GARLIC #28

52 16 1
                                    


     "AHH OKAY." tipid na sagot ko. Yung totoo kasi n'yan, wala talaga akong masabi. Pinipilit kong hindi madulas at maging maingat sa mga bawat salitang sasabihin ko. Baka masabi ko agad na may pagtingin sa kanya si Renz. Mas lalong lalala ang sitwasyon.

     "Anong 'ahh okay"? Seryoso pa rin ako Garlic. Hindi mo ba ako bibigyan ng chance? Char. HAHAHAHA. Gosh Garlic." nakita ko naman sa mukha n'yang mukhang sincere s'ya sa mga pinagsasabi n'ya.

     Hindi naman siguro 'to nakalunok ng isang garapong magic sarap 'di ba? Hindi rin naman s'ya mukhang nakadrugs kasi ang ganda pa rin ny—istap Garlic. Ibigay mo na s'ya kay Renz. Kung ano man ang magiging desisyon ko, paniguradong makakasakit at makakasakit talaga ako. Muli, gusto ko nalang maging mushroom.

     "A-alam ko naman, pero kasi alam mo Shine—"

     "WAZUP MADLANG PIPOOOOOOOOOOOOOOOOL."

     Napatakip naman kami ng tainga sa lakas ng sigaw ni Renz na naka microphone pa. Pucha naman. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa kanya dahil iniligtas nya ako sa maari kong sabihin kay Shine o maiinis dahil leche. Ang sakit sa tainga pucha naman.

     "ORAS NA PARA KUMAIN—OUCH!" napahawak naman Renz sa ulo nang ibato sa kanya ni Danger yung isang balot ng modess with wings. Oh kita ko 'yon, with wings talaga.

     "Hahaha. Tara na." aya sakin ni Shine bago kami umalis ng counter. Mga ilang segundo pa akong natulala bago sumunod sa kanila. Pucha.


*---*


   HINDI NA ganoon kalakas ang awkward atmosphere ngayon habang sabay-sabay kaming kumakain. Di tulad noong nasa mall kami. Ang awkward no'n. Sobra.

     "So di ba nga earlier, may nakita akong balat ng chuckie. Sinong uminom? Like what the eff! Trabahador tayo rito hello? Kung isa man ang uminom sa inyo non, pakitapon please." saad ni Shine na bumasag sa katahimikan.

     Napansin n'ya rin pala 'yon? Ilang araw ko na rin 'yang napapansin.

      "Hindi ako. Ewan. Napapansin ko na rin 'yan nung first week. May kumakain talaga sa store" saad ni Renz bago muling sumubo.

     "First week? Did you mean, noong unang linggo pa merong ganito?" tumango naman kami bilang sagot sa tanong ni Shine.

     "Gosh, sigurado ba kayong hindi kayo? Nananakawan pala tayo nang hindi natin alam. Guess what, chuckie pa talaga?"

     "Hindi naman chuckie lang. Chips pa nga at softdrinks. Saka baka hindi naman magnanakaw. P'wede rin kasi na binili nila kung saan tapos dito kinain. Kaming dalawa ni Renz ang naka assign sa paglilinis so labas na kami d'yan."

     "Eh ikaw Garlic?" agad akong napailing nang ibunton nya sa akin ang atensyon. Defensive.

     "Masyadong maraming customers. Kahit iilan lang, hindi naman ako naalis sa p'westo ko. Kung hindi tayo ang gumagawa no'n, posibleng may—"

     "Magnanakaw?" napunta ang atensyon namaing lahat kay Danger ng magsalita ito. "Since wala naman tayong maayos na surveillance camera, paniguradong alam din ng culprit na sira nga."

      Ampucha...

      "Pero 'di ba, kakabukas lang naman ng store a week ago?  Papaano n'ya nalaman ng gano'ng kabilis na props lang yung mga CCTV?" kunot noong saad ni Renz.

     "Gago seryoso, ang hirap kasi na nananakawan tayo nang 'di natin alam. Tayo pa magbabayad n'yan."

     "So ano?" tanong ko. Out of nowhere lang.

     "Anong oras n'yo ba nakikitang may balat na ng food sa sahig?" tanong muli ni Shine.

      "Walang permanenteng oras. Depende sa trip nung gumagawa. O baka naman umaga lang talaga tapos hapon namin makikita. Basta, hindi ko rin alam." sagot ni Renz.

     "Oh I see. Why naman kasi wala tayong guard here. Gosh."

     Oo nga noh? Bakit wala pala kaming guard dito?

     "Okay sige sige. Tapos na akong kumain. Mag aayos lang ako sa banyo." sambit ni Shine nang makatayo. Pagkatapos, nilisan na ang silid.

     "I'm done." sambit naman ni Renz at lumabas na rin.











     Si—————lence...













      Ang awkward ng ganito. Bakit ako naiilang pa rin ako kay Danger? Tuwing nakikita ko s'ya, naalala ko yung pangako ko. Ituloy ko na ba? S'yempre hindi. Magmumukhang bromance na ang takbo ng istorya. Oo buhay ko tinutukoy ko.

     Ilang sandali lang at naubos na yung pagkain ko. Bigla akong natigilan. Napatingin naman ako sa pagkain ni Danger na ang dami pa talaga. Anong gagawin ko?

     Kapag tumayo na ako at umalis na sa kwarto, maiiwan s'yang mag-isang kumakain dito. Kapag hindi naman ako umalis, ang awkward naman kung tititigan ko lang s'yang kumain? Hindi ko rin kayang mag open ng topic. Bakit ako nakakaramdam ng ilang kay Danger? Bakit ba ako naiilang?

     Nagkaro'n na naman ng awkward atmosphere sa paligid. Hindi ko alam kung sa'n ko ibubunton ang atensyon ko. Nakakahiyang tumingin sa kanya.

     Tumingin ako sa taas at napansing ang linis ng kisame. Wala kang makikitang dumi. Tumingin naman ako sa baba at wow! Ang linis ng tiles! Nakikita ko pa yung reflection ng pogi. Tumingin naman ako magkabilang gilid at woaaah—

     "Aware ka bang mukha kang timang sa ginagawa mo?" napatingin naman ako kay Danger nang magsalita ito. Agad ko ding iniwas at napayuko. Feeling ko nag-iinit na naman ang mukha ko sa kahihiyan.

     Hindi ko alam ang gagawin ko. Pucha naman. Ah yes. Mukha akong tanga.

     "Kung tungkol pa rin 'yan sa message na sinend mo sa'kin, kalimutan mo na 'yun." biglang nakuryente buong katawan ko. Hindi literal. Nabigla lang ako sa sinabi ni Danger. Napaangat muli ako ng tingin.

     "W-what do you mean?"

     "Napapansin ko na naiilang ka sa'kin. Don't think too much about it. It's not a big deal either. Just think that there's nothing happened... to make you feel comfortable." tapos ngumiti s'ya at mabilis inubos yung pagkain nya.

     Natigilan ako. Hindi pa rin ako makapagsalita. Nahihiya ako oo. Ramdam ko pang mag init ang tainga ko sa hiya. Isa lang ang masasabi ko.

    Nakakahiya.

****

Where's Your Clove, Mr. Garlic?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon