GARLIC #24

62 17 5
                                    


     Ilang segundo na lang at matatapos na yung timer. Namumuo na rin yung pawis ko sa noo. Nine points pa lang ako. Nakakarami na yata sila. Pucha. Hindi naman kasi ako marunong sa shooting. Dribbling lang. Pa-style lang, gano'n.

     Gusto kong tingnan yung kanila kaso mawawala ako sa concentration ko. Baka matalo pa. Bato lang ako nang bato. Kahit saan. Hindi na uso yung focus. Bahala na si Batman. Karamihan, hindi sumasapul. Kaunti lang. Pero ano'ng magagawa ko? Paubos na yung time. Two minutes lang naman kasi.

     EEEEEEEEEEENNNNNNNKKKKKKKKKKK!

     Tumunog na yung maingay na tunog na 'yon. Nagsarado na yung maliit na gate na daanan ng bola. Hindi ko alam ang tawag diyan pero hayaan n'yo na. Pinagmasdan ko ang score ko. Nakakadismayang labing-isa.

     "OMG, sayang! Ang hirap palang mag-shoot kapag malapit. Gosh. Next time nga, sa actual court na tayo maglaro," bagsak ang balikat na sambit ni Shine.

     Isa-isa kong tiningnan ang scores nila. Si Danger, naka-34. Sana ol?!

     Si Shine, naka-15. Mataas pa rin sa 'kin. Shet, nataasan pa ako ng babae. Ako, naka-11 ampucha.

     Tapos si Renz . . . 9?!

     "OMG, Renz? Gosh, Natalo ka pa ng diyosa~" Ipinitik pa ni Shine yung buhok niya papalikod.

     "Sira yung ring, hehe," mabilis na sagot ni Renz.

     Sus . . . daming dahilan.

     Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Lumapit si Shine sa kanya. Sa harap niya mismo. Mga ten inches lang ang layo. Since medyo matangkad si Renz, medyo nakatingala pa si Shine sa kanya. Kinikilig ako, shet.

     Mas kinilig pa ako at napangiti nang tingnan ni Renz si Shine sa mata. Nagkatitigan na ang dalawa. Kita ko ang pamumula ng mukha ni Renz. Pakshet na pucha kayong dalawa. Ako kasi, walang haharutin.

     "So . . . pa'no na 'yan? Ikaw ang manlilibre," mahina at nakangiting sambit ni Shine kay Renz sabay suntok nang mahina sa dibdib ng kausap.

     Ilang segundo rin 'yong tumagal bago humiwalay si Renz at napabuga ng hangin. Naalala ko na naman bigla yung sinabi sa 'kin ni Shine. Bakit pa kasi siya nag-confess? Totoo kaya 'yon? O trip niya lang ako? Nalilito pa rin ako. Hirap na hirap na nga akong maging legitest handsome tapos dadagdag pa yung palaisipan na 'yan sa buhay ko.

     Agad na napunta ang atensiyon ko sa lalaking bumangga sa 'kin. Napako ako sa kinatatayuan at pinagmasdan lang siyang lumakad papalayo. Siya yung lalaking sumusunod sa 'kin. Hindi ako nagkakamali.

     Hindi na naman maganda ang pakiramdam ko. Hindi ko rin masabi sa mga kasama ko kasi ayokong masira ang moments nila. Pero hindi ako mapakali. Gusto kong sundan yung lalaki kaso ayaw namang makisama ng mga paa ko.

***

     "Four servings of spicy Korean wings. Chicken lollipops, four servings also. Eight pieces of barbecues. Four cups of rice—ay, hindi. Gawin mo nang five cups of rice ate. Saka four mango shake." May kalayuan si Danger mula sa puwesto namin pero rinig ko yung boses niya habang umoorder.

     Napatingin naman ako kay Renz na kasalukuyang nagtitipa sa kanyang cellphone. Magkatabi kasi sila ni Shine. Sa tabi ko naman, si Danger. Sa tabi-tabi lang kami ng mall pumuwesto. Food court. Puno na kasi sa mga kilalang restaurant. Hindi na ako magbabanggit ng pangalan.

     "Hello, guys. I'm back." Bigla namang sulpot ni Danger sa tabi ko. Umupo siya tabi ko na tuwang-tuwa pang iniabot kay Renz pabalik yung wallet nito. Hindi naman nag-abala pa si Renz na tingnan kung magkano na lang yung laman.

     "Hi, Back, I'm Front," saad ni Shine.

     Hindi pa ako sanay na kumain sa labas kasama 'tong mga 'to. Sa madaling salita, nami-miss ko pa rin talaga kasamang kumain sina Cholo at Alcy. Hindi ko alam kung bakit, pero may parte pa rin sa 'kin na ayoko silang patawarin. Pride.

     Iginala kong muli ang aking paningin. Hindi ko na mahanap yung lalaki kanina. Bakit hanggang dito, nakikita ko siya? What if hanggang sa bahay, sinusundan niya ako? Imposible. Hindi ko naman ibinibigay ang address ko sa kanya. Pero what if alam niya na? What if may superpowers pala siya na kayang malaman kung sa'n ako nakatira? Eme.

     Sa kasalukuyang nangyayari, simpula pa rin ng kamatis ang mukha ni Renz ngayon, lalo na't magkatabi pa sila ni Shine. Magkausap sina Shine at Danger. Si Renz, nakikinig. Gano'n din ako. Ngunit hindi ko naman naiintindihan ang pinagsasabi nila. Yung utak ko . . . nalipad sa kawalan. Hindi kasi maalis sa utak ko yung r34 edit ni Mingyu—dejok. Hindi lang talaga ako komportable na laging may nakatingin sa 'kin.

     Hindi rin nagtagal nang ilapag ng waiter yung food sa table namin. Ang dami, pucha. Agad napunta ang atensiyon ko kay Renz. Napasampal na lang ito sa noo.

     "So ayun nga, di ba. Nung pumunta kami ni Alex sa Makati, do'n kami unang nag-meet ni Danger. Last last month lang 'yon, right? He was a completely snob back then, gosh, HAHAHA!" saad ni Shine bago humigop ng shake. "So, di ba nga nasa MRT kami. Naging crush ko talaga siya like eeeeek! HAHAHAHA charot!" pagpapatuloy nito.

     "Really?" nakangiting tanong ni Danger.

     "Wait lang kasi. Gaga, siyempre slight lang. HAHAHAHA! I feel so embarrassed tuloy."

     Nagpatuloy ang usapan hanggang sa napag-isipan kong tapusin dito ang chapter. Wala, walang masyadong ganap. Hindi special. Update na lang kita, Destiny, 'pag may bago na akong chikz.

****

Where's Your Clove, Mr. Garlic?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon