Kim's POV
Nagluluto ako dito sa kusina namin... (siyempre alangan naman sa banyo)
Dahil as usual ako ang laging unang nagigising saming apat na magkakaibigan...Nasa iisang apartment kasi kami nakatira dito sa Quezon City. Why? You may ask...
Well ang parents ni Max ay nasa Italy dahil mag business sila doon na inaasikaso, Meron naman silang bahay dito sa Pilipinas pero ayaw niya namang mag-isa sa bahay...
Si Kyla naman eh, Malayo din ang bahay niya sa bago naming school na papasukan, sa cebu pa kasi ang bahay niya...
Kay Lexi originally itong apartment na to, at dahil mabait siya samin ay pumayag siya na dito kami tumira at siyempre share share kami sa Rental fees...
At ako? Wala trip ko lang, kaysa naman araw-araw akong bungangaan ni mommy ay nakijoin na rin ako...
Siguro tinatanong niyo ngayon sino yung mga pinagsasabi ko sa inyo kanina... Hehe
d^-^v
Papakilala ko sila sainyo isa-isa...
First ay si-
"Hoy! Kim! Ayan ka nanaman sa mga brief introductions mo na parang nasa isa kang movie or story eh! Tignan mo nga yang niluluto mo kulang nalang ay sunugin mo na... " Sigaw sa akin ni Lexi kaya natigilan ako sa pagpapakilala... Kahit kailan KJ talaga to!
"Sori naman, Di ko alam na kasali na pala sa house rules naten na bawal ng magdaydreaming" sabi ko na may pagkasarkastikong tono.
"Oh siya, siya... Maliligo na ako, para di nako maghintay ng matagal mamaya kay kyla... Alam mo naman yun linilinis niya ang pinakasulok-sulukan ng katawan niya..." Sabi niya atat sabay naman kaming natawa...
Kinuha niya na ang damit niya at pumunta na siya sa C.R... Civilian na damit lang ang susuotin namin dahil may 1 week pa bago namin makuha ang mga uniforms namin...
Ok back to the introductions...
Ayun si Lexi Joanne Buenaventura... Lex for short. May kaniya kaniya ng pamilya ang parents niya. Dalawa silang magkapatid, ang bunso niyang kapatid na 4 years old lang ay nasa mommy niya. Kinukuha din siya ng mommy niya pero ayaw niya. I don't know why pero kahit na wala siya sa parents niya ay financially suported parin siya. Both her parents own a really big and successful company.
Siya ang playgirl #1. Siya ang pinakahabulin saming lahat. Dahil hindi lang siya maganda at sexy, matalino at masipag pa siya... Pure Filipina.
Hindi siya tulad sa mga normal na playgirls. Playgirl siya kasi lahat ng lalaking lalapit sa kaniya ay sinusungitan niya... Kumbaga sa una ay mabait siya, pero pagnagkagusto ka sakanya ay magiiba na ang pakikitungo niya sa iyo at mawawala nalang bigla ang soft at caring na lexi... Hehe
Next up is-
"Ky!" tawag ko kay Kyla...
"Ohh? " sabi niya habang nakanguso at nagkukusot ng mata... Naiimagine mo? Ang kyutt hehe
Si Kyla Ford... Katulad ni Lex ay pure filipina din siya... Unlike kay lexi, happy ang family niya. They own a really big resort. Kaya tuwing summer ay nandoon kami.
d^-^b
Siya naman si playgirl #2. Iba din ang teknik niya sa mga linalaro niyang boys. Konting pacute niya lang ay madami na ang mga boys na naglalaway sakanya hehe. She takes advantage sa mga boys na nagkakagusto sa kanya. Inutus-utusan niya sila. You may think na gold-digger siya pero hindi. Kaya niya lang mag manipulate ng boys. Marami ang nagkakagusto sa kanya because of her sweet, cute and innocent look.
YOU ARE READING
Battle of the Players (Playboys Vs. Playgirls) [On Hold]
Teen FictionSa STU (Stanford Technological University) na ang mga babae at lalaki ay may kaniya-kaniyang role... Sa STU na pinamumunuan ng apat na playboys na minamaliit ang mga taong nakapaligid sa kanila. Na sa tingin nila ay mga prinsipe sila at alila lang...