Kyla's POV
Lumabas kami ng gymnasium pagkatapos patulan ni Max si Gray. Hehe, siya kasi ang protector naming apat. Ayaw niya sa lahat ay binabastos at sinisigawan o awayin man kami ng kahit na sino. Di niya tinulungan si Kim kanina kasi alam niya na kaya na ni Kim 'yun at ayaw niya na ring lumaki yung pag-aaway namin.
How sweet... Right?
d^-^b
"Hahaha! Ang cool mo talaga Max!" Sabi ko sa kaniya.
"I know hehe... Nainis lang talaga ako dun sa gunggong kanina. Kung makasigaw sa'yo." Si Max.
"Aawww sweet niyo... Sabi mo pala kanina Kyla eh binastos ni Kaito si Kim?" Sabi ni Abby at bumaling sa akin.
"Ahhh eh... Oo! Nainis nga ako eh... Akalain mo, akmang hahalikan niya si Kim?! As if na magjowa sila! Di pa nga nakukuha first kiss ni Baby Kim eh!" Sabi ko...
"Kyla!" Sigaw sa'kin ni Kim.
"Ay sorry nadulas ako baby Kim..." Sabi ko haha...
d^-^b'v
"Ayyy! Wow naman Kim! Sana ako na lang yun..." Sabi ni baklang Abby at nagpout pa?!
Sana siya na lang?! Wow gusto niyang mabastos sa ganong klaseng tao?!
"WTF?! Gusto mong halikan yun?!"
"Oyyy! Watch your words!" Sabi niya habang dinuduro pa ako. Nag peace sign naman ako.
d-_-b
"Siyempre naman! Siya kaya ang campus heartthrob! Dahil hindi lang siya gwapo, athletic, mayaman, ehhh mabait pa!" Si Abby.
"Kung pagiging bastos ay mabait, aba ehh andami sa sigurong santo sa buong mundo ngayon." Sabi ko.
"Well... For all I know eh napilitan lang yun! At sure ako na isa lang yun sa mga bet na galing kay Gray..."
"Ehhhh! Basta! Bastos pa rin siya!"
"Okay... Paniwalaan mo gusto mong paniwalaan..." Sabi niya. "Tutuloy ko na ang pagpapakilala sa kanila habang nagtotour tayo."
Habang naglalakad kami eh nagsalita ulit siya...
"Yung nambastos kay Kim ay si papa Kaito... Ang lolo niya ay isa sa mga stockholders ng school naten. Half Japanese... Half Filipino. Tahimik, mabait, gwapo, matangkad, PERO--"
"Ayun oh! May pero hehe!"
"Isa siyang playboy..."
"Halata naman." Bulong ni Kim.
"Oh next." Sabi ni Lexi.
"Ok, next up is.. Papa Jeon Carter Lee... Half Korean, Half Filipino. Siya ang pinakamatalino sa kanilang apat. Kung tahimik si Kaito, mas tahimik 'to, para siyang pipe. Pero isa rin siyang malaking flirt!"
"Lastly, si papa Logan Adi Buenaventura. Half Filipino, Half bungangero. Siya ang pinakamaingay sa kanilang apat. Yung kahit nasa kabilang dulo ka man ng school eh rinig na rinig mo yung boses niya hehe." Sabi ni Abby. "Oh siya. Tuloy na natin ang tour!" Masayang sabi ni bakla.
Natapos na namin ang tour at WOW! Ang laki ng school na ito! May isang malakinh library, may field din sila na nahahati sa iba't ibang sections. May track para sa running ang jumping events, yung field para sa Javelin throw at kung ano-ank pang hinahagis. May section din para sa Volleyball at Baseball. Yung gymnasium naman ay para sa Basketball at ibang events. May isang malaking training area para sa mga dancers, studio naman para sa mga singers. At isang malaking sinehan yata yun para sa practice ang auditions ng mga gustong sumali sa opera plays. 3 buildings na nagtataasan na merong isang malaking fountain sa gitna na parang naghahati sa mga buildings. Yung isang building ay para sa mga juniors, yung isa naman para sa seniors, and lastly, para sa mga college students. Pero sa lahat ng iyon, ang ipinagtataka ko ay yung dalawang canteen. Bakit ako nagtataka? Nagtataka ako dahil hiwalay yung canteen para sa boys at sa girls, at panget eh mas malaki yung sa boys.
YOU ARE READING
Battle of the Players (Playboys Vs. Playgirls) [On Hold]
Teen FictionSa STU (Stanford Technological University) na ang mga babae at lalaki ay may kaniya-kaniyang role... Sa STU na pinamumunuan ng apat na playboys na minamaliit ang mga taong nakapaligid sa kanila. Na sa tingin nila ay mga prinsipe sila at alila lang...