Chapter 38

42 20 0
                                    

"Hindi ko alam na maarte pala ang type mo, Kenzo.” Nang-aasar na tugon ni Trevor.

"Maarte your ass." I rolled my eyes, Napangiti naman ako nang hawakan bigla ni Kenzo ang kamay ko para pakalmahin.

Kanina pa kaming nasa biyahe, Mula nang umalis kami sa bahay namin ay natulog na lamang ako buong biyahe. Nagising lamang ako nang sabihin ni Kenzo na malapit na kami.

Mabilis lang naman ang naging biyahe, Tanghali pa lamang ngayon. Nasabihan ko na rin si Lola na may ipinahanda akong lunch sa restaurant roon kina Raine para aminin na boyfriend ko na si Kenzo.

"Hindi naman siya mataray.." Nakangiting tugon kenzo. "Medyo lang."

Hinampas ko naman ang braso niya at Inis silang tiningnan ni Trevor na ngayon ay tawang tawa na rin. Sakto namang pinarada na ni Trevor ang sasakyan sa tapat ng hotel, May 30 minutes pa naman kami bago maglunch.

"Ice cream.." Bulong ko nang makitang may batang kumakain ng ice cream roon, Inis naman akong lumapit kay Kenzo na kabababa lamang ng sasakyan.

"Bakit?" He asked.

"I want ice cream.." I whispered, Hinimas ko namn ang tyan ko na tila takam na takam.

"Okay, I will buy you. Hintayin mo na lamang ako sa room mo ha?" Pigil tawa niyang sabi at ginulo ang buhok ko.

"Yehey! Thank you baby!" I said.

Agad namang napatulala siya at namula. "Anong tawag mo sakin?"

"Hmm?"

"Ulitin mo." Seryoso niyang tugon.

"Hindi ko na uulitin, Bye KENZO!" sigaw ko, Nilagyan ko pa ng diin ang mga pangalan niya at naglakad papasok ng hotel.

Baby.

"Ang driver ko na ang magdadala ng mga gamit nyo sa Mansyon, Kamusta ang Manila?" Rinig kong tugon ni Trevor, Hindi ko na sila hinintay pa dahil gustong gusto ko na matulog.

"Goodmorning Ma'am, What floor po?" Nakangiting tanong sa akin ng staff na babae sa elevator, Nakakapagtaka naman na may roon na pala silang ganto rito.

Sinabi ko naman sa kaniya at floor ko,  saglit ko pa siyang pinagmasdan. Sa totoo lamang ay hindi mo aakalain na staff lamang siya rito dahil sa ganda niya, May mapuputing kutis at napakaamong mukha. Sa tingin ko ay kasing edad siya ni Mommy kung nabubuhay pa ito.

"Ang ganda mo naman, iha." Bati nito sa akin. "Arella."Iniabot niya sa akin ang kamay nito.

Ngumiti naman ako at Iniabot rin ang kamay ko. "Xyrene Silvestria."

"Silvestria..." Bulong nito na tila may inaalala. "Ano ka ni Mr. Francisco Silvestria?"

Bahagya naman akong nagulat sa tanong niya, Kilala niya si Daddy? "I'm his daughter."

Tumango naman siya. "Naging trabahador rin ako ng Daddy mo kaya kilala ko siya, Isa rin ako sa nalungkot noong mawala ito." Malungkot nitong tugon.

Hindi ko na siya nasagot dahil biglang tumunog ang phone ko, Tiningnan ko ang numerong iyon pero hindi yon pamilyar sa akin.

"Hello? Who is this?" Pagsisimula ko pero nanatiling tahimik sa kabilang linya.

"Xyrene..." Bulong nito. "This is Chef Wilbert."

"Chef Wilbert! Marami rin akong gustong Itanong sayo tungkol sa sinabi mo noong isang gabi, Totoo bang buhay ang tatay ni Kenzo?" I asked, Gustong gusto kong tulungan si Kenzo.

"Yes, I know him very well."

"Sino s-siya?" Nauutal kong tanong.

"After my work, 9:00 pm. Magkita tayo." Sandali siyang tumigil sa pagsasalita at bumuntong hininga. "Sasabihin ko sayo lahat."

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now