Chapter 17

66 29 0
                                    

"Xy" Pagtawag sa akin Kenzo habang naglalakad kami pabalik sa classroom. "Okay ka lang?"

Sandali ako tumigil sa paglalakad at tumingin sa kaniya. "Bakit naman ako hindi magiging okay?" I laughed, pinagpatuloy namin ang paglalakad.

Naroon na ang proof namin nang dumating kami mabuti na lamang at abala siya sa pagchecheck ng attendance kaya hindi niya napansin na nalate kami.

"Saan kayo galing?" Nanunuksong tingin ni Raine samin ni kenzo pagkaupo namin, Dinilaan lang siya ni kenzo at hindi na pinansin.

"Okay class, Dinala nyo ba ang pinapadala ko last time?" She looked at the class, Naghihintay ng sagot. "Family picture." Pagpapaalala niya at kinuha ang index card sa table niya, naroroon ang mga pangalan namin.

Ngayon na pala yon? I sighed. Kinuha ko ang family picture ko sa bag, kaya ko ba to? kaya ko na ba?

"Okay ka lang?" Kenzo asked.

I nodded, Humarap na ako sa professor namin. Hinalo halo niya ang index card na iyon upang humanap ng pangalang tatawagin.

"Euraine Santos" Pagtawag ni miss kay raine, Nakasimangot namang naglakad si Raine sa unahan dala dala ang litrato ng pamilya niya.

"Goodmorning, A-Ah Miss?" Nahihiya siyang tumingin kay Miss Nover na ngayon ay nakaupo sa table sa likuran. "Pwede po tagalog?"

Nagsitawanan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Raine, Siya mismo ay natawa rin. Hindi naman Strikta si Miss Nover kahit English ang subject niya sa amin, natatawa naman itong tumango.

"Thank you Miss" She smiled and looked at us. "Kinuha ang litrato na ito noong birthday ng papa ko, 10 years old palang ako rito. Eto ang mama ko, isa siyang house wife, hindi siya masyadong pinapayagan ni papa na magtrabaho dahil sakitin siya" Sabi niya at tinuro sa litrato ang nanay niya. "Eto naman ang papa ko, Isa siyang Trycle driver. Lahat ng trabaho ay pinasok niya para magkaroon kami ng magandang buhay" Nakangiting sabi niya at nakatitig sa litrato ng kaniyang ama.

"That's all?" Tanong ni Miss at tumango namin si Raine. "Goodjob, take your seat." Agad namang sumunod si Raine, kinuha ulit ni Miss ang index card at muling binalasa iyon.

"Ang panget mo sa picture, Mukha kang dugyot!" Pang-aasar ni Kenzo kay Raine, Kinuha niya sa kamay ni Raine ang litrato at pinagtawanan ito.

"Akin na nga yan! Nakakainis ha" Mataray niya sabi at kinuha ang litrato kay kenzo.

Hindi na nakapagsalita ang dalawa nang tumawag ulit ng pangalan si Miss Nover, Tahimik lang kami nakinig. Nakakalungkot lang na halos lahat sila ay buo ang pamilya, samantalang ako'y niisa wala.

"Kenzo Constello" Pagtawag ni Miss kay kenzo, tumawa naman si Raine. Tinawag siya ni Miss dahil tawa ito ng tawa.

Tumayo si kenzo at humarap sa amin sa unahan dala dala ang litrato nila. Nagbibinata na siya sa picture na iyon, May buhat buhat siyang baby siguro ay kapatid niya. Payat pa ang katawan niya roon samantalang ngayon ay katamtaman lamang para sa isang magandang katawan.

"Goodmorning" Panimula ni kenzo ay naglabas ng magandang ngiti. Agad namula ang pisngi ko ng humarap siya sa akin. Buong oras na pagpapaliwanag niya ay wala akong naintindihan, Nakatitig lang ako sa mga matatamis niyang ngiti at nangungusap na mata.

Ganon na lang ang epekto niya sa akin. Bawat pagbuka ng bibig niya ay pinagmamasdan ko, Tinitigan ko rin ang bawat detalye ng Mukha niya.

Bakit may ganitong kagwapong nilalang sa mundo?

Ang tanging pumasok lang sa isip ko sa pinaliwanag niya sa unahan ay hindi niya totoong ama ang nasa litrato, Step Father niya raw ito.

May idea kaya siya sa totoo niyang tatay?

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now