DEAR DESTINY #5

163 27 1
                                    

Dear Destiny,

     Hindi pa rin ma-digest ng isip ko kung bakit ako lang sa 'ming tatlo ang hindi natanggap. Pumapasok din sa utak ko na hindi ako karapat-dapat. Maybe I should find a new one. Kaysa naman magmukmok na naman ako. I have to endure the pain. 'Buti na lang, ni-recommend sa 'kin ni Doc yung Sensodyne.

     Destiny, ba't ang sama mo sa 'kin? Cute naman ako, guwapo pa. Pinagtitripan mo ba 'ko? Pakiramdam ko, ang malas-malas ko. Malas na nga sa love life, malas pa rin sa buhay?

     Pero okay na siguro 'yon. Maganda na rin sigurong mapahiwalay ako sa kanila, Destiny. Hindi naman sa ayaw ko silang makasama or what. Gusto ko ring maranasan na ako lang ang maghahanap para masanay na rin akong nakikipagsalamuha sa tao. Hindi yung puro na lang mukha nilang dalawa ang nakikita ko.

     Balik tayo sa tunay na pakay ko sa 'yo, Destiny?

     Kailan mo 'ko bibigyan ng chikababes, Destiny? Para naman updated ako, di ba? Bigay ka ng mga sign, Destiny. Gusto ko, pagkalaglag niya, deretso sa 'kin, ha? Pagkalaglag niya galing langit, magtatama agad ang mga mata namin, ha?

     Kung gano'n din ang kahahantungan ng pagsusulat ko sa 'yo, gusto ko na lang maging mushroom.

Gusto nang maging mushroom,
Garlic.

****

Where's Your Clove, Mr. Garlic?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon