NATAPOS ANG byahe na hindi man lang kami nag-uusap dalawa ni Cholo about sa issue namin. Nagpaumanhin s'ya sa ginawa. Hindi ko na inalam bakit. Nag a-attempt na rin ako kaninang kausapin s'ya. Pero ayaw gumana ng bibig ko. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin kami nagkakaayos. Bakit hindi sila makiramdam? Manhid ba sila?
Para saan naman kaya yung holdap thing nila? Kasi nakita ko kani-kanina lang na nakaabang si Alcy sa gilid ng bahay nila habang hawak yung talong ni juswa—dejok. Yung malaking kahon.
Ewan pero nag-aassume akong may surprise sila. Wait bakit nila ako isusurprise? Mamamatay na ba talaga ako? Peace offering?
Ilang saglit lang nang tumigil kami sa tapat ng bahay namin. Binuksan ko na ang pinto para bumaba pero bigla akong napatigil nang magsalita si Cholo.
"Sorry." hindi ko alam na sasabihin n'ya 'yon.
Napatingin ako sa kanya. Hindi s'ya nakatingin sa'kin pero halatang naghihintay ng sagot. Hindi ko alam ang sasabihin. Nuubusan pa rin ako ng boses para magsalita. Bumigat bigla ang pakiramdam. Huminga nang malalim at napapikit pa nang saglit. Wala lang. Trip ko lang bumuntong-hininga. Kunyare pinag-iisapan ko yung sinabi n'ya pero ang totoo, iniisip ko si crushie kung iniisip n'ya rin ba ako. Charot with silent 'c'.
Dumilat na ako't nagsalita. "Kung gusto mo talagang humingi ng tawad sa nangyari, isipin mo muna kung tama 'yung mga ginagawa mo."
Lumabas ako ng van at isinarado ang pinto. Mas malakas ang ulan kumpara kanina na umaambon lang. Babagyo pa ata. Naririnig ko s'yang tinatawag yung pangalan ko pero wala akong balak na lingunin s'ya.
Wala akong dalang payong kaya sumugod ako sa ulan. Tinakbo ko ang pinakamalapit na bahay. Tumingin sa likod at nakitang bumaba s'ya sa van. Sinusundan ako.
"Ano ba!?" medyo napalakas yung boses ko ng maramdaman kong hinawakan n'ya yung braso ko. Hinarap ko s'ya. "Cholo, please... alam kong gusto mong humingi ng sorry pero kailangan mo nang tumigil. Tigilan mo na kakasunod sa'kin kasi hindi ko rin alam ang sasabihin ko." dagdag ko pa.
"Garlic bakit ba—"
"Ano bang kailangan mo? Bakit mo ba ako sinusundan?"
Bakit na naman? Hihingi ng apology? Pagod na pagod na ako nung gabing 'yon, Cholo. Gusto ko nang matulog at makapagpahinga. Tapos ano? Maghahakot kayo ng mga tao n'yo sa bahay ko pa mismo?
Do you think I will be more happy kung magpapa-party kayo sa bahay without my permission? Without any consent? Kung puwede ko lang sabihin sa'yo lahat 'yan. Kung mayro'n lang akong sapat na confidence para magburst out. Ginawa ko na.
Tatalikod na sana kaso naalala ko—
"Garlic, hindi d'yan ang bahay n'yo. Sa kabila, bahay ko 'yan."
Napasapo ako sa mukha nang ilang segundo. Napayuko at walang imik na naglakad papuntang bahay namin. Hindi na ininda ang malalakas na patak ng ulan sa likod ko. Hiyang hiya sa nagawa. Pucha naman.
*---*
AFTER DEFEATING satan, you must defeat the final boss which is mga taong naglalagay ng asukal sa milo.
Yes po, ako po 'yan. Kasalukuyan akong naglalagay ng asukal sa milo kasi walang lasa. Alam ko namang may sugar content na yung milo kaso nakukulangan talaga ako sa tamis. Alam kong bitter ako sa buhay at wala pa akong jowa. Pero gusto ko ng sweets. Bilhan mo ako ng cakes at maiinlove na ako sa'yo. Ang saya saya ko kapag birthday ko kasi may cake. Kaso mahal ma'syado kaya minsan lang ako makatikim.
By the way, kaya pala ako nagtitimpla ng ganitong oras ay dahil gusto kong marelax utak ko. Nakakarelax kaya yung mag-milo tapos may pandesal. Isinasawsaw ko yung pandesal milo. O kaya naman pandesal ko masarap. Hihi. Minsan sa coke. Masarap kaya.
Umupo ako sa couch sa salas at isinandal saglit ang likod sa couch. Itinaas ang isang paa. Iginala ang paningin. Hindi ko pa pala napapansin si Naynay Geka kanina pa. Hindi ko rin napansin kasi ang dami kong iniisip.
Asan na nga pala si Naynay? Baka naman tulog na? Nasa kwarto? Imposible kasing nasa kapitbahay pa 'yon nang ganitong oras. As usual nandito na sa couch, nanonood ng TV o 'di kaya naman ay tulog na kaya na curious lang ako.
Tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto ni Naynay. Nakaawang ng kaunti ang pintuan ng kwarto. Kinakabahan. Napatigil ako saglit bago pumasok. Madilim ang kuwarto. Kinapa ang light switch sa gilid bago pindutin.
Nanlambot ang katawan ko nang makitang wala na ang mga gamit ni Naynay. Nakabukas yung cabinet at wala ni isang laman. Malinis ang kama at maayos ang pagkakatupi ng mga kumot. Wala na ring picture frames na nakapatong at nakasabit kung saan. Naging normal nalang ulit ang lahat.
Lumabas ako ng kuwarto at sinubukang hanapin s'ya sa bahay. Wala kahit anino n'ya. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman s'ya nagsabi. Sinubukan ko s'yang kontakin pero hindi nagri-ring. Out of reach. Baka dulot lang ng malakas na ulan. Pucha naman.
Bawat pitik ng minuto, bumibigat ang paghinga ko. Natatarantang kinuha muli ang cellphone at nagbabaka-sakaling online sa messenger kahit alam kong madalas lang buksan ni Naynay Geka ang fb account n'ya. Hindi maganda 'to.
Bigong bumalik sa kuwarto at muling iginilid ang tingin. Wala nang bago maliban sa papel na nasa ibabaw ng kama. Dahan-dahan akong lumapit para tignan. Hindi naman siguro 'to sulat ko kay destiny kaya mas lalo akong na-curious. Malinis na papel na may nakadikit na picture ko. Ang bata ko pa sa larawan.
Napakunot ang noo. Walang kaalam-alam kung para saan. Hindi ko alam pero ang bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko alam ang nangyayari at hindi ko nagugustuhan.
Sa sulok ng aking mga mata, nakita ko yung isang piraso ng gamot sa tabi ng pintuan kanina. Lumapit agad ako at dinumpot.
Walang duda. Ito yung gamot na nakita ko noong araw na 'yon.
****
BINABASA MO ANG
Where's Your Clove, Mr. Garlic?
HumorThe unfortunate life of a total klutz, jobless, single, and hopeless romantic young adult named Garlic has been conquered by mysterious dark forces and invaded by aliens...charot. Bukod sa maghanap ng trabaho, maging legitimate single na nasa tuyot...