MASAKIT PA rin yung ulo kong nakaupo sa couch. Mahigpit ang hawak sa unan. Kanina pa ako tinatawag na meow meow ni Danger. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit pero mukhang nakakatakot. Ayokong alamin. Iniisip ko palang yung pwede kong gawin kagabi, mamamatay na agad ako sa hiya. Ayoko rin masyado isipin kasi ayokong nagiging usap-usapan.
Ewan! Baka kung ano-ano na ang sinayaw ko ng mga oras na 'yon. Panigurado naman akong hindi maganda. Alam kong ikakahiya ko at ayoko nang alalahanin.
Bakit ba iniisip kong may nangyari kagabi?
Sa gilid ng mga mata ko, kumuha si Danger ng pitchel na may tubig. Sinalinan n'ya yung baso at inabot sa'kin. Tinanggap ko rin agad kasi nanunuyo na ata ang lalamunan ko.
"Uminom ka ng maraming tubig. Masyado kang maraming naisuka kagabi." binigyan ko s'ya ng makahulugang tingin nang magsalita.
"You better not know." dagdag pa nito nang mapansing humihingi ako ng sagot. "Kasi..."
"Why?" tanong ko agad kahit may hula na akong hindi n'ya rin sasabihin kung bakit.
Humagikhik pa s'ya bago pumuntang kusina. Imbis na mainis, napansin kong uminit lang lalo yung tainga ko.
Ang cute n'ya...
Erase erase. Ano bang pinagsasabi mo d'yan, Garlic. Bading ka ba?
"Maligo ka na, aalis tayo." sambit nito nang makalabas ako ng kusina. Kakatapos n'ya lang maligo. Kinukuskos pa yung towel sa buhok n'ya.
Wala akong maalalang may pupuntahan ako ngayong linggo. Binabalak ko pa naman sana humilata maghapon at kausapin si Drenty kaso may plano yata si Danger palayasin ako sa bahay as if papayag ako.
"Sa'n tayo pupunta?" walang ganang tanong ko. Nakatuon ang atensyon sa rubik's cube sa katapat na couch.
"I... don't know either. Bilisan nalang natin kasi hinihintay na tayo ni Renz at Shine." saad nito bago pumuntang kuwarto n'ya.
Walang gana akong tumayo at pumunta rin sa kuwarto para mag-ayos ng sarili. Napatingin kay Drenty na paikot ikot na naman. Balak atang gumawa ng mini whirlpool.
Kinuha ko yung garapon ng pagkain n'ya at nilagyan ang aquarium. Ang cute cute talaga ng baby ko...
Nang maalala kong pinagmamadali nga pala ako ni Danger, dumiretso agad ako sa banyo at mabilis na lumigo. Nagbihis ng simple nang matapos. Plain white t-shirt at jeans lang sinuot ko. Hindi ko talaga alam sa'n pupunta kaya eto na muna.
"Bakit gan'yan suot mo?" tanong ni Danger na kasalukuyang naka-maayos na damit pang alis. Nakaturtle neck na white at black coat. Mukhang mamahalin pa yung slacks at sapatos. Naka-glasses at nakataas ang buhok.
"Bakit? M-may mali ba sa suot ko?" nauutal pang tanong ko. Masyado siguro akong napatitig sa kanya—sa suot n'ya.
Pumasok s'ya diretso sa aking kuwarto kaya napatabi naman ako. Nasa doorway kasi ako. May kung anong hinahanap s'ya sa damitan ko. Napapapindot ako ng tainga. Nananalanging hindi mapansin ang tentacles magazine sa ilalim ng kama.
Parang ayoko na pumunta. Paniguradong puro kahihiyan na naman mararamdaman ko mamaya kasi paniguradong iinisin lang ako nung dalawa. Dito nalang ako sa bahay. Dalawa nalang kami ni Drenty. Manonood nalang kami horror movies. Pucha naman.
"Danger, biglang sumama pakiramdam ko. Hindi na pala ako sasama." saad ko habang umaarteng masakit ang ulo. Himas himas sentido hehe.
"Nah, wheather you like it or no—ah! Eto nalang." naputol agad ang sasabihin n'ya nang may hablutin s'yang kung ano. Hawak-hawak ang isang plain black shirt, yellow hoodie at maong. Napasapo nalang ako sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Where's Your Clove, Mr. Garlic?
HumorThe unfortunate life of a total klutz, jobless, single, and hopeless romantic young adult named Garlic has been conquered by mysterious dark forces and invaded by aliens...charot. Bukod sa maghanap ng trabaho, maging legitimate single na nasa tuyot...