Hindi pa rin nawawala yung inis ko sa nakaaway kong bolshit sa comment section sa FB. Ako pa ngayon ang ma-attitude?!
'Nga pala. Naglalakad na kami papalabas ng mall. Katatapos lang namin—ay, hindi. Antagal kasi nilang bumili ng kung ano-ano. Magtitipid nga pala ako kaya bumili lang ako ng Hermes bag—dejok. Bumili lang ako ng sundae at fries. Saka pala isang turon nang makadaan kami doon sa isang puwesto na nagbebenta ng turon. Ang takaw masyado, Garlic.
Ang tagal na pala namin doon. Hindi ko napansin ang oras since hindi ko rin naman tinitingnan yung phone ko. Naka-silent pa. Kita ko kasi sa labas na magtatakipsilim na. Malapit na kasi kami sa exit. Ang bilis ng oras.
Pagkalabas namin, dumeretso na kami sa sakayan. Basta sa mga parking dito. Sakayan tawag ko, e. Naghahanap kami ng bus at van pero parang ubusan na yata. May nakikita kami pero halos mapuno na. Isa o dalawa na lang daw ang kulang, e apat kami kaya no choice. Maghahanap kami ng iba.
"Hala, how 'yan? Wala namang available na van here. Dead batt na rin ako kaya hindi na ako makakatawag kay Unnie. Hmp. Sino'ng marami pang battery d'yan?" tanong ni Shine. Umiling naman yung dalawa. Low batt na rin pala sila.
"Hindi ko nadala phone ko," saad ni Danger na ikinanguso naman ni Shine.
"Ako, meron pa. Kaso iba yung sim ko, e. Hindi rin matatawagan," kamot-batok ko pang sambit.
"Nasa'n na ba yung van na sinakyan natin kanina papunta dito?" tanong ni Renz.
"Ugok. Siyempre, aalis na 'yon. Hindi naman tayo VIP dito. Saka dapat medyo maaga aga na rin pala tayo dapat lumabas. Kung saan-saan pa kayo pumunta kasi. Aware ba kayo sa oras?" sagot ni Danger.
"Aba. Hindi ako. Si Garlic. Kung saan-saan pumupunta." Itinuro pa ako ni Renz.
"Gosh. 'Wag n'yo nang pagtalunan 'yan. Namomroblema na nga tayo kung anong sasakyan natin tapos ganyan pa kayo kaingay. Gosh. These allergies," palinga-lingang sagot ni Shine.
Lipad na lang kaya tayo?
"Mag-jeep na lang kaya tayo? Napansin ko kasi na medyo marami pang jeep na naka-park do'n sa banda ro'n. Sa nadaanan natin kanina," suhestiyon naman ni Renz.
"Tara, sa jeep na lang. Kayo ba?" tanong sa 'min ni Shine.
"Oo naman."
"Okay lang."
"Sige. Taeng-tae na ako."
"Kadiri ka, Renz."
"Joke lang, HAHAHAHA!"
Nang mapagsang-ayunan namin, dali-dali kaming pumunta papunta sa mga jeep. Lakad-takbo na rin ang ginawa namin kahit kakatapos lang naming kumain ng turon. Mabuti na lang at mayroon pang isang sasakyan na availabale.
Medyo nanlumo pa ako nang mapansing puno na. Ang sikip na sa loob. Nakaupo na rin yung ibang bata sa lap ng kanilang mga guardian. Tig-isang tao na lang siguro sa magkabilang gilid. Pa'no na 'yan? Pucha. Ang layo-layo pa naman ng bahay namin.
"Kuya, wala nang paparating na bagong jeep? Hindi na kami kasya niyan," sambit ni Shine doon sa konduktor ng jeep na medyo hawig ni Binay.
"Pasensiya na, miss. Wala nang paparating, e." Napatigil si kuyang konduktor sa pagsasalita habang sinisipat niya yung loob ng jeep.
'Wag mong sabihing magkakasya kami d'yan?!
"Kasya pa 'yan. Ate, Kuya, usog na lang ho muna tayo sa gilid nang makalarga na," sambit nito bago ipunas sa mukha niya yung damit niya sa batok.
"Kuya, parang hindi naman, e." di-makapaniwalang sagot ni Shine.
"Aba, e, wala tayong magagawa. Kung ayaw n'yong sumakay, e di maglakad kayo. Ang aarte n'yo! Sige, paandarin n'yo na," sambit nung kamukha ni Binay na maatityud pa yata.
Nagkatitigan naman kaming apat. Opo. Nag-uusap kami gamit yung mga mata namin. Sa'n na kami sasakay nito?
Umalis na rin yung jeep. Hindi naman puwedeng tawagan si Naynay kasi wala naman kaming kotse. Hindi rin puwede si Alcy. Hindi pa kami magkaayos. Si Cholo naman, tulog na siguro 'yon sa ganitong oras. Baka naman makaabala pa ako. Isa pa, baka naman isipin n'ong okay na kami. Pucha.
"Pa'no na 'yan? Oh my gosh, hindi naman talaga tayo kasya doon. Ano'ng akala niya sa 'tin? Sardines?"
Inilibot ko ang paningin ko at napansing kakaunti na lang ang tao. Hindi normal na nagkakaubusan ng sasakyan nang ganitong oras. May mga taong nalabas na rin sa mall. Biglang pumasok sa utak ko yung ka-close ko sa kanto namin.
"Shine," tawag ko rito. Napaangat naman ito ng tingin at nagtatakang tiningnan ang cute kong mukha.
"Alam mo number ni Mij? Yung may bahay malapit sa terminal na kapitbahay si Aling Shaira na nagbebenta ng bopis?"
"Mij?"
"Lasco. Kaklase mo 'yun dati."
"Ay, oo, si Mij. Meron akong number niya before. Nagpa-load kasi siya sa tindahan namin dati. Pero naka-save pa naman. Teka, tingnan ko sa phone ko," sambit ni Shine bago ilabas sa pouch niya yung cellphone niya.
Nagtataka ko siyang tiningnan. Bakit niya sinave yung number ni Mij? Bombastic side eye.
"Akala ko ba, dead batt ka na?" tanong naman ni Danger.
"Almost. Two percent na lang, sana umabot." Patuloy sa pagkalikot si Shine sa phone niya hanggang . . . "Ito na. Save mo na, Garlic, dali!"
Agad kong kinopya yung number bago tuluyang mamatay yung cellphone niya. Good thing na nakopya ko lahat. Pagkatapos, tinawagan ko na si Mij. Sumagot naman at sinabing makakarating daw agad siya.
Humanap muna kami ng mauupuan sa harap ng mall. Sabi ko kasi, sa harap ng mall kami sunduin. Sa tabi ng terminal. Hindi rin naman nagtagal at isang kotse na medyo familiar sa 'kin ang dumating. Alam kong hindi kotse ni Mij 'to. Tumigil ito sa harap namin at unti-unting bumaba yung salamin.
"Sakay," sambit ni Cholo na kasalukuyang nasa driver's seat.
****
BINABASA MO ANG
Where's Your Clove, Mr. Garlic?
HumorThe unfortunate life of a total klutz, jobless, single, and hopeless romantic young adult named Garlic has been conquered by mysterious dark forces and invaded by aliens...charot. Bukod sa maghanap ng trabaho, maging legitimate single na nasa tuyot...