HUMIGPIT ANG hawak ko sa handle ng jeep dahil ang bilis magpatakbo ni kuyang driver. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa malakas na pag-ulan kaya nagmumukhang mabilis. Kulang nalang siguro magkaro'n ng pakpak ang sasakyan at puwede nang lumipad. Ang masama pa, nalimutan kong magdala ng payog.
Nasira kasi yung kadena ng bisikleta ko noong isang araw nang magdagasa na naman ako for the third time. Napasama ng tama sa bato ang siko kaya tadtad ako ng band aid. Ending, wala akong choice kung hindi magcommute. Ipapagawa ko nalang siguro bukas sa talyer nila Mij.
Tatlong linggo matapos ang bakasyon namin, nagbalik na ulit sa normal ang lahat. Tuloy ang work, tuloy ang life. Ang kaibahan lang bukod sa mag-isa nalang ako sa bahay, hindi ko na rin sinusulatan si destiny. Who knows baka sooner or later magkaron na ulit ako ng will para sulatan s'ya. Siguro dahil miss ko lang magsulat at hindi para maghanap ng jowa.
Mag-iisang buwan na rin akong walang balita kay Naynay Geka. Siguro mas pinili na n'ya talaga mamuhay kasama ang tunay n'yang pamilya. O baka naman kailangan na rin mamahinga sa pagtatrabaho. May katandaan na rin talaga. At saka kailangan ko na rin talaga magmove-on. Ako nalang ang napag-iiwanan.
Nag-resign na rin si Danger sa convenient store nang makahanap s'ya ng mas stable na work. Ang balita ko, balak rin n'ya kumuha ng masters this year. Balak na atang i-pursue yung gusto n'ya. Napapaisip rin tuloy ako kung dapat na rin ba akong kumuha ng masters.
On the other hand, si Mij yung pumalit sa kanya sa work. Mas maingay. Mas makulit. Mas magulo. Akala ko malala na ang Danger-Renz tandem, may mas malala pa pala. Mabilis pa sa takbo ni flash naging close ang dalawa.
Si Shine at Renz naman, in a relationship na. Totoo nga ang himala, love birds never die. Hindi ko lang ine-expect siguro na makakamove on agad si Shine sa'kin. Siguro yung kiss na 'yon, una't huli na. Walang halong inggit at panghihinayang. I'm so happy for them.
Si Alcy at Cholo, masyado na ulit naging busy. Last month pa ata yung naging overnight namin. Miss ko na sila kasi kahit sa GC naming tatlo, inaagiw na. Wala na halos connection kahit ilang lakad lang pamula sa bahay ko ang kanila. Wala akong complain. Siguro dala lang ng pagiging loner kaya daig ko pa ang adik sa pag-ooverthink.
Si Lynx? Wala na akong balita kasi in-unfollow ko na rin lahat ng social media accounts n'ya. Magulo at hindi magandang pagnasahan ko pa yung taong may jowa na. She finally found her happiness. I need to respect that. Ayoko naman maging kabet.
And then there's me, nananatiling hatdog sa gedli. Kuntento na ang pamumuhay with my Drenty. Nahirapan lang sa una dahil inaatake ng pag-aakalang may multong lalabas sa salamin ng banyo. Nakapag-adjust na rin naman, imagination lang rin naman ang kalaban ko.
Nang sandaling huminto ang jeep, pumara na agad ako kasi malapit na rin naman sa pupuntahan. Lakad-takbo ang ginawa para maabutan ang pagbubukas ng pet shop. Kanina pa ako hindi mapakali dahil baka magkaubusan. Balak ko kasing bumili ng makakasama ni Drenty sa bahay.
Sumugod ako sa ulan na hindi inaalintana ang madulas na daan. Sumilong sa pinakamalapit na waiting shed malapit sa pet shop. Pinunasan ng panyo ang buhok. Nakakahiyang magmukhang basang basahan.
Mabilis na tumawid at pumasok sa loob nang humina ang buhos ng ulan. Ilang beses akong huminga nang malalim habang pinupunasan ang mukha. Kamuntikan pang madulas nang tinakbo ang papuntang section ng mga isda. Siguro kung hindi ako nakakapit agad sa isang shelf, basag na naman bungo ko neto.
Ilang beses kong kinaltukan ang sarili dahil muntikan ko pang maitulak yung isang aquarium. Iginilid ang mata hanggang sa makita ang malikot na ranchu sa isang sulok. Nag-iisa. Agad akong lumapit at pinilit hindi gumawa ng ingay sa tuwa. Ang cute talaga! Isa nalang kaya kailangan na 'tong mapasa'kin!
Tila isang cheese na natutunaw sa mainit na kawali ang puso ko habang pinapanood ang mga kasamang isdang naglalangoy. Masisigla at makukulay. Kung nakaipon lang sana ako nang malaki laki edi binili ko na ang buong aquarium.
"Ah, finally. Naabutan ko rin!" agad na napunta ang atensyon ko sa katabi na kasalukuyang pinagmamasdan ang nag-iisang ranchu sa aquarium.
Natigilan ako. Sa halip na mainis dahil may kahati, nanlaki ang mga matang pinagmasdan ang tao sa kanang bahagi. Nanigas ako bigla. Tumigil ang pag-ikot ng mundo. Huminto ang pagdagdag ng minuto sa relo. Hindi nilalagnat pero ramdam na umiinit na naman ang katawan ko.
Mariing kumapit sa tela ng t-shirt na suot ko. Pigil na pigil ang paghinga sa bawat segundo. I need to breathe. But I can't do it if I'm too nervous. Kailangan kong kumalma. Kaso madaling masalamin sa mukha ko ang kaba.
Sa halip na ibaling ang tingin sa aquarium, humakbang ako ng isa paatras dahilan para mapunta sa'kin ang atensyon n'ya. Takha n'ya akong pinagmasdan. Ilang beses pa s'yang napakurap. Ngumiti.
Natulala at natameme. Nag-init na rin ang tainga. Pinagmamasdan lang ang makinis nitong mukha, matangos na ilong at cute na bilugang mata. Iniiwasang tumingin sa labi dahil kasalukuyang nakatingin rin sa'kin. Gusto kong tumakbo papalayo dahil pakiramdam ko puputok ang mukha ko sa sobrang init.
"Yo, gusto mo rin ba yung ranchu? Ang cute nila ano?" saad n'ya bago tuluyan akong hinarap.
Ang tagal iproseso ng utak ko ang sinabi. Para akong tangang tumango. Muntikan pang dumugo ang ilong nang marinig ang kanyang boses. Ang cute...
Lalong bumilis ang tibok ng puso bawat pitik ng segundo. Gumapang ang kiliti sa buong sistema. Hindi alam ang iisipin o dapat na maramdaman. Hindi makapagsalita. I want to pause this moment, capture it. If I really have a chance...
"By the way, I'm Kael." he then extended his arm for a handshake.
"G-garlic..." mahinang tugon ko at nakipag-kamay.
Nanatili ako sa gano'ng posisyon. Hindi ko alam kung sobrang init ko lang talaga o sadyang malamig ang kamay n'ya. Hindi ko rin alam kung makikipag-away ba ako para sa ranchu o ibigay ko na. Parehas naman silang cute...
I was about to retract my hand from his hold but he only held it tighter and said "Since we both like the fish, do you want to take care of it with me?"
****
BINABASA MO ANG
Where's Your Clove, Mr. Garlic?
HumorThe unfortunate life of a total klutz, jobless, single, and hopeless romantic young adult named Garlic has been conquered by mysterious dark forces and invaded by aliens...charot. Bukod sa maghanap ng trabaho, maging legitimate single na nasa tuyot...