GARLIC #16

71 19 1
                                    


     Pagkatapos magsulat, muli kong inihiga ang sarili ko sa kama. Nanghihina ang katawan ko't hindi na 'ata kayang gumawa pa. Hindi dahil sa trabaho kundi maglabas ng sama ng loob sa banyo. Pucha. So gross.

     Pabalik-balik na kasi ako. Hinuhusgahan na siguro ni Drenty kasi kanina pa ako paikot-ikot sa kuwarto. Masakit na rin yung t'yan ko ta's alam mo na kung ano pa yung isang masakit. Para akong na-spank twenty times. Bad Garlic. Ang mas lalo pang nakakainis dito, hindi man lang ako nakakain ngayong gabi dahil inangkin na nila lahat.

     Nagpakawala muli ako ng buntonghininga bago kunin yung CP ko at muling nag-scroll sa FB. Kung hindi mga walang kuwentang post, puro memes ang nakikita ko. Ako naman, share dito, share doon. Kaya ayan. Makalat din ako sa Facebook.

     May nag pop-up na message. Hindi ko na sana titingnan kasi si Onion naman ang nag-chat pero medyo na-curious ako kaya binasa ko na nang buo.

ONION

Kamusta ka na?

I miss you so much!

By the way . . .

I'll be there soon ^^

Lovelots

     Napatanga na lang ako sa mga message ni Onion. Unang-una dahil medyo nagulat ako sa pagtatagalog niya. Napaupo ako sa kama at napahimas ng ano—tuhod. Kasi feeling ko, nakakaramdam na naman ako ng sama ng loob. Ayoko nang pumunta sa banyo. Nakakadala.

     Pakiramdam ko, may party-party ng mga digested food sa t'yan ko. Dahil sa kagustuhan kong makakain nang marami, kung ano-ano na ang nakain ko sa convenience store. Kinailangan kong isakripisyo ang t'yan para mabusog. At ngayon, para na akong natapakang bulate.

     Hindi ko na magawang ituloy ang gusto kong gawin dahil sa paghigpit ng hawak ni babe sa kamay ko. Ngumiti siya sa 'kin na parang sinasabi na 'magka-cuddle tayo mamaya.' Pero siyempre, imagination ko lang 'yan. Wala pa talaga.

     May ilang sandali pa ang lumipas. Inayos muna ang pakiramdam ko bago lumabas sa kuwarto. Si Alcy ang naghihintay sa 'kin sa labas. Biglang tumahimik ang lahat habang dahan-dahan akong naglalakad papunta sa kusina. Pinilit kong kumain nang marami.

     Nilapitan ako ni Cholo sa lamesa. May gusto siyang sabihin pero tinapik ko yung kamay niyang nakahawak sa balikat ko. Hindi ko maintindihan. Masama rin ang loob ko kay Naynay kasi panigurado, hinayaan niya lang yung dalawa na magkalat sa bahay ko.

     Pagkatapos magsepilyo, bumalik na ulit ako ng kuwarto. Marahas kong isinara ang pinto. Pinipilit nilang kausapin ako pero wala akong naiintindihan. Ni hindi ko sila pinapansin.

     Naiinis talaga ako. Hindi ko rin alam kasi ano'ng pumasok sa utak nila't naisipang dito mag-party. Worst, nagsama pa sila ng kung sino-sino e, hindi ko naman mga kakilala. Pinsan? Mga katrabaho siguro? Since kakaunti lang din naman ang mga kakilala kong kaibigan nila. Mga bago lang sila sa paningin ko. WORST-ER! Ubos na art materials ko. Isaboy ba naman mga ink sa sofa. Mga pakialamero ng gamit. Bayaran mo 'yan, Cholo.

     Hindi ko na inintindi kung bakit. Wala na rin naman akong pakialam. Halos pagapang akong lumapit sa kama at nahiga. Wala na akong buhay. Ni hindi ko na nagawang magpalit ng damit. At dahil sa sobrang pagod, mabilis na akong nakatulog.

     Kinabukasan nang magising ako. Medyo okay naman na ang pakiramdam. Hindi na ako parang na-spank nang twenty times. Pero medyo nanghihina ako. Wala na sila siyempre. Alangan naman hanggang dito, mag-overnight 'yan. Naalala ko yung promise ko kay Destiny. Kailangang tumupad. No eye contact!

     Pinilit kong bumangon at dumeretso sa banyo. Kailangan kong pumasok. Naligo ako at nag-ayos kahit nanghihina. Eto na lang ang tama kong magagawa para may sarili akong panggastos at makatulong sa gastusin sa bahay.

     Pagpunta ko sa dining, wala si Naynay. Baka pagod din kakalinis ng bahay kagabi. For sure naman, di makakapaglinis sina Alcy. O baka nakikipag-away na naman kay Aling Marjorie. Maayos na rin yung bahay. Hindi na makalat. Wala nga lang punda ang mga sofa. Nilabhan na yata.

     May nakahandang pagkain para sa 'kin. Pinilit kong lamnan ang t'yan ko kahit parang nawawalan ng lasa ang mga kinakain ko. Lasang pechay ni Aling Shaira. Yung nagbebenta ng mga gulay sa lugar namin tuwing Linggo.

     Pagkatapos, lumabas na ako ng bahay at naglakad papuntang terminal hanggang sa makarating ako ng coffee shop. Lumipad ako papuntang convenience store—dejok. Naglakad lang ako.

     Nang makarating ako, agad na akong nagbihis. Narinig ko pang bumati sila sa 'kin pero hindi ko na napansin kasi nakapasok na ako ng banyo, saka ko sila binati pabalik nang makalabas na ako.

     Bigla akong nabuhayan ng loob. 'Nga pala, gaganti nga dapat ako sa dalawang ungas na 'to. Hindi puwedeng ako lang ang naaapi. Hindi rin ako tumitingin sa mga mata nila. Naalala ko kasi bigla yung promise ko kay Destiny. Hindi ako puwedeng hindi tumupad sa pangako. Hindi ko ugali 'yon at hindi pa nangyayari sa 'kin na napako ang mga pangako ko. Siyempre, matino akong tao.

     Mabilis lumipas ang oras, sabi ni Author. Pinipigilan kong tumingin sa mata ng customers. Kung kailangang mag-good morning, naggu-good morning ako, pero sa ilong nila ako tumitingin. Diskarte 'yan.

     Ilang sandali lang nang mapansin kong kaunti na lang ang customers. Nakita kong papalapit si Renz sa gawi ko. 'Nga pala. Pa'no ko sila gagantihan kung hindi ko sila puwedeng tingnan? Pucha naman, o. Sa ibang araw na nga lang ako gaganti!

     "Garlic. Nabulag ka na ba sa matatamis niyang salita?" may pahugot pang tanong ni Renz nang makarating siya sa harap ko. 'Sarap ding ihampas sa kanya yung calculator kong hawak..

     "Tigilan mo na nga ako, Renz. Hindi na ako nakikipagbiruan." Akala mo talaga, gusto ko pa ng mga katarantaduhan n'yo, a.

     Seryoso akong pinagmasdan ni Renz para bang kinukumpirma niya kung may iniisip akong problema. Nagpe-peace sign din siya at nagpa-pacute sa harap ko. Parang timang naman ampucha.

     Napansin ko namang tumingin sa 'kin si Danger sandali bago ituloy ang pag-inom ng soft drink. Lumapit din siya sa gawi ko't pinagmamasdan din ang mukha ko. Nag-cringe naman ako bigla at tumingin sa mga damit nila. Para kasing mga tanga.

     Ang totoo, hindi lang 'yon ang iniisip ko. Kahit kasi anong pagkukumbinsi sa sarili ko na hindi na dapat ako tumingin sa kung sino mang mata, in the end mayroon din akong titingnan at hindi maiiwasan yon, walang mangyayari kung ipagpapatuloy ko pa 'to.

     Sorry, Destiny, I broke my promise . . .

     Napangiwi si Danger nang hindi ko pinansin mga sinasabi niya. Ni hindi ko nga naiintindihan. Kung hindi ko lang ginagawa 'to, malamang na nabatukan ko na siya nang matindi-tindi. Kung ano-ano na naman ang sinasabi.

     Nang makaalis sila sa harap ko, napatingin ako sa labas. May nakatingin sa 'kin pamula sa kabilang side ng highway. Naka-shades at cap yung lalaki. Pero alam kong sa 'kin nakatingin. Agad din nitong ibinaling ang tingin sa cellphone niya. Kinabahan ako bigla.

     Siya ba yung sumusunod sa 'kin nitong mga nakaraang araw? 


****

Where's Your Clove, Mr. Garlic?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon