DEAR DESTINY #20

70 16 4
                                    

Dear Destiny,

     Hi, Destiny! Na-miss mo 'ko? Siyempre, hindi. Kanina lang naman tayo nag-usap, e. Siya nga pala, Destiny, habang nagsi-scroll ako sa FB kanina, biglang kumulo dugo ko, Destiny. Yung crush ko kasi, Destiny, sa FB, in a relationship na.

     Gusto ko silang durugin, Destiny. Hindi ko pa ba nababanggit sa 'yo yung crush ko? Si Lynx. Yung babaeng peymus sa social media. Crush na crush ko siya, Destiny, since then. Ina-admire ko yung works niya. Madami siyang artworks.

     At first, nainlab lang talaga ako sa artworks niya. Then time after time, nag-iiba na ang paningin ko sa kanya, Destiny. Tapos bigla ko na lang siyang makikitang naka-in a relationship?! Married with Jasper pa nga! Pucha naman, o.

     Masakit para sa 'kin 'yon, Destiny. Tinatago ko lang yung feelings ko para sa kanya. Gusto ko na sanang umamin kaso it's too late. Naunahan na ako. Nakakainis. 

Nadurog na ingredient,
Garlic.

****

Where's Your Clove, Mr. Garlic?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon