Dear Destiny,
ILANG MINUTO nalang at matatapos na ang working hours namin. Nalulutang pa rin ako destiny sa mga nangyayari. Yung nangyayari sa'ming tatlo ni Renz at Shine. Tapos ito pang si Danger na 'di ko alam anong trip. Kahit na sabihin n'ya 'yon. Nahihiya pa rin ako. Nagmumukha na akong tanga pero hayaan mo na.
Pero destiny, yung sinabi kanina ni Danger na 'wag ko na raw isipin, siguro naman okay lang sa kanya 'di ba? Alam n'ya siguro na wrong send 'di ba? Kailangan ko bang mag explain sa kanya? Nasa utak na ba n'ya yung dahilan? O baka naman iniisip n'ya talaga na gusto kong hawakan ang mahiwagang fishball n'ya?
Magpapaliwanag nalang ako sa susunod kapag may lakas na ako ng loob humarap sa kanya. Sa ngayon, iintindihin ko muna yung namamagitan sa'ming tatlo nila Renz at Shine. Ipupush ko muna silang dalawa sa isa't-isa, tapos lilinawin ko kay Danger yung dahilan ko. Aayusin ko gulo namin nila Cholo. Tapos saka na ako maghahanap ng chikababes.
Hindi pa ako tapos destiny, mamaya pag uwi, susulatan pa kita. Bye bye.
Naghahanap ng mahiwagang fishball,
Garlíc.****
BINABASA MO ANG
Where's Your Clove, Mr. Garlic?
HumorThe unfortunate life of a total klutz, jobless, single, and hopeless romantic young adult named Garlic has been conquered by mysterious dark forces and invaded by aliens...charot. Bukod sa maghanap ng trabaho, maging legitimate single na nasa tuyot...