Chapter 6 (Dating?!)

167 20 3
                                    

Max's POV

15 minutes na ang lumilipas pero wala pa rin si Kyla... Ilang baldeng ihi ba ang inilabas nun at ganun siya katagal sa CR?!

"Nasaan na si Kyla?!" Mahinang sigaw ko..

"Baka nagpalit lang ng... alam mo na?" Sabi ni Kim.

"Ang tagal naman. 15 minutes na ang lumilipas pe-" Natigilan ako sa pagsasalita ng biglang umulan ng MALAKAS!

"May dala bang payong yun?" Tanong ko kay Lexi.

"Aba malay ko, pero wala akong nakitang may dala siya kanina eh." Sabi niya habang kinakain yung spaghetti niya.

"Hayaan mo na muna yun... Matanda na siya, kaya niya na yung sarili niya." Si Kim.

"Pero alam mo naman yun... Sa ating lahat, siya yung pinakamahina."

"Dati... Ngayon kaya niya na sarili niya."

"Pero!-"

"Max... Can you just please eat up? Hindi ka nakakakain dahil sa kaiisip mo mo sa kaniya eh... Stop treating her like a baby para masanay siya... Eh ako ngang pinakaclose sa kaniya eh hindi nag-aalala, ikaw pa kaya?" Seryoso pero mahinahong sabi ni Lexi..

Natigilan ako sa sinabi niya... Baka OA lang talaga ako.

"Look Ma-"

"Hoy! Ba't nilampasan mo yung canteen?!"

Napahinto si Kim magsalita nang may sumigaw kaya nagkatinginan naman kami at sabay sabay na tumingin kung saan nanggaling yung sigaw.

May nakita kaming magjowa na naka piggyback ride pa yung babae sa lalaki.

'Jusko naman, akala ko si Kyla na 'yun.'

Natigilan ako sa naisip ko...

"Kim..." Tawag ko kay Kim habang inaalala yung suot nung babae na buhat nung lalaki na dumaan...

"Mmm?"

"Ano yung suot ni Kyla nung umalis tayo kanina?" Tanong ko sa kaniya.

"Naka blue dress siya... Ba't mo natan--" Natigilan siya sa sinasabi niya at biglang tumingin ulit sa labas ng canteen.

Nagkatinginan kaming tatlo at...

"SI KYLA YUN!" Sabay sabay naming sabi at tumakbo na papalabas ng canteen.

Pero hindi na namin makita yung lalaking buhat buhat si Kyla..

'Jusko naman oo! Bakit naman sasama yung babaeng yun sa di niya kilala?!'

1st day pa lang namin dito kaya sure ako na wala pa siya masyadong kakilala except kay Abby.

Tumakbo kami sa direksiyon kung saan papunta sina Kyla at yung lalaki...

May nakita kaming mga dorms pero halos pareparehas yung laki at histura! Ang pinagkakaiba lang nila ay yung nga dorm numbers...

"Kim, Lexi... Maghiwa-hiwalay na muna tayo para mas mapabilis yung paghahanap!" Sigaw ko sa kanila. Tumango naman sila at saka binuksan ang bawat pinto ng dorms..

15 minutes later...

Binuksan ko ang isang pinto at nakita ko si KYLA AT YUNG CARTER!

Nakapalit ng damit si Kyla ng isang malaking T-shirt na may pangalan ni Carter sa harap... Ang by the looks of it, kay Carter yung T-shirt! Di niya pa ako nakikita dahil mukhang nagkakatuwaan naman sila sa pinagkukuwentuhan nila...

Battle of the Players (Playboys Vs. Playgirls) [On Hold]Where stories live. Discover now