MAAGA AKONG nagising. Hindi ko rin alam kung bakit pero alas singko palang, nakatitig na ako sa kisame ng kuwarto. Hindi ko rin pinapansin ang pag-vibrate ng cellphone ko. Kanina pa may tumatawag sa'kin. Hindi ko na alam kung ano ang susunod na mangyayari pagkatapos ng mga nangyari kagabi. I'm not okay today. But today is not forever. I will be okay soon. Sana...
Bumangon ako ng kama at bagsak ang balikat na pinakain ang isda. Napangiti ako nang mapansing ang sigla ngayon ni Drenty. Pumuntang banyo. Naglinis ng sarili. Mala-penguin nang makalabas. Malamig...
Dumiretso agad sa kusina nang makabihis dahil sa nagmamaktol na t'yan. Hindi ko pa alam anong pumasok sa utak ko't binuksan ang takip sa mesa. Alam ko namang wala na akong aasahang pagkain na nakahain.
Muli ko 'yong tinakpan at nagdesisyong magluto. Marami pang laman ang ref kaya tatagal pa siguro 'to ng mga ilang linggo o araw. Araw at gabi lang naman ako nakain kaya hindi ko na rin po-problemahin 'yon.
Habang hinihintay maluto yung kanin, lumabas muna ako ng bahay saglit. Magpapahangin lang. Kaso sobra pala yung hangin ng ganitong oras. Nagtindigan yata lahat ng balahibo ko. Masyadong malamig. Nakakaamoy ako ng basang lupa. Naka-white sando pa ako pucha. Nakalimutan kong magdamit nang maayos.
I think it's about time to stand by my own. To live by myself. Hindi naman sa lahat ng oras kailangan may kasama ako sa buhay. Siguro ito na rin yung oras para maging independent na rin ako tulad ni Alexiana. Hindi ko alam pa'no n'ya nagagawa 'yon. Yung maging okay kahit hindi naman okay ang lahat. Ang hirap siguro. Pero kailangan. No choice.
PUCHA YUNG NILULUTO KO!
Halos liparin ko na yung kusina dahil muntik pang masunog yung isinalang ko kanina. Napabuga ng hangin nang mapansin kumukulo pa lang. Hindi kasi ako marunong magluto nang maayos. Kaya ko naman kaso hindi lang ako sanay na ako ang nagluluto.
Mabilis lumipas ang oras. Tahimik akong kumain mag-isa. Kaharap ng umuusok na sinigang na baboy at pritong galunggong. Wala akong ganang kumain pero ayaw magpatalo ng sikmura ko. Kanina pa kumukulo. Ni katiting na kanin ayaw tanggapin ng bibig ko. Pero kailangan kong kumain. Bahala na.
*---*
"SIGURADO KANG okay ka lang talaga Garlic? You're spacing out. Kanina pa kita napapansin. May nangyari ba? Magk'wento ka naman." tanong ni Shine pagkatapos uminom ng tubig.
Hindi ako umimik. Ni hindi ako naglabas ng kahit anong salita. Bahala na silang mag-isip ng kung ano-ano.
Tanghaling tapat na pero yung utak ko, naiwan pa rin sa mga nangyari kahapon. Hindi rin ako makapag focus sa trabaho. Ayoko rin namang lumiban kasi isang linggo palang naman akong nasa trabaho. Nakakahiya naman kung liliban agad.
"Family problem? Mas'yado bang personal?" tanong naman ni Renz na nasa tabi ko na pala.
Umiling lang ako. Nagbuntong-hininga. Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko pa sa kanila. Wala rin naman akong nakikitang mali. Wala rin namang mangyayari kung sasabihin ko o hindi. Hindi kasi ako palasalita pagdating sa problema. Lalo na kung sarili kong problema ang topic. Kung gaano kaingay ang utak ko, kabaligtaran yata ng bibig ko.
"Gusto ko nang mamatay." kalmadong sabi ko habang nakatingin sa kawalan.
Sabay-sabay ang pagtingin sa'kin nilang tatlo. Tumaas ang dalawang kilay ni Shine. Walang nagsasalita. Masyado bang hindi kapani-paniwala ang sinabi ko?
BINABASA MO ANG
Where's Your Clove, Mr. Garlic?
HumorThe unfortunate life of a total klutz, jobless, single, and hopeless romantic young adult named Garlic has been conquered by mysterious dark forces and invaded by aliens...charot. Bukod sa maghanap ng trabaho, maging legitimate single na nasa tuyot...