GARLIC #1

828 41 8
                                    


     "HOY BAWANG! Gising na, aba! Anong oras na?!" dinig kong sigaw ni Alcy pamula sa—wtf!?

     Agad akong napabalikwas sa kama at deretsong tumingin kay Alcy na maganda pa ang pagkakaupo sa sofa. Lahat naman ng kuwento, nagsisimula dapat sa paggising ng main character sa story. Cliché. Halatang hindi mo babasahin.

     "'Ginagawa mo naman dito? Papaano ka naman nakapasok? Pinapasok ka ba ni Naynay?" tanong ko habang kinukusot pa ang mga mata.

     "Beh, hindi naka-lock ang kuwarto mo. Ch-in-eck ko lang kung naiwan ko here yung lip balm ko kahapon. Saka, beh, interview na mamaya ano? Pa-VIP?" Inis ang mukhang ipinagkrus ang mga braso niya.

     "Sige na, sige na. Susunod ako," matipid na sagot ko, nanatiling hindi kumikibo.

     "Bilisan mo, a. Hintayin ka namin ni Cholo. Bilisan mo, Bawang. Kukupad-kupad ka na naman," sambit niya bago isara ang pinto.

     Napakamot naman ako sa batok at bet—tuhod. Opo. Tuhod.

     Bumangon na muli ako sa kama at dumeretso sa banyo upang maghilamos at mag-toothbrush. Siyempre, kailangan ko 'tong sabihin para humaba yung story. May interview nga pala kaming tatlo mamaya.

     Napuyat pa ako sa kakanood ng horror(hindi bold) kagabi. Mamaya pa naman kasing ala-una ang interview. Ewan ko ba kay Alcienigang kung bakit alas-otso kami ng umaga pinapaghanda. Kakabuset.

     Kinuha ko yung garapon ng food ni Drenty bago lagyan ang aquarium niya. Orangey-white ranchu. Iniregalo sa 'kin ng parents ko last year. Hindi rin gano'n kalaki ang aquarium niya sa kuwarto ko pero malaki na para kanya. E, siya lang naman ang isda diyan.

     "Drenty, sa tingin mo ba, matatanggap na ako sa trabaho ko?" parang tangang pakikipag-usap ko rito sa isda. Feeling ko, naiintindihan ako ni Drenty kasi paikot-ikot siya. It means yes to me.

     May naamoy akong mabangong adobo na niluluto sa kusina nang makalabas ako ng kuwarto. Agad ko 'yong tinungo at naabutan si Aling Geka na nagluluto ng ulam.

     Si Aling Angelica Tentay Maghirang Mesherep pala ang kasambahay dito. Hindi kami sobrang yaman. Hindi rin naman kami mahirap kasi lahat naman ng pangangailangan ko, naibibigay naman ng mga magulang ko—na ikinaaayawan ko na ngayon.

     Si Aling Geka ang ipinadala ng parents ko para daw may magbabantay sa mga pagbubulakbol ko. As if namang magiging hamog ako. Sa guwapo kong 'to? Sobrang hot pa? No, no. Okay lang naman sa 'kin kasi itinuring ko na rin siyang pangalawang ina.

     Pero minsan, gusto ko na rin talagang mapag-isa. Maging independent. Malaki na ako. Hindi ko na kailangan ng magbabantay sa 'kin.

     "Naynay, ano'ng niluluto mo?" tanong ko kahit obvious naman kung ano. Trip ko lang, bakit ba?

     "Adobo, anak. Sige, maupo ka na't ihahain ko na 'to," sagot naman niya habang isinasalin ang adobo sa platito.

     "Sumabay ka na sa 'kin, Naynay." Umupo ako sa upuan naming Chanel brand galing Divisoria.

     "Ay, naku, naku! Hayaan mo na 'ko't kumain na ako. Isasampay ko pa yung mga nilabhan ko," sambit pa nito at lumakad papuntang likod-bahay.

     Pagkatapos, sinimulan ko nang kainin ang pagkain sa harap ko. Lasang toothpaste. Pucha naman, kakasepilyo ko nga lang pala.

     Pinilit kong ubusin 'yon bago ako pumuntang banyo para maligo. Ayaw na ayaw kasi ni Naynay na nagtitira ng pagkain. Sayang daw. Kailangan daw kuno na ingatan ang ibinibigay na grasya. #BanalSiGarlic

Where's Your Clove, Mr. Garlic?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon