Chapter 11

88 28 0
                                    

"Nandyan ka na pala anak, kain na." Sabi ng nanay ko pagkapasok ko ng bahay namin, Ngumiti naman ako sa kanya.

Maliit lang ang bahay namin kaya pagkapasok mo palang ay kitang kita mo na ang kusina namin.

May kahoy na lamesa doon at anim na upuan. May maliit din na refrigerator at iba pang gamit pangkusina. May maliit din kaming sofa at maliit na tv na sakto lang sa amin.

Hinubad ko ang sapatos ko at dumeretso sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Kagagaling ko lang sa hospital, Pinilit akong sumakay ni trevor sa sasakyan niya na ngayon lang niya gagamitin dahil diniretso ko daw sa ilog ang hammer nya tangina pero kahit gustong gusto ko sumakay doon kila manang na lang ako sumabay dahil kasama nila trevor si xyrene.

Nangilid agad ang luha ko nang maalala ang nangyari kagabi.

Pagakatapos noong sa boyfriend niya, kay matthias naman?

Bumuntong hininga naman lang ako, Lumabas ako ng kwarto at nagmano kay nanay. Lumapit ako kay klent at ginulo ang buhok nito.

"Si ken, nay?" Tanong at umupo sa tabi ni klent.

"Nasa kwarto, nagpapahinga" Tumango ako at kumuha ng plato para kumain.

Hotdog.Itlog.Sinangang.

Napangiti ako nang makita ang ulam namin, paborito ko yon lahat.

"Oh, buti naman at naisipan mong umuwi?" Biglang labas ng tatay nina klent na may dala dalang alak, si Martin.

Simula bata palang ako at dinala siya ni nanay dito ay mainit na ang dugo niya sa akin, hindi ko alam kung bakit. Lagi niya akong pinapalo noon, sinasabi ko kay nanay na iwan na niya yon pero ayaw niya dahil nabuntis daw siya ng gagong yon.

Hindi rin niya ako binibigyan ng pera pangtustos ko sa school, ako ang nagpapaaral sa sarili ko.

Hindi na ako humihingi ng pera kay nanay dahil may sakit sa puso si ken, mas kailangan nya yon.

10 years old ako nagsimulang tumulong magtrabaho kay nanay. Hanggang sa inalokan ako ng trabaho ni lola leah, gusto niya akong ampunin pero tumanggi ako.

Kailangan ako ng nanay at mga kapatid lo.

"Martin, kauuwi niya lang." Pagsaway ni nanay kay tito Martin na umupo na sa sofa ngayon.

Tinuloy ko na lang ang pagkain ko at hindi siya pinansin, sanay na ako.

"Ano? buong araw ka na don sa matandang yon, ano bang mapapala mo don?" Hindi niya pinansin si nanay.

"ANO BA MARTIN! MAGPAHINGA KA NA LANG DON!" Sigaw ni nanay sa kanya.

Nagsulubong agad ang kilay ko nang marinig ang sinabi niya. Wala siyang kaalam alam sa laki ng tulong na naitulong sa amin ni lola leah.

Nagaway sila pero pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko, baka masapak ko langsiya. Pinapasok ko na rin sa kwarto si klent nang mapansin na tapos na siya kumain

Ayokong pati mga kapatid ko madamay sa kanila, kahit ako na lang wag lang sila.

Pumasok ako sa kwarto at sandaling nagpahinga. Nagbihis ako para pumunta sa hacienda ng bulaklak nina lola leah, nagtratrabaho ako  roon tuwing weekends.

Pumunta muna ako sa kwarto ni ken para tingnan siya, mahimbing na natutulog ang kapatid ko.

Ngumiti ako at hinalikan ang noo niya, "Gagawin lahat ni kuya para sayo ha?magpanggaling ka."

Lumabas ako ng kwarto nang makitang umiiyak si mama sa sala.

Lumapit ako at niyakap ko siya "Sinaktan ka nanaman niya nay?" Bumitaw ako sa yakap niya at tumango siya.

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now