Chapter 29

64 25 0
                                    

Nagising ako dahil sa sunod sunod na doorbell, Sa living room kami natulog ni Raine dahil nasa kwarto ko parin si Trevor.

"Xyrene..." Inaantok niyang sabi. "May tao sa labas, kanina pa yan eh.." Inis niyang tugon.

Naiinis naman akong tumayo, Dumiretso ako sa banyo para magtoothbrush at maghilamos. Baka mamaya ang lola ni Raine iyon, nakakahiya naman kung haharapa ko sa kaniya ng may muta pa.

Kinuha ko ang striped long-sleeve ko at isinuot iyon, Pinuyod ko rin ang mahabang kong buhok. Kinuha ko rin ang phone ko sa table, I got a message from Lola.

Lola: Bukas na ng summer vacation niyo, Wag ka na pumasok ngayon. Naipagpaalam ko na kayo, Sumabay ka kay Trevor mamaya para makuha ang gamit niyo. Susunod ako.

Xyrene: Yes po, Take care.

Nilagay ko sa bulsa ko ng phone ko at binuksan ang pinto, Kanina parin ako naiinis dahil 7:00 am palang ay doorbell na sila ng doorbell.

"Goodmorning, Xyrene." Sabay nilang bati, It was Julian and Matthias pareho silang may dalang bouquet of flowers.

Mygodness.

"Here" Iniabot sa akin ni julian ang kaniya, It was a red roses.

"T-Thank you.." Masama naman siyang tiningnan ni Matthias.

"Narinig ko na favorite mo raw ang tulips." He smiled and gave me the flowers.

"Thank you rin." Magkabilang hawak ko ang bulaklak.

"Ahm, Eto pa." Julian gave me a dozen of ferrero. "I'm sure you will like it."

"I have also." Matthias gave me a bunch of toblerone.


Napalunok naman ako at tinignan ang mga binibigay nila, Jesus bakit ganito karami? Isang lalaki lang naman ang gusto ko.

"She doesn't like chocolates." Nangibabaw ang boses ni Kenzo mula sa likuran nila, Awtomatiko naman silang tumingin sa likuran.


"At paano mo naman nalaman?" Pang-aasar ni Julian.


I glanced at kenzo, He is just wearing a White hoodie jacket paired with a black shorts. May dala dala siyang Maliit na paper bag.

Tumitig siya sa mga bulaklak na iniabot sa akin ang akala ko ay masasaktan siya pero tumawa lamang ito.


"What the hell, Anong tinatawa tawa mo ha?" Inis na sabi ni Julian.


"Seryoso, Bulaklak talaga ang ibibigay niyo?" Natatawa niyang tugon.

"It's Ten thousands." Mayabang na ani ni Matthias.

"Doble ng presyo ng kaniya ang akin, Tatawanan mo pa?"


Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Kenzo. "Kahit anong mahal ng bulaklak na yan, Mabubulok pa rin yan." Sabi niya, Napanganga naman ng dalawa. "Bakit niyo naman bibigyan ng nabubulok na bagay ang babaeng mahal niyo? Tsh, Binibigyan niyo lamang siya ng basura."



May jaw dropped, Humanga ako kung paano siya magisip. God! I'm so lucky!

"He's right." Matthias whispered.


Lumapit siya sa akin, Tinabig niya ang chocolate na hawak hawak parin ni Julian. "Itago mo na yan, Hindi siya mahilig sa sweets."

"Is that true, Xy?" Inis na tanong ni Julian.


Napapahiya naman akong tumango. "He is right, Madalas sumakit ang ngipin ko." I said, "How did you know?" I whispered to Kenzo.


"Well, because I'm your suitor." He smirked. "By the way, Here." Iniabot niya sa akin ang paper bag na hawak niya.


The Undestined LoveWhere stories live. Discover now