Carter's POV
*Canteen*
"Tignan mo sila Noona ang saya saya nila kila Kyla oh haha!" Sabi ko habang tinitignan namin sila ate Zairah and Sab na sabay makipaglunch sa mga kaaway ni Gray na naging kaaway din namin haha..
d^-^bv
"Shut up!" Sabi ni Gray...
"Haha dude! Chill... Gusto mong sumali sila ate sab ngayong sumali sila galit ka parin? Haha"
"Eh bakit sa kaaway pa natin!?"
"Well duhh! Bro sinabi mo ba sakaniya na kaaway mo yang mga yan?" Tanong ni Kaito...
"Kahit na gusto kong sabihin ngayon di pede.... Baka magsumbong pa kay mommy... Alam niyo namang ayaw niyang nakikipagaway ako eh. " Pagpapaliwanag ni Gray...
"Tch! Oh bakit nakikipagaway ka parin?!" Sarkastikong tanong ni Logan...
"Ehhh sa naiinis ako sa kanila! Lalo na diyan kay Max..." Inis ngunit mahinahong sabi ni Gray...
"Ang sabihin mo... Di mo lang tanggap na natapakan niya yang ego mo! Nakahanap ka ng katapat mo!"
"So kinakampihan mo sila kesa sa akin?! Bakit dahil kamukha ni Lexi si-"
"Gray!" Awat ko sa kaniya... Bakit kailangan pang isali ni gray yan! "Tumigil kana... "
"Di ko sila kinakampihan... Ang sakin lang. Madami na ngang may ayaw ng pambubully mo tinutuloy mo parin... " nagpipigil ng inis na sabi ni Logan.
"Ohh bakit yung pagiging playboy naten. Di ba masama rin yun?" sarkastikong tanong ni Gray.
"Well di naman ako playboy. Sadyang habulin lang. " Nakangising sabi ni Logan...
"Tch! Parehas lang yun Gagi... " Yun lang at nanahimik na sila...
*End of Lunch break*
"Uy bros CR lang ako. Mauna na kayo sa room. " Sabi ko at nagpaalam na...
Papalakad na ko papuntang CR ng...
"Hello Mommy? Tutuloy namin registration namin para sa Campus Clash kila Zairah... Yes Mom. Sumali kami hehe! Pano dinner natin with lolo? Di kayo makakauwi? Why? Ahhhh... Okay mom. Yeah bye! Love you... " Sabi ni Ate Sab habang nasa telepono...
Kaya nacurious ako at lumapit...
"Oh ano daw sabi sab?" Tanong ni Noona sa kaniya...
"Ahh di daw makakauwi sila Mommy... Nacancel daw yung flight nila. Kaya pwede ako ngayon hehe... " Sagot ni Ate Sab...
"Okay! Tara na... "
Yun lang at umalis na rin sila. Kaya dumeretso nako sa CR.
'May gagawin sila sa bahay? Hmmm'
*Classroom*
Buti at wala pa yung mga teachers.. Nakita kopang nagkukuwentuhan sila Kyla at mga tropa niya... Kaya nagmadali akong pumunta kay gray. Sa pinakalikod yung seats namin...
"Natural! Ngayon sila gagawa eh... "
"Eh may dinne-"
"Wala naa! Cancelled flight nung parents mo.. "
"How did you know?"
"Narinig ko nga sila kanina ang kulit mo.... "
"Yess! Good good... Sige tuloy tong sleepover heheh... "
YOU ARE READING
Battle of the Players (Playboys Vs. Playgirls) [On Hold]
Teen FictionSa STU (Stanford Technological University) na ang mga babae at lalaki ay may kaniya-kaniyang role... Sa STU na pinamumunuan ng apat na playboys na minamaliit ang mga taong nakapaligid sa kanila. Na sa tingin nila ay mga prinsipe sila at alila lang...