Max's POV
Papunta kami sa mga motor namin ngayon... 6:28 pm na kaya medyo madilim na rin... Buti na lang at may ilaw sa bawat side ng school kaya medyo maliwanag naman...
"Harsh mo kay Gray, girl ahhh.. Hahahha" Si Kyla.
"Ehh nakakatawa lang reaction niya dun sa pinost mong picture. Tignan mo yung mga kaibigan niya wala man lang karea-reaksiyon.. Chill lang." Natatawang sabi ko.
"O siya, dalian niyo na at gutom na ako! Si Max ulit magluluto ah hahahah" Si Kim habang pasakay na sa motor niya.
Sumakay na din kaming tatlo sa kani-kaniyang motor namin at umuwi na.
*APARTMENT*
"Sige, akyat na muna kayo at magluluto pa ko." Sabi ko sa kanila habang papasok sa apartment namin.
"Geh... Maliligo pa ko eh.. Babush." Si Lexi at pumasok na sa kwarto nila.
Sinuot ko na ang apron ko at nagsimulang mag-ayos ng ingredients.
Gray's POV
Buti naman at umalis na yung mga yun! Bwiset! Ang dumi! Dumi! Dumi! Mas lalo tuloy akong naging eager sa pagganti kay Max.
"Bro ang dilim sa labas, wala na bang ibibilibis tong paglilinis natin?" Tanong ni Carter.
"Oo nga.. Kalahati palang yata nalilinis natin." Sagot ko naman.
"Time check lang mga bro, 6:49 pm. Sobrang dilim na sa labas kaya sa dorm na lang ulit tayo hahaha" Natatawa pang sabi ni Kaito..
"Ang kati kati ng katawan ko! Aish! Gaganti talaga ako sa kanila!" Inis na sabi ko habang nangangati.
"Easy bro... Baka sa sobrang kati mo dyan sa katawan mo magmukha kang kamatis hahahaha." Nang-iinis na sabi ni Logan.
"O dalian nyo na! Less talking!" Sabi ni Carter at binilisan ang paglilinis.
*An hour and a half later*
*Time check: 8:19pm*
Sa wakas! Tapos na kami!
"Hayy! Tapos na tayo! Kunin niyo na mga gamit nyo, sa dorm nalang tayo maligo.. Ang kati kati na talaga..." Sigaw ko sakanila at pumunta na kami sa dressing room at nagsuot na ng shirt.
KISS ME
KISS ME
KISS ME
KISS ME
d>_<b
'Haysss! Naiinis na talaga ko sayo Max!'
"Bro? Okay ka lang? May papikit pikit ka pang nalalaman dyan ah? Hahaha" Pang-iinis ni Carter...
"Hindi! Kaya manahimik ka muna please!" Naiinis na sagot ko kaya nabigla sya.
"Wheeeww. Di nga okay... Dahil ba kay Max, bro?" Tanong nya sakin pero di parin maalis yung pang-iinis...
"Oo! That girl is really... Basta! She's getting into my nerves!" Gigil na sabi ko...
Naiinis nako sa babaeng yun! Parang pumanget na sya sa paningin ko ngayon! Pangalawang beses ko pa lang syang nakasama pero hindi ko na sya gusto!
'Kaya pala binalak mo sya halikan kanina?'
"Well.. Ginawa ko lang yun para hindi nila isipin na bakla ako!" Sigaw ko at natigilan sila sa pag-aayos at takang tumingin sa akin.. Natigilan rin ako at hindi kaagad naka recover... Ang t*ng* mo Gray!
YOU ARE READING
Battle of the Players (Playboys Vs. Playgirls) [On Hold]
Teen FictionSa STU (Stanford Technological University) na ang mga babae at lalaki ay may kaniya-kaniyang role... Sa STU na pinamumunuan ng apat na playboys na minamaliit ang mga taong nakapaligid sa kanila. Na sa tingin nila ay mga prinsipe sila at alila lang...