"ANG KAPAL pa rin naman ng mukha mong makipag-saya pa rito sa kabila ng mga ginawa mo." saad ni Alexiana kaya mas lalong kumunot ang noo ko. "Bakit? Bakit mo nagawa 'yun Alcy HA!? BAKIT!?" dugtong pa ni Alexiana kaya mas lalong namuo ang tensyon sa paligid. Hindi ko alam kung anong nangyayari.
Akma akong tatayo para pigilan yung dalawa pero pinigilan ako ni Cholo. Umiling pa s'ya kaya hindi ko na tinuloy. Wala naman sigurong mangyayaring bugbugan 'di ba? Pero nasaktan na si Alcy. Bakit ako pinipigilan ni Cholo?
"Ahas ka! Lahat nalang kinuha mo sa'kin. Una yung promotion na dapat sa 'kin. Ikaw rin ang dahilan bakit kami hindi na nag-uusap ni Shine tapos may balak ka ring agawin ang boyfriend ko?! Ang kapal talaga ng mukha mo!" halos maluha na si Alexiana habang binibitawan ang kanyang mga salita.
"That's not my concern anymore. At first, wala akong ginagawang masama sa'yo Alexiana. Huwag mo sa'king isisi lahat ng kamalasan mo sa buhay. Wala akong kinalaman sa break-up n'yo ni Reyman. Hindi ko rin kasalanang mas better ang business propasal ko than yours—" Isang sampal muli ang natanggap ni Alcy kay Alexiana.
"TANGINAMO GAGO KA! Hindi ka pa nakuntentong patayin ang mga magulang ko! Lahat nalang Alcy! Lahat nalang gusto mong sirain. Makuntento ka namang gaga ka!"
"Hindi ko sila pinatay! 'Wag mong isisi sa'kin ang kamatayan ng magulang mo dahil wala akong ginagawang masama. Mahiya ka naman sa ginagawa mo Alex, grow up!" bakas sa boses ni Alcy na naiiyak na s'ya.
"But you're the reason why I'm suffering right now! Sana ikaw nalang talaga ang namatay Alcy. Sana hinayaan ka nalang ng mga magulang kong mabangga. Bakit ba kasi nabuhay ka pa." saad ni Alexiana bago tuluyang umalis. Ngayon ko lang napansin na nasa likod n'ya pala si Shine. Bati na ulit sila? Hindi siguro, naka-distansya si Shine kay Alexiana. Baka nakiki-tsismis.
Ilang segundo pang dumaan ang katahimikan bago tuluyang maglakad si Alcy papunta sa gawi namin. Bagsak ang balikat na napaupo. Sinapo ang mukha at saglit na yumuko. Nang i-angat ang mukha, nakita ko sa mata n'ya ang lungkot. Anytime, babagsak nalang siguro ag mga luha.
"Let's go, Cholo. I'm sorry Garlic but I don't think na kaya kong maki-sleep over dito ngayon. Sa susunod nalang siguro." saad nito bago kunin yung laptop nya.
Mapait naman akong ngumiti. Hindi talaga akong marunong mag comfort. Ni hindi ko nga ma comfort sarili ko sa mga ganitong sitwasyon.
Napabuga nalang ako ng hangin matapos umalis sina Cholo. Napatingin naman ako kay Shine sa labas na kasalukuyang nakatayo pa rin hawak ang cellphone sa kaliwang kamay. Binigyan n'ya ako ng makahulugang tingin kaya no choice akong magkwento kahit antok na antok na 'ko.
*---*
"BACK WHEN I was fourteen, namatay ang parents ni Alexiana dahil iniligtas nila si Tatiana sa isang aksidente." panimula ko bago tumingin sa buwan.
"What do you mean?" tanong ni Shine bago muling i-swing yung inuupuan n'ya. Nasa labas kami ngayon sa may duyan. Nawala yung antok ko dahil kay Shine piste. Gusto ko nang matulog eh pucha.
Naiwan kasi ni Shine yung charger n'ya raw sa bag ko kahapon. Ngayon n'ya lang naalala. Tapos ganito pa masasaksihan n'ya. Nakakahiya naman.
"Hindi ko alam ang full detail kasi wala naman ako sa lugar noong nangyari 'yun. Ang alam ko lang, tumatawid si Alcy at hindi n'ya napansin ang padaang truck. Yung papa ni Alexiana ang tumulak sa kanya kaya tumam rin ang ulo ni Alcy sa bato noon. Mas lalong naging moody si Alcy. Ilang araw matapos ilibing ang papa ni Alex, sumunod na rin ang mama n'ya. Nagpakamatay." paliwanag ko. Napatigil naman sa pagduyan si Shine at takha akong tinignan.
"I thought Mama ni Alex si Aling Marjorie?" tanong nito na ikina-iling ko naman. Hindi ko alam na hindi rin pala alam ni Shine lahat ng about kay Alexiana.
"Lola ni Alexiana si Aling Marjorie sa Ina. Pero hindi na rin sila nagkaron ng koneksyon kahit di gano'n kalayo ang bahay nila sa isa't-isa—sa pagkakaalam ko lang naman."
"Bakit hindi nalang gamitin ni Alexiana yung apelyido ng tatay n'ya instead mag stick s'ya sa apelyido ng nanay n'ya?"
Napalunok muna ako ng laway bago ituloy. Hindi ko alam kung tama pa bang malaman lahat ni Shine 'to pero ok lang naman siguro. "Alexiana Cimmeria ang dapat na pangalan ni Alex. Pero since malaki ang galit ni Alex kay Alcy, hindi n'ya ginagamit ang apelyido na 'yun. Anak sa labas ng daddy ni Alcy si Alex. Means magkapatid talaga sila. Hindi lang nila tinatanggap sa sarili nila." pagpapatuloy ko.
Namayani ang katahimikan sa paligid. Tanging ihip ng hangin ang maririnig. Nakailang beses napalunok ng laway dahil sa tensyon ng katahimikan. Nakailang ugoy pa ako ng swing bago sirain ni Shine ang katahimikan.
"Garlic..." tawag nito.
"Hmm." nararamdaman ko na ulit yung antok.
"Tungkol doon kanina sa'yo—sa sinabi mo. Anong ibig sabibin nung 'hindi ka na rin tatagal dito sa bahay?" bakas sa mukha n'ya ang kuryosidad. Ang dami n'yang gustong malaman. Ang interesado naman ni Shine masyado.
"Ah, 'yon ba. Hindi ko na rin pinoproblema kasi last last week nakatanggap ako ng text sa mother ko na si Onion nalang raw ang papalit. Hindi na ako tumanggi. Bukod kasi sa hindi ko naman gusto, baka kasi mas gusto ng kapatid ko ang pwesto."
"Pero 'di ba ang lungkot no'n?"
"Alin?" kunyari hindi ko alam ang tinutukoy n'ya. Trip ko lang magtanong.
"Na hindi mo magagawa yung gusto mo. Na hindi mo matatapos yung pangarap mo para sa sarili mo?" bigla akong nasaktan sa tanong n'ya.
"S-siguro..." napahiwalay agn tingin ko sa kanya at yumuko. "Siguro kung natuloy nga talaga ang byahe ko papunta sa ibang bansa edi... ouch." sabay pa kaming napatawa nang mahina.
Ilang minuto rin kaming nag-usap pa nang mapagdesisyunan n'yang mauna na. Late na rin kasi. Pumasok na rin ako sa loob diretsong kuwarto. Kaagad kong hinanap yung sticky note at nagsimula nang magsulat. Napa-unat ako nang matapos. Muling itinabi ang garapon saka ko inihiga ang sarili sa kama. Nakatingin lang sa ceiling. May butiki.
Iniisip ko kasi yung sinabi ni Shine—lahat ng mga pinag-usapan namin.
May pangarap talaga ako. Gusto kong maging— teka. Ano nga ba ang gusto ko? Nalimutan ko na siguro dahil sa tagal ko nang kinakalimutan. Hindi ko kasi alam kung dapat pang mangarap kung no choice ka din naman. Gusto ko rin palang lumabas sa isang chicken commercial. Ewan ko rin. Naiinggit ako kapag nakakakita ako ng mga tao sa commercial na kumakain ng chicken.
Gusto ko lang din naman malaman ano yung feeling na pinili ka. Na minamahal ka. Anong feeling ng alam mo na may makakasama ka sa pagtanda mo?
Kasi kahit ang sarili ko hindi pa rin alam. Straight pa ba ako? Gay? Am I... Bisexual? Ano bang nararamdaman ko para kay Danger, para kay Lynx. Ayoko nang mag-isip. Nabibiyak na nga ang ulo ko kasi hindi ko rin naman alam ang sagot. Just like I'm reading an English question but the right answer is Math. Everything now is complicated. Pakiramdam ko lahat mali. Pati nararamdaman ko maling mali.
Tatayo na sana ako para i-charge yung cellphone ko nang makita ko si Drenty na paikot-ikot na naman, natigilan ako. Ang cute. Naiinggit tuloy ako sa kanya na puro langoy at kain lang. Siguro kung wala 'tong isda na 'to sa buhay ko ngayon baka isa na akong depressed emo na walang direksyon ang buhay.
"Good night, Drenty."
****
BINABASA MO ANG
Where's Your Clove, Mr. Garlic?
HumorThe unfortunate life of a total klutz, jobless, single, and hopeless romantic young adult named Garlic has been conquered by mysterious dark forces and invaded by aliens...charot. Bukod sa maghanap ng trabaho, maging legitimate single na nasa tuyot...