Nakatulala lang ako sa sinulat ko kanina. Nakapangalumbaba. Nakakalutang. Hindi ko alam kung bakit napaka-big deal sa 'kin kahit hindi naman. OA na kung OA pero ayokong may nangyayaring ganito sa buhay ko! Iilan lang yata ang mga kagaya kong napapraning, o baka ako nga lang.
Sabog ako ngayon. Siyempre, kulang ako sa tulog. Naiinis ako sa lahat. Naiinis ako sa kuwarto ko, sa langaw. Kahit sa butiki sa itaas na wala namang ginagawang masama, naiinis ako. Kahit yung pintong nakabukas, gusto ko nang murahin. Kaso injel nga pala ako. Hindi ako puwedeng magmura at hinding-hindi ako magmumura. 'Tang inang 'yan.
Matapos ang ilang minutong pakikipagtitigan sa papel, muli kong ibinalik ang atensiyon ko sa cellphone. Si Julia Barretto dati ang wallpaper ko kasi crush na crush ko nun si Angel Locsin. Tapos ngayon, naka-move on na ako kay Kim Chui sa breakup namin.
Tinawanan niya lang yung maling message. May haha react. Sinubukan ko namang i-unsend agad 'yon kaso hindi ako pinapayagan ni Messenger. Biased. Siyempre, mamatay bente na ako sa hiya rito. Para kasing timang na naman si Garlic. Pero mabilis naman akong nagpaliwanag at s-in-end na yung link. Hindi ko na rin pinansin pa ang mga sumunod niyang message. Balasyajan.
May nag-pop up na chat head. Si Alcy asawa ni Marie. Araw-gabi, nagpa-panty. Hindi ko na pinansin kasi tinatawanan na naman ako tungkol du'n sa maling messag—
Paano nakarating sa kanya 'yon?! Anong message?!
Agad kong ibinalik sa kanya ang atensiyon ko. Pucha talaga?!
ALCY ASAWA NI MARIE ❤
HAHAHAHAHAHAA!
GINAGAWAMO
ANG LT AMP, AHAHAHAHAHAHA
Garlic--Pa'no mo nalaman?
Sinabi sakin ni Cholo malamang!
Sensya na
Garlic --d ko nnm alm na x ako ng copy.
.
Ha?
Garlic – Ha?
Garlic --Yung sa wrongsend.
Bakit?
.Garlic ----AY
HAHAHAHAHA
Garlic --Ano bang pino-point out mo?
.
Tawag ka ni Cholo.
Ano na raw
Asan ka na
Nagtatago ka daw kasi takot ka
Hahahaha!
Nandito na kami sa salas nyo!
Pinagmeryenda pa kami ni Aling Geka!
Agad akong tumayo sa upuan at lumabas ng kuwarto. Sakto namang nando'n na silang dalawa. 'Kakapal talaga ng mga panga. Si Cholo, kumakain ng chips habang nakataas pa ang paa sa couch. Si Alcy naman, kakatapos lang uminom ng coke. O, di ba? Di ba? Mas mukha pa silang may-ari ng bahay.
"Ambait ng Naynay mo, in fairness. Lagi kaming may merienda 'pag natambay kami. Feeling ko lagi, VIP ako. Araw-arawin ko na ba? Chariz." Napangiwi ako sa demonyita.
"Kahit hindi mo na sabihin, Alcy, inaaraw-araw n'yo naman, e. Nasa'n si Naynay?" tanong ko sa kanila matapos umupo sa couch.
"Nando'n yata sa kapitbahay. Baka nakikipag-away na naman kina Tita Marjorie," sagot ni Alcy bago sumubong muli ng chips.
BINABASA MO ANG
Where's Your Clove, Mr. Garlic?
HumorThe unfortunate life of a total klutz, jobless, single, and hopeless romantic young adult named Garlic has been conquered by mysterious dark forces and invaded by aliens...charot. Bukod sa maghanap ng trabaho, maging legitimate single na nasa tuyot...