DEAR DESTINY #4

191 28 1
                                    

Dear Destiny,

     GAGO! Gusto na lang maging mushroom sa kahihiyan! Pucha naman talaga, o! Alam mo ba, Destiny? Siyempre, hindi pa. Gusto ko na talagang i-unsend 'yon! Nahiya ako bigla. Nataranta ako kaya sinabi ko na lang na mali ako ng na-copy. Kasi naman, pano naman maka-copy 'yon, e hindi ko naman 'yon c-in-opy?!

     Bad trip ako ngayon, Destiny. Di ko nga alam kung bakit pati ito, sinasabi ko pa sa 'yo. At hindi ko rin alam kung bakit ako nagsusulat ngayon. Ang gulo ko. Ayoko na sa Earth.

     Nakakahiya . . .

     Anyway, moving on, di naman big deal. Gusto ko lang malaman ano'ng opinion mo sa pangalan ko, Destiny. Pogi bang pakinggan?

     Hindi ko alam kung lasing ba si Mader nung pinagbubuntis ako't ganito naging pangalan ko. Gusto ko sana yung mga pang-international. Hindi ingredients sa adobo. Ayoko na, Destiny. Baka ito na ang maging huling sulat ko sa kahihiyan.

 Stressed pero pogi pa rin,

Garlic.


****

Where's Your Clove, Mr. Garlic?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon