"Kumusta naman sa trabaho mo, Nak? Pinahihirapan ka ba ro'n ng boss n'yo? Ay sabihin mo laang nang ako'y nakasugod." tanong ni Naynay Geka matapos lunukin yung kinakain niya.
Medyo matagal-tagal na rin kaming hindi nagsasabay kumain ng dinner. Na-miss ko yung ganitong feeling. Kadalasan kasi, pag-uwi ko, tulog na siya. Ang aga niya matulog. Sa umaga naman, late na ako nagigising. Hindi ko lang alam kung bakit hindi pa tulog si Naynay. Sa bagay, alas-otso pa lang naman. Sa tanghali, tinatamad naman ako. Kasi wala lang, alam kong mali yung hindi pagkain sa tamang oras pero hayaan n'yo na.
'Nga pala, akala ko kanina, si Bebe Lynx ko na yung tumatawag, e. Si Shine lang pala. Akala ko, CHIKZ na. Assuming na kung assuming.
"Okay lang naman, Naynay. Bukas na nga pala kami susuweldo. Alam kong hindi masyadong malaki 'yon pero hayaan mo na. Tutulong na lang po ako sa gastusin dito sa bahay," sagot ko naman bago isubo yung hotdog.
Hindi naman hotdog ulam namin. Adobong chicken yung ulam kaso may nakita akong jumbo hotdog sa isawan malapit sa terminal. Bumili ako dalawa. Tatlo pala dapat kasi kinain ko sa daan yung isa. Alam kong hindi healthy at hindi gaanong kalinis yung mga street food pero hayaan n'yo na. Kung mamatay, e, di mamatay. Pucha. Binibigay ko kay Naynay yung isa pero tinatanggihan niya lang 'yon. E, di akin na lang. Hindi rin naman ako masyadong mahilig sa adobo.
"O, ay di maganda, para naman may panggastos ka sa sarili mo. Sa gastusin naman, 'wag ka nang masyadong mag-abala ro'n. Dapat kasi, nagtitira ka din para sa sarili mo. Abugh siyempre, kailangan ko ring magkasuweldo para may ipapalamon ako sa mga chikiting ko sa probinsiya namin."
Bigla akong napatigil sa pagkain. Hindi pumasok sa isip ko 'yon. Alam ko namang may sarili siyang pamilya, pero hindi ko alam kung ano yung side ni Naynay. Sa pagkakaalam ko, nahihirapan din siya. Pero ni minsan, hindi ko naisip 'yon. Masyado siguro akong naging makasarili. Nagagalit ako 'pag tinatanggap niya yung perang 'yon, pero hindi ko naisip yung may pamilya din pala si Naynay. Common logic, Garlic.
Tanggap ko nang hindi ako paboritong anak ng mga magulang ko. Medyo umasa lang ako sa pag-aakalang paborito rin ako ni Naynay.
"O, bakit? Busog ka na ba? Hindi ba masarap yung ulam? Ay siya. Papalitan natin," tanong nito.
Tiningnan ko naman siya saka ngumiti. Alam kong pilit lang pero hayaan mo na.
"Busog na po ako, Naynay," sambit ko saka tumayo. Hindi naman talaga ako busog pero wala na talaga kasi akong gana.
Dinala ko na sa lababo yung pinagkainan ko't agad hinugasan. Pagkatapos, napagdesisyunan ko munang lumabas ng bahay para magpahangin. Madilim na. Malamang gabi na.
Umupo ako sa duyan sa ilalim ng puno ng mangga. Sa tabi kasi ng bahay namin, may puno ng manga. Nasabi ko na ba? Dati-rati, ang hilig kong umakyat sa mga ganyan. Maraming langgam d'yan dati. Hindi ko na lang alam ngayon. Hindi na kasi ako umaakyat. Marami pa dapat akong childhood memories dito pero hayaan n'yo na.
Yung duyan na nandito, hindi puwedeng higaan. Para siyang duyan sa parke. Chain yung hawakan niya tapos plywood na makapal ang upuan. Para akong bata na idinuduyan ang sarili ko. Hindi ko na kasi nagagawa 'to. Sinusulit ko lang.
Patuloy ko lang 'yong ginagawa hanggang sa—BLAAG!
Tumaob ako nang biglang umikot yung upuan. Ending, nakahiga ako ngayon sa damuhan. 'Buti na lang hindi maputik kundi nakakadiri ako't mukha na namang basahan.
"A-ara—ARRGHH!" daing ko habang pinipilit tumayo. Masakit sa likod at ulo. Para akong binugbog. Hindi, mas malala pa 'ata ro'n.
"Bakit ka nakahiga d'yan?" Napamulat naman ako at tiningnan kung sino yung nagsalita.
BINABASA MO ANG
Where's Your Clove, Mr. Garlic?
HumorThe unfortunate life of a total klutz, jobless, single, and hopeless romantic young adult named Garlic has been conquered by mysterious dark forces and invaded by aliens...charot. Bukod sa maghanap ng trabaho, maging legitimate single na nasa tuyot...