Chapter 36

74 23 1
                                    

Isang oras ang nakalipas bago kami nakarating sa hotel, Hindi ko alam kung saan na kami nakarating dahil naka blind fold ako buong biyahe. Tinanggal niya lamang iyon nang nasa loob na kami ng room na nirentahan niya ng Isang araw.

Ang sabi niya ay hindi pa raw rito ang punta namin, Magpapalipas lamang raw kami ng dilim rito bago umalis bukas ng umaga. Nagtataka naman akong tumingin sa closet roon, Tingin ko ay plinano na niya ito dahil naroroon ang mga Ilang damit ko, Maunti lamang iyon.

I explored my eyes in our room, It was  a gray and black interior. There's a master bed and a single couch, May roon ring balcony pero nakalaglag ang mga kurtina, Ayaw niyang buksan ko dahil malalaman niya raw kung nasasaan kami.

I took my phone in the table when I got a message, I opened and read it.

Lola: Enjoy the night, Xyrene. Happy Birthday. Mag-iingat kayo ni Kenzo.

Sumilay naman ang tingin sa mga labi ko, Plinagplanuhan pala talaga Ito ni Kenzo dahil maski sina Lola ay kasabwat nito.

"Kain na." Wika niya nang makapasok siya, Nagpaalam siya kanina na bibili lamang raw ng pagkain sa baba dahil nagutom ako sa biyahe namin.

"Ano yan?"I asked, Umupo naman ako sa kama at hinintay na ibigay niya sakin iyon.

"Jollibee, Wala ng ibang bukas sa baba." Napakamot naman siya ng ulo, Natawa naman ako.

"Favorite ko yan." I smiled.

Inilapag niya sa maliit na talbe ang mga pagkain na dala niya saka niya inayos at dinala sa akin sa kama.

Una niyang Inilagay ang Super meal roon at binuksan, Sinunod naman niya ang dalawang large fries at coke float. May ice cream rin siyang binili.

Kinuha ko naman agad ang tinidor at kutsara para magsimulang kumain. Umupo naman siya sa tabi ko at kinuha ang fries niya. "Kamusta ang kapatid mo?" I asked.

Nginuya niya muna ang kinakain niya. "Si ken? Oo, ayos na siya kaya nilabas na siya kaninang hapon. Napagod lamang raw sa kalalaro."

"May sakit siya?" I asked.

He nodedd. "Mahina ang puso niya, Kelangang operahan pero wala kaming sapat na pera."

"Pwede kaming tumulong ni Lola." Suggestion ko at agad siyang umiling.

"Marami ng nagastos si Lola noong opera niya kaya nahihiya na rin kami, De bale kapag nakapagtapos ako ipapagamot ko siya." He smiled.

"Mag eengineer ka diba?"

"Oo, Ikaw? Dito ka parin ba magaaral?" Tanong niya.

Umiwas naman ako ng tingin. "H-Hindi."

Napatigil naman siya sa pagkain at hinawakan ang kamay ko, Iniharap niya ang mukha ko sa kaniya. "Ilang taon lamang naman iyon diba?" He tried to smile. "Promise, Lagi akong dadalaw sayo roon. Maghihintay ulit ako." He kissed my hand.

Natatakot akong makahanap siya ng iba habang wala ako.

"Are you willing to wait again?" Nauutal kong tanong.

He slightly nodedd. "Kahit gaano mo ako katagal paghintayin, May babalikan ka parin."

Masaya ko namang tinapos ang pagkain ko. Saglit kami nanood ng netflix sa cellphone ko saka nagpahinga. Wala kaming choice kung hindi magtabi ng kama.

"Wag kang lalagpas rito." Wika ko at Inilagay sa gitna namin ang dalawang unan.

Natawa naman siya at tumango. "Pwede naman kita titigan buong magdamag." Wika niya.

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now