Dear Destiny,
Masyado pala kaming napaaga, Destiny. Si Alcy kasi, masyadong atat. Alas-dose kami nakarating kaya pumunta muna kami sa isang coffee shop sa 'di-kalayuan pamula sa building. Napapadalas na rin kami rito kasi ito talaga yung center of interest ng mga tao. Hindi ko pala dala yung garapon, Destiny, kaya isinulat ko muna sa notes ko sa cellphone. Sino ba'ng may pake?
Abala rin silang dalawa sa pagtipa sa kani-kanilang cellphone kaya hindi siguro nila napansin na nagsusulat ako. At wala rin akong balak na ipaalam sa kanila ang mga kakornihan ko rito sa mundo.
'Nga pala, nagsulat lang ako sa 'yo dahil gusto kong makapasok na sa trabaho, Destiny. Ay, mali. Gusto pala naming makapasok na tatlo. Oo, tama. Dapat lang na makapasok kami. Ang gulo ko, pucha. Naiinis ka na ba sa 'kin?
Sa tingin mo ba, Destiny, matatanggap na ako? Magkakatrabaho na 'ko? Sa tingin mo ba, 'di na ako aasa sa perang ibinibigay ng magulang ko? Na magiging feeling independent na rin ako? Sa tingin mo ba, Destiny, mahahanap ko na rin ang makakatuluyan ko? Yung magpapasaya sa 'kin. Makaka-jerjer-an sa gabi. Yung magiging asawa ko at papakasalan ko? Ako kasi, kahit isa, wala talaga. As in. Wala akong pagpipilian since walang nakakapansin ng charms ko. Feel ko nga, nahihiya lang ang mga tao na sabihin sa 'kin na ang pogi ko. Gusto nila akong i-chepchep.
Kaya kung sino ang unang taong makakapansin sa 'kin, kung sino ang unang taong mamahalin ako, do'n na lang ako, Destiny. Sapilitan na lang?
Sige na, Destiny, mamaya na lang ulit. Sana talaga, matanggap na ako. Mwah mwah.
Umaasa,
Garlíc.****
BINABASA MO ANG
Where's Your Clove, Mr. Garlic?
HumorThe unfortunate life of a total klutz, jobless, single, and hopeless romantic young adult named Garlic has been conquered by mysterious dark forces and invaded by aliens...charot. Bukod sa maghanap ng trabaho, maging legitimate single na nasa tuyot...