Chapter 9

85 29 0
                                    

Inis akong lumabas sa kwartong yon. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nya akong pagselosin!

Napakamanhid nya!

Naglakad lakad lang ako sa hallway para mawala ang inis nang makaramdam ako ng gutom. Hindi nga pala ako kumain kanina, buti na lang may pera pa ako dito.

Agad akong lumabas sa hospital at humanap ng bukas na tindahan.

Napatigil ako sa isang lomihan na bukas pa at may iilang tao paring kumakain doon.

I sighed, Dito kami mahilig kumain noon. Tiningnan ko ulit ang lomihan at inaalala ang mga ala-ala namin doon.

Fuck memories.

Tahimik akong pumasok sa lomihan at umupo sa palagi naming inuupuan noon.

"Oh kenzo!" Pagtawag sa akin ni kuya Chris, ang may ari ng lomihan na ito.

Ngumiti ako sa kanya at yumakap.

Minsan na rin aking nagtrabaho sa kanya noon kaya parang anak na ang turing nya sa akin.

Hindi naman sila mayaman at hindi rin mayaman, may kaya lang. Nalalapitan ko din sya tuwing dinadala sa hospital ang kapatid ko.

"Bakit ikaw lang? Nasaan si-"

"Matagal na pong sira" putol ko sa pagsasalita nya.

Last year noong umalis sya ng walang paalam.

Iniwan nya ako ng hindi ko alam ang dahilan.

Nangilid agad ang luha ko kaya sinabi ko na kay kuya Chris ang order ko.

Ilang oras rin ako naghintay bago dumating ang order ko, Inubos ko agad iyon. Napayakap ako sa sarili ko dahil ang lamig sa labas kubo lang 'to kaya damang dama mo ang hangin.

Lumabas ako para masdamhin pa ang lamig.

Nakita kong lumabas ng kwarto si Xyrene dahil wall glass yon.

Napangiti ako ng makita sya, hulog na hulog na ata ako.

"Ngiting inlove ah?" paglapit bigla sa akin ni kuya chris, Inabutan nya ako ng kape at agad ko namang kinuha yon.

Umalis siya saglit dahil may costumee na dumating.

Napangiti ko sa kanya at inaalala ang kaisa isang babaeng nagugustuhan ko mula bata.

Naglalaro ako sabay ni lola leah nang makarinig ako ng batang umiiyak.

Lumapit ako sa pinto at pinakinggan sya.

"Mommy, i'm 7 years old na po" sandali syang tumigil sa pagsasalita dahil umiiyak sya. "Miss ko na kayo mommy at daddy"

Binuksan ko ang pinto na tama lang para masilip ko sya.

Inilibot ko ang paningin ko sa magandang kwarto na iyo, vioet and pink ang design ng loob, marami ring laruan gaya ng malalaking teddy bear.

Hindi ko na nakita ang iba dahil baka makita nya ako.

Nakaupo sya sa kama habang hawak hawak ang frame at yun ang kinakausap nya habang umiiyak.

baliw ba siya?

Bakit kinakausap nya yung frame?

Nakakatakot naman!

"Pst!" umayos agad ako ng tayo at sinara ang pinto.

Tumingin ako kay kuya Xenos, apo ni lola leah na galing manila. Siya ang tumawag sa akin.

Hindi kami masyadong close dahil hindi rin siya mahilig lumabas pero minsan ko na rin siyang nakalaro noon sa basketball.

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now