Prologue

395 44 8
                                    

"I am Xyrene Silvestria. Lumaki ako sa isang mayamang pamilya. Bata pa lang ako pero parang pinagkait na sakin ang kasiyahan ng mundong 'to. Na tila may kasalanan akong ginawa upang parusahan ng ganito.

When i was 6 years old my mom and dad died because of car accident nang dahil sa pangyayaring yon napilitan kaming umuwi ng kapatid ko sa Batanes upang sa Mansion ng Lola namin tumira. Hindi pinaramdam sa amin ni Lola na may kulang sa amin dahil siya ang tumayo biglang mga magulang namin.

Kahit kailan ay hindi ako pinabayaan ni kuya. Sa kaniya ako umiiyak at nilalabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Pero hindi ko akalaing pati siya ay aalis at iiwanan ako.

When i was 13 years old my brother also died because of leukemia.

My dad left me.

My mom left me.

My brother left me.

They all left me lost, and i can't still find my way back.

What did I do to deserve this?

Pagsulat ko sa diary na iniregalo sa akin ng Lola ko noong seven years old palamang ako. Iyon lamang ang tanging pinagkakaabalahan ko dahil pakiramdam ko ay dito nabubuhay sina Mommy dahil naroroon ang mga larawan nila.

Sa buong buhay ko bibihira lang ako lumabas ng silid ko dahil simula ng pumanaw ang pamilya ko nawalan ako ng gana sa lahat lahat.

Nawala ang mga hilig ko at mga bagay na nakakapagpasaya sa akin. Tanging pagmumokmok at pagiyak lamang sa kwarto ang ginagawa ko.

Tumingin ako sa paligid at napansin ang pagbabago sa Mansion ng Lola ko dito sa probinsya nya. Pamana pa ito ng mga ninuno ng pamilya nanamin.

Marahan akong umupo sa couch sa may balkonahe sa likod ng Mansion ni Lola may hagdan ito pababa sa basketball court, swimming pool at sunod ko namang iginala ang paningin ko sa lupain ng Lola ko. A

May malawak na palayan, taniman ng bulaklak, mga alagang hayop ni lola at nandon din ang falls na dinadayo dito na lagi naming pinapasyalan nina kuya noong buhay pa sila.

"It's been a ten years since you've gone. Mommy, Daddy and kuya." I whispered and looked at the blue sky. "And it's still killing me inside."

May butil ng luha na tumulo sa pisingi ko. Mabilis ko iyong pinunasan dahil ayokong may makitang umiiyak ako.

Lumipas na ang maraming taon pero heto parin ako. Hanggang ngayon ang sakit sakit parin ng pagiwan nyo sakin.

Patuloy parin ang paghihirap ko.

Bakit sila pa? Sobrang daming tao sa mundo.... Why them?

Sana ay kinuha nyo na lamang din ako....

Tatalikod na sana ako ng biglang may tumamang bola sa ulo ko kaya naman mabilis akong nahilo! Hahawak sana ako sa may pader pero malayo ako roon kaya naman natumba ako!

Minsan na nga lang lumabas may mambabato pa!

"Okay ka lang miss?" Narinig kong tawag sa akin ng isang lalaki mula sa likod ko.

Minulat ko ang mata ko at bumungad sakin ng isang lalaking mukhang anak ng trabahador ng lola ko dahil sa suot nitong damit. Inalok nya ang kamay nya sakin pero hindi ko tinanggap.

Ang sakit ng pwet ko! Badtrip ka!

Tumingin ako sa baba ng balkonahe, may basketball court don at mukhang umakyat sya sa hagdan dahil kuntektado iyon mula sa balcony.

Nakita kong ang pinsan kong lalaki na halos mamatay na sa kakatawa kaya mas lalong sumama ang paningin ko.

Nag lalaro sila ng basketball. Hindi na ako magtataka kung ang lalaking kaharap ko ngayon ang nagbato ng bola sa ulo ko.

Mabilis akong tumayo at binigyan siya ng napakasamang tingin.

"May mata ka ba?" Iritado kong sabi sa kaniya.

Hinihilot ko pa ang bahagi ng ulo ko na natamaan ng bola dahil sobrang sakit talaga non. Tila naalog ata ang laman ng utak ko!

"Pasensya na miss, Hindi ko naman sinasadya eh." Napakamot pa sa ulong sabi niya.

Hindi ko siya sinagot sa halip ay kinuha ko ang bola at malakas ring ibinato sa mukha niya nakangiti niya iyong iniwasan!

"Bakit ka umiwas?" Malakas na sigaw ko.

He just laughed at me. "Alangan?" Kinuha niya ang bola at hinagis papunta roon sa court.

"Teka, Sino ka ba?" Nagtataka pa nitong tanong at tumingin sa buong katawan ko. Mula paa hanggang ulo.

"It's none of your business." Tipid kong sagot.

Akmang tatalikod na sana ako dahil ayokong makita ang pagmumukha niya. Baka masampal ko lamang siya at ihulog sa balcony na iyon.

Pero hindi pa ako nakakahakbang palayo ay nakita ko ang Lola kong nakangiti habang pinapanood kami ng kasama ko.

W-Why the hell are you smiling!?

"Apo ko siya." She said. I suddenly looked at Kenzo, Kitang kita ko ang pagbabago ng emosyon niya na hindi ko naman mabasa.

"Siya ang babaeng apo ko, Kenzo."

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now