DEAR DESTINY #6

147 26 1
                                    

Dear Destiny,

     'Nga pala, Destiny, may nabasa ako sa Twitter na hindi naman daw hinahanap ang love. Kusa raw dumadating. Maghihintay na lang ba ako, Destiny? Sige, subukan kong hindi hanapin.

     Sa tingin mo ba, Destiny, kailan kaya dadating yung akin? Ngayon? Bukas? Sa isang linggo? Sa isang buwan? Next year? 'Pag matanda na ako? 2030? 2045? Sobra ka naman, Destiny. Di ako papayag. Dapat magkakaro'n ako. Don't lose hope—dejok ulit.

     Gusto ko, Destiny, ngayong taon meron na 'ko, Destiny. Ba't 'apakadamot mo sa love life? Isa lang naman, e. Sigi na. Masarap naman aq.

     Tapos meron pa, destiny. Habang nagsi-scroll sa Facebook, may nabasa akong 'Would you rather' questions sa isang thread ni Lekma Pusay. Puro naman madadali 'yun, Destiny. Parang coffee or tea lang. Pero may nabasa akong question na kumuha sa atensiyon ko.

     Career or Lovelife?

     Pucha naman. Ikaw ba nagtanong niyan, Destiny? Do I need to answer this question? Hindi ko alam ang sagot. Parehas naman kasing gusto ko. Mas matimbang lang siguro si Career. 60-40 ganon.

Naguguluhan pero cute pa rin,
Garlic.

****

Where's Your Clove, Mr. Garlic?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon