Chapter 24 (Locked Up)

135 14 0
                                    

Lexi's POV

Nandito kami sa field at nagkukwentuhan dahil tapos na yung morning classes at wala kaming afternoon classes dahil may meeting yung prof ng Senior high...

"Ano?! Pati si Gray alam na kung saan tayo nakatira?!" Biglang sabi ni Kyla...

"Oo... Nakakainis nga eh!" Nakangusong sabi ni Max...

"O siya... Problema mo na yan! Hehehe"

"Hala! Bakit naman ako lang?"

"Eh sa ikaw nalang yung gagantihan nung mokong nayun... "

"Andaya kasi... Masyadong isip bata. Tch"

"Okay lang yan. Wala namang ubra sayo yung lalaking yun eh haha... "

"Talaga!"

At nagtawanan naman kaming lahat...

(Time Check - 4:57)

"Uy mga babae CR lang ako... " paalam ko sa kanila...

"Geh lang! Bilisan mo ha? 3 minutes nalang mago-open na yung gates" Sabi ni Kim...

"Sige... Yung Bag ko! Ingatan niyo yan, nandiyan Cellphone ko... "

"Oo na! Dalian mo... Sa parking nalang tayo magkita. " Sabat naman ni Kyla...

Pumunta na ko ng CR at nagjingle hehe.... Pagkatapos kong MagCR, dumaan ako dun sa kabilang side nung building kasi parang mas mabilis kung dun ako dadaan papuntang parking lot...

Naglalakad ako ngayon dito sa likod walang mga studyanteng dumadaan dito... Takot siguro sa mga naglalakihang puno. May naaninag akong tao sa nagiisang pinto dito sa likod ng building... Kaya lumapit ako at-

"Araayy naman!" sigaw ko dahil may nasipa akong malaking lata kaya nasugat ako... Napatingin ako dun sa lalaki at bigla siyang humarap sa akin-

LOGAN?!

Umiiyak siya!

Dali-dali niya namang pinunasan yung mukha niyang basa na sa luha...

"U-uyy Mr. Kapal... B-bat ka umiiyak?" Tanong ko sa kaniya habang dahan-dahang lumalapit...

*Click*

Biglang nagsara yung pinto...

"Uyyyyy! Bat mo tinanggal yung harang?" Biglang natatarantang sagot niya...

"Anong harang?"

"Yung lata!"

dO_Ob!

"Shocks!" Sigaw ko at dali-daling tumakbo papunta sa pinto... At nakalock! "Wala ka bang susi?"

"Wala! Sino ba kasing nagsabi sayong pumunta ka dito... "

"Sorry noh... Nacurious lang kasi may nakita akong lalaking pumasok eh... Sorry noh?" Sarkastikong sabi ko...

"Alam mo ba yung Curiosity killed the cat? Ikaw pusa ka! nandamay ka pa!"

"Psh... " singhal ko nalang at naupo sa isang gilid... Tumabi naman siya sa akin.

Maliit yung kuwarto

Malamig

Maalikabok

Tahimik

Walang tao

Pano kami makakalabas dito?!

dTT_TTb

Battle of the Players (Playboys Vs. Playgirls) [On Hold]Where stories live. Discover now