Chapter 40

39 17 0
                                    

"Goodmorning, Xyrenee!" I shouted and stoop up, Nagising ako dahil sa alarm clock ko na kanina pang nagiingay. Agad ko naman itong pinatay.

Napatingin naman ako sa single couch ko roon, Naroroon na ang uniform ko. Nakalipas na ang dalawang araw mula ng umuwi ako rito sa bahay kaya maari na raw ang pumasok. Wala nanaman ang benda sa ulo ko.

Dumiretso ako sa banyo para maligo, Sinadya kong tagalan ito dahil ngayon ako muling makakapasok. Ngayon ko lamang ulit makikita si Kenzo. Tanging text lamang ang naging communication naming dalawa, Hindi pa kami nagkikita.

"Ma'am, tapos na po kayo? Hinihintay na po kayo ng driver niyo sa baba." Narinig kong sabi ni Andeng pagkalabas ko ng banyo, Kumakatok pa ito.

Hindi ko na ito sinagot pa at nagmadali na lamang sa pagbibihis, Muli ko namang Inilugay ang mga buhok ko at naglagay ng kauting make up sa mukha.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng kwarto ko, Naabutan ko naman roon si Andeng kanina pa pala akong hinihintay. "Wala na sina Lola?" Tanong ko habang bumababa ng hagdan.

"Maaga po silang umalis ni Sir Trevor kanina. Kumain po muna kayo, Nakahanda na roon sa lamesa." Tugon nito nang mapansin na dirediretso ako sa pinto.

"Isusumbong mo ba ako kung hindi ako kakain?" Natatawa kong tugon.

Agad naman itong umiling. "Ako na po ang bahala."

Iyon ang nakasanayan naming dalawa sa tuwing wala akong gana kumain, lagi niya akong pinagtatakpan.

"Thank you." Tugon ko at lumabas ng bahay, Nakita ko naman agad ang driver ko roon habang pinupunasan ang kotse.

"Goodmorning, Ma'am." Nakangiti nitong sabi at pinagbuksan ako ng sasakyan.

"Goodmorning din po." I said, Sumakay naman agad ako roon. Nakita kong Itinabi niya muna ang mga gamiy niya panlinis saka sumakay ng kotse at pinaandar ito papuntang school.

"Ilang taon ka ng nagtratrabaho kay Lola?" I asked him, Napatingin naman ito sa akin sa rear mirror ng sasakyan.

"Mula ng Ipinanganak ka ay ako na ang driver ng Lola mo." Nakangiti nitong tugon.

Tumango naman ako. Hindi na ako muling nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa school. Nalaman ko naman na hindi na pala siya aalis rito upang bantayan ako, Binigyan ko naman ito ng pera para makapagmeryenda.

Marami pang estudyante sa labas nang makarating ako sa school, Naglalakad na ako ngayon sa hallway at natatanaw ko na ang room namin.

"Xyrene." Narinig ko tawag sa akin ni Cristell mula sa likuran ko.

"Kung makikipag away ka, wala ako sa mood." Maarte kong tugon, Masaya ang gising ko kaya ayokong sirain niya iyon.

"Hindi, Ang totoo niyan gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko sayo pati na rin kay Raine." Nakayuko nitong tugon. "Narealize ko na lahat ng mga mali ko."

Napanganga naman ako sa mga sinabi niya, Naagaw na rin namin ang pansin ng mga ibang estudyante.

"Nag-aaway nanaman ba sila?"

"Baliw! Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Cristell?"

"Ano raw?"

Narinig kong mga bulong bulungan ng mga estudyante pero nanatiling na kay Cristell ang tingin ko.

"I'm sorry, Xyrene." Sinsero nitong tugon.

"Sino ba naman ako para hindi ka patawarin?" I smiled and hold her hand. "Stop chasing a man who doesn't look at you the way you looked at me, Just don't do it again." I said and turned around.

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now