Chapter 6

101 30 1
                                    

"Going to school is really sucks." I whispered and rolled my eyes.

Tinanghali ako nang gising dahil sinamahan ko pa si Trevor maglaro sa computer nya kagabi para gumaan ang pakiramdam nya.

Kaya ako naman ang nagdudusa ngayon. Nasa biyahe na kami at wala talaga akong kaayos ayos! Halos lumuwa ang mata ko sa sobrang puyat!

Si Miss Velasca ng first class namin kaya malalagot talaga ako.

"Baka ipahiya niya ako kagaya ng ginawa niya kay Zaffiro kahapon.

Napansin ko ang isang malaking palengke habang nasa biyahe kami. Buong buhay ko ay hindi pa ako nakakapasok sa ganitong lugar dahil puro Malls naman sa Manila.

Umaga pa lang ay napakarami ng tao roon. May nagbubukas ng mga pwesto nila at ang iba naman ay nagaayos ng mga paninda nila.

Nangako sa akin sina Mommy na dadalhin nila ako sa ganitong lugar noong nabubuhay pa sila.

"P-Pwedeng daan muna tayo sa palengke? Gusto ko lang makita. Just five minutes." Pakiusap ko pa nang hindi inaalis ang paningin sa lugar na iyon.

Naramdaman ko naman ang pagtanggo ng driver ko at itinabi ang kotse.

"Sayang hindi ko kayo kasama." I sighed. I grabbed my simple necklace. Iniregalo nila 'to sa akin bago sila mawala.

Ibinababa ko ang bintana ng sasakyan nang makarating kami doon. Iginala ko ang paningin ko sa mga iba't ibang laruan at mga lobo.

Napatingin naman sa dulo kung saan naroroon ang mga nagtitinda ng isda at mga karne.

Napatingin ako sa isang pamilya na masayang kumakain sa isang karenderya kaya naman agad nangilid ang luha ko.

Itataas ko na sana ang bintana ng may binatang nakaagaw ng pansin sa akin.

May dala itong limang bilao na hindi ko alam ang laman. Tila ibinebenta nya ito sa bawat tindera na naroroon dahil pinapakita niya pa ito.

He was wearing his school uniform kaya nakakasigurado akong sa school ang diretso niya pagkatapos ng ginagawa niya.

He looks so tired...

Kumirot ang puso ko nang makita ko ang pagod sa mga mata nya pero kabila ng pagod na nararamdaman nya nakukuha nya paring ngumiti sa mga tinderang pinaglalakuan nya.

That smile... Smile that you can still see the sadness in his eyes.

Agad akong lumabas ng sasakyan para puntahan sya. Narinig ko ang pagtawag sa akin ng driver ko pero hindi ako lumingon. Sa halip ay mabilis akong naglakad papunta sa gawi niya.

I don't understand why but I want to hugged him and apologize to him.

"M-Miss xyrene! malelate na po kayo!" sigaw pa ng driver ko.

Tumakbo ako papalapit kay kenzo pero sa kasamaang palad ay dumami na ang tao sa loob ng palengke!

Nakipagsisikan ako sa mga taong naroroon. Muntik pa akong matumba dahil nabangga ko ang isang binata na may dala dalang isang sako ng bigas!

Naramdam kong may humawak sa kamay ko at agad akong humarap sa pangaakalang si Zaffiro yon. "Hey!"

"What?" Nadismaya ako nang makitang si Trevor pala iyon. "Ano ba nangyayari sayo Xyrene? Halika na. Ihahatid na kita sa school nyo. Tinawagan ako ng driver mo na umalis ka daw bigla, Malelate ka na." Kunot noong sabi ni trevor at hinila ako papunta sa sasakyan nya.

Halatang nagmadali syang pumunta dito dahil may muta pa sya at sobrang gulo ng buhok kaya lihim akong napatawa

"Ew." Tinuro ko pa ang mukha niya.

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now