarto ko nang bigla itong bumukas. Si Danger, hawak yung wallet kong singkwenta lang laman.

     Tinignan ko lang s'ya sa mata. Napakurap s'ya ng ilang beses. Inilagay sa study table yung wallet bago isarado muli ang pinto. Naweirdohan siguro sa'kin dahil kinakausap ko si Drenty. 

     Bakit kasi hindi man lang marunong kumatok bago pumasok?


****

Where's Your Clove, Mr. Garlic?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon