GARLIC #23

59 17 6
                                    


     Isang oras. Oo! Isang oras na kaming naglalakad dito sa mall! Kanina pa kami pabalik-balik mula ground floor hanggang fifth floor! Naglalakad lang din kami kahit may escalator. Ewan ko ba kay Shine kung ano'ng trip nito. May rule daw na bawal gumamit ng escalator kasi may trauma na raw siya ro'n. Ang sakit na kaya sa paa! May lahi bang kabayo 'to? Pero maganda siya?! Unicorn na lang, pucha.

     "Sa'n ba talaga kasi tayo pupunta? Kanina pa tayo palakad-lakad. Hindi ka ba napapagod? Aware ka bang nahihirapan din kami?" Bakas na sa boses ni Danger ang pagkahingal.

     "Wait lang kayo d'yan. Chill, mga beh. May hinahanap kasi ako. Kanina ko pa rin siya hinahanap," sagot naman ni Shine na tumitingin pa sa paligid. Parang may hinahanap na kung ano.

     "Ano ba'ng hinahanap mo? Baka makatulong kami," tanong ko na kunyaring tumitingin din sa paligid. Naghahanap talaga ko ng chicks—dejok. Hindi ko rin alam kung bakit ako luminga-linga. Parang timang lang. Pucha ka, Garlic.

     "Arcade. Sa Time Zone! Gusto kong maglaro, guys! Laro tayo!" sambit nito.

     Halata sa mukha niyang gustong-gusto niya talagang maglaro. Ang cute niya lalo sa suot niya. Kaso tatanggapin ko na lang na hindi siya magiging akin.

     "Pucha naman, Shine. Nasa pinakataas 'yun. Galing na tayo ro'n kanina. Bakit kasi di mo sa 'min sinabi, e," kamot-batok pang sambit ko.

     "Gosh, ang guwapo nung lalaki!"

     "Matangkad ba?"

     "Hindi."

     "Yung isa?"

     "Hindi. Yung naka-coat ang tinutukoy ko, ghorl! Ahihi, ang kyot niya."

     "Aww, shet, oo nga. Tapos yung isa. Ang tangkad! Hottie guy! Shet, papi, anakan mo 'ko!"

     "'Wag ka ngang maingay. Mamaya, marinig tayo d'yan. May babaeng kasama, o."

     "E, yung isa ba?"

     "A, oo nga, 'no? Nakakatakot siya tingnan. Hindi ko siya bet."

     Ano 'tong naririnig ko?!

     Tumingin ako sa gawi kung saan ko 'yon narinig. May tatlong babae akong nakitang ang lakas magbulungan. Nang mapansin nilang nakatingin ako sa kanila, agad silang umiwas ng tingin at naglakad papalayo. Mga hindot.

     Tumakbo si Danger para sundan si Shine. Nauna na pala siya nang hindi ko napapansin. Nakakailang hakbang pa lang ako nang mapansin ko si Renz na hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan niya. Nilingon ko siya at nilapitan. Ano'ng problema nito?

     "Ba't hindi ka pa sumusunod? Tara na," sambit ko pa.

     Napansin kong medyo namumula siya. Natatae kaya 'to? Dejok. Parang mukha siyang nahihiya. Pulang-pula talaga. Para siyang kamatis.

     "Hala?! Bakit ka namumula? Nahihiya ka ba kay Shine?" Lumapit naman ako sa kanya at hinawakan pa siya sa leeg at sinakal—dejok. Para i-check kung nilalagnat, pero hindi naman.

     "H-Hindi, a," saad nito bago alisin yung kamay ko sa leeg niya.

     "Weh? Bakit ka ganyan? Sus, nahihiya ka lang. Tara na! Mamaya, maunahan ka pa ng iba, HAHAHA!"

     "What do you mean?"

     "Wala. Haha! Tara na." Tapos nagsimula na kaming maglakad papuntang Time Zone. Alam ko rin naman kung nasaan 'yun. Madalas kaming nandito nina Alcy before.

     Nang marating namin ang ikalimang palapag, una kong nakita yung sinehan. Nasa left side 'yon. Sa kabilang side naman yung arcade. May namumukhaan akong tao. Kaso malayo. Hindi ko maaninag.

     Pumasok na kami ni Renz. Puro kabataan ang nakikita ko. Bata naman talaga dapat. Iilan lang ang mga may-edad na. Yung mga staff saka mga guardian ng mga bata. So kami, mga isip-bata.

     "Dito na kayo! Renz! Garlic! Dito tayo!" Napatingin naman ako sa gawi kung saan narinig ko yung boses ni Shine.

     Nandoon siya sa basketball. Mabilis naman kaming lumapit. Hindi naman siguro ako maglalaro, di ba? Hindi naman nila siguro ako pipiliting maglaro, di ba? Hindi ako sporty. E, di iyak na lang, gano'n.

     "Nasaan si Danger?" tanong ko nang mapansing mag-isa lang siya.

     "Nagpapapalit pa ng token—ayan na pala." Napatingin ako kung saan tumuro si Shine.

     Binigyan kami ni Danger ng tig-iisang plastic ng mga token. Ang dami naman.

     "Thank you."

     "Lahat tayo?" tanong ko.

     "Oo, lahat." Medyo namilog pa ang mga mata ko nang banggitin niya 'yon.

     Mas gugustuhin ko pa ngang magbilang na lang ng mga chikading, chikading na dumapo sa sanga kaysa magbasketball.

     Oo, malapit lang 'to. Pero kahit na. Nakakahiya na baka kahit isa, hindi mag-shoot. Kaya mo 'yan, Garlic! Isipin mo na lang na puso ng mga babae 'yan. I-shoot mo lang. I-shoot mo lang ang ball.

     "S-Sige," sambit ko pa bago kami pumuwesto. Nagdadalawang-isip pa ako kung ihuhulog ko pa ba yung token o hindi.

     "Let's make a deal." Napapunta naman ang atensiyon ko kay Shine.

     "Anong deal?" tanong ko.

     "Kung sino'ng may pinaka-kulelat na score ang makuha, siya ang magti-treat ng lunch natin mamaya."

     "Deal ako," saad naman ni Danger na nakasandal pa doon sa lagayan ng token. Ano ba'ng tawag d'yan? Basta 'yan!

     "Siyempre, naisip ko na makakalamang kayo. Pero why not? Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan? HAHAHA!"

     "Sige, sige." Medyo tumango-tango pa ako para kunyari may alam ako sa basketball na 'to. Ibang balls kasi ang nilalaro ko.

     Jackstone. Oo, jackstone lang.

     Good luck, Garlic. Mag-goodbye ka na sa pera mo. May pa-deal-deal ka pa d'yan. Asan yung nagtitipid na, Garlic?

****

Where's Your Clove, Mr. Garlic?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon