Dear destiny,
ANG SAKIT ng katawan ko pucha. Bakit ba naman sa dinami dami ng puwedeng timing bakit ngayon pa ako nagkasakit!? Pa'no ko naman maeenjoy yung trip kung ganito. Pucha bakit laging ako ang trip na trip mo destiny.
Nag iisip-isip din ako kanina destiny sa sobrang bored ko. If satan punishes bad people, then he's actually good. Hindi naman sa pinagtatanggol ko si satanas pero bakit nga ba gano'n? Hindi naman masama si satanas ah. Ang tao din naman ang gumagawa ng ikamamalas at ikakaproblema nila. Bakit nila sisisihin si satanas!? Pucha, bawas na naman points ko nito sa langit. Na pepredict kong may pwesto na ako sa impyerno.
May hinahanap nga pala ako destiny. Nawawala yung scarf ko. Kanina ko pa kinakalkal dito sa bag ko wala naman. Ang alam ko dinala ko talaga yun. Meron ding space yung bag ko kanina. Means may kumuha nga. Scarf na nga lang dedekwatin pa. Kapag nakita ko talaga yung taong 'yun sasakalin ko with feelings.
PS: Nagtext ako kina Bichi at Naneun na pakainin nila si Drenty para hindi naman kawawa yung baby ko. Bukas pa kasi yata kami makakauwi o sa isang araw. Hindi ko pa rin alam.
May lagnat na naman,
Garlíc.****
BINABASA MO ANG
Where's Your Clove, Mr. Garlic?
HumorThe unfortunate life of a total klutz, jobless, single, and hopeless romantic young adult named Garlic has been conquered by mysterious dark forces and invaded by aliens...charot. Bukod sa maghanap ng trabaho, maging legitimate single na nasa tuyot...